Chapter 11
The Rematch
Red's POV
Unti-unti ng naglalabasan ang mga tao paalis, ang mga itsura nila'y mga dismayado. At yung iba naririnig ko pa.
"Grabe, kawawa naman si paper-hearts" Sabi nung lalaking abnoy.
"Kung ako yun hahayaan ko na lang yung pagkatalo ko." Sabi nung isang lalaking makapal yung labi.
"Masyado bang big deal ang matalo ng babae?" Sabi nung lalaking mukhang paa.
"Ang babaw naman nung lalaking yun!" Sabi nung isang babaeng pangit.
Siguro nga sa kanila mababaw lang na issue yun. Pero hindi naman nila alam ang nangyari.
please learn some good manners! Your mouth spits filthy words And stop being arrogant
Pag naiisip ko yun. Pakiramdam ko inapakan ang buong pagkatao ko. Dahil sa loob lang ng isang oras nahusgahan na ko agad. Masakit yun. Dahil di naman nya ko lubusang kilala pero kung magsalita sya parang buong buhay nya alam ko.
Pero inaamin ko rin namang nagkamali ako, di dapat ako nagpadala sa galit at pride ko. Pinaiyak ko pa sya. Pakiramdam ko ngayon magisa ako, wala akong kakampi.
"Red! Anong ginawa mo!?" Si midsy pala to, at naguguluhan ang itsura nya.
"Ginawa ko lang ang dapat." Sabi ko sa kanya.
"Ano ba ang dapat mong gawin? Paiyakin ang pinsan ko? Si serra?" Paiyak na rin nyang sabi.
"Tatapusin ko lang, ang dapat tapusin." Sabi ko na parang wala akong emosyon at naglakad na ko papalabas.
-------------------------------------------
Red's POV
Lunchbreak na, nandito ako ulit sa rooftop ng school building pero hindi ako nagiisa, kasama ko ang buong stattrack fiends dito.
"Dude, I didn't expect, you could do such thing!" Sabi ni glen. Dahil naikwento ni midsy kay jamir ang nangyari kagabi at kinuwento na rin naman nya sa iba pang stattrack fiends.
"I know you're cold to girls, but serra? She's different man." Dagdag pa nya.
Habang nakasandal sya sa wall at kumakain ng burger.
Nasa likod ko silang lahat, habang ako ay nakatingin sa labas at nakahiga na nakaharap sa side ng rehas at nakapatong ang ulo sa kanang kamay ko.
"Mukhang napaiyak mo ng todo si serra ah." Sabi ni raven, habang nakikikain kay glen sa tabi nya at nakasandal din sa may wall.
Nagsalita naman si jamir at kinausap ako.
"Red, kasama ka pa rin dun sa lineup kahapon ng igniting stars, dahil ikaw ang pumalit na replacement. Kaya maglalaro ka pa rin daw mamaya sabi ni midsy at kung nakokonsensya ka daw sa ginawa mo, at dahil buong gabi daw umiiyak si se-"
"Oo na maglalaro na ko!" Pinutol ko ng magsalita si jamir dahil puro pangongonsensya na lang ang maririnig ko sa kanya. Babawian ko tong si jamir!
"Sasamahan ka na lang namin mamaya." Sabi ni raven habang kumakain ng burger.
"Eh ikaw ba jamir? Kailan kayo magpapakasal ni midsy?" Sabi ko para makabawi sa kanya. Haha! Durog ka ngayon!
"Ha?. Eh.. A-anong s-sinasabi mo dy-dyan? Di kami magpapakasal no!" Kabadong sagot ni jamir. Hahaha! Serves him right!
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...