Chapter 33 : Let's Go Shopping

102 2 0
                                    

Red's POV

"Gusto kitang maging boyfriend!"

"Gusto kitang maging boyfriend!"

"Gusto kitang maging boyfriend!"

Nasa kwarto ako at nakahiga.  Nakatayo sya sa likod ng puno at kita lang ang kalahati ng katawan nya,  habang ako ay kaharap nya na nakahiga sa kama ko at di makagalaw.

"No!  Go away!  Ayoko!  Lagot ako!  Bakit may punong tumubo sa kwarto ko!  Lagot ako kay mama!"  Sigaw ko, pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Taena!  Isulat ko na lang kaya...

Papalapit sya sa kin, pati yung puno.  Nakatago pa rin sya.  At unti-unti syang lumalabas sa likod ng puno.

"Waaaaaaah!"  Sigaw ko ulit pero walang boses na naman.

Hanggang sa buong katawan na nya ang nakikita ko at...

Nagliwanag sya at ngumiti sya sa akin.  Bakit ganito?  Ang ganda nya...  Sobra..

Napadilat ako bigla.   Tumingin agad ako sa paahan ko.  Walang puno.  Mabuti naman.  Pero ang weird nung panaginip ko...

Nung kalahati pa lang ang nakikita ko sa kanya.  Sigurado akong kamukha nya si jeff the killer, ang pangit.  Pero nung nakita ko na yung buong mukha nya, sobrang ganda na nagpakabog sa dibdib ko, hindi ng kaba.  Iba eh.

Hayaan ko na nga lang.  Bukas na ang araw ko.  Kaya dapat keep calm and do what I want.  Kasi ako ang bida bukas.

Pumunta na kong bathroom at nagayos.  Linggo ngayon kaya wala ring pasok.  Wala rin namang nagyaya sa kin kaya dito na lang ako sa bahay.

Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa kusina para kumain.

"Ohayo!"  Bati ni mama.  Nihongo?  Nagaaral ba to si mama ng nihongo?

"Ohayo."  Gusto ata nito ni mama maging multilingual eh.  Anong meron ba?  Pumunta ako sa dining table at umupo.

"Tabemasu ka?"  Tanong nya ulit.

"Hai."  Sagot ko naman.

At binigyan nya ko ng almusal.

"Itadakimasu."  Sagot ko bago kumain.  At nilantakan ko na yung almusal.

Pagkatapos kong kumain, tinanong ko si mama.

"Ma, bakit nagninihongo ka?"

"Ah, nagpapractice kasi ako!  Bukas kasi yung best friend ko galing japan uuwi dito just to attend your birthday.  Kasama pala nya yung anak nya.  And actually, she arrived here last week pa.  Pero syempre business matters ang inasikaso nila."  Ah..  Kaya pala..  May japanese na pupunta dito.

"Japanese ba talaga sila?"  Tanong ko kay mama.

"No, honey.  My best friend is pure filipino but she's already a japanese citizen dahil dun na rin siya tumira dahil nandun ang business nila.  Pero yung anak nya, half japanese sya since japanese ang father nya."

"Ah..  Eh yung anak nya?"  Anong pake ko sa anak nya?

"Ah.  Babae yung anak nya.  At ang alam ko, last month pa sya nandito.  And magkaedad kayo.  Ay mas matanda ka pala kasi you're already twenty.  Ano ka ba!  Magkalaro kaya kayo dati nung maliit pa kayo!"  Paliwanag ni mama.

"So kailangan kong makipagusap in nihongo?"

"No, honey, straight ang filipino nila kaya di mo na kailangang magnihongo." 

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon