Chapter 23 : Unexpected Visit

200 3 0
                                    

                 Chapter 23

             Unexpected Visit

Red's POV

Nandito kami ngayon sa event at hanggang ngayon nagiisip pa rin ako ng gagawin ko kung pano ko sasabihin kay serenity na gusto syang makilala nina mama.

Awarding ceremony na, kaya kailangan naming umakyat ng stage.

Syemre, si midsy pa rin ang host ng event na to.

"Dear gamers!  I now, present to you, our champion!  The igniting stars!"  At nagpalakpakan na ang mga tao habang paakyat kami.

Inabutan naman ni midsy si rina ng trophy dahil sya ang captain kasama na ang cash prize.  I must say, bigatin ang tournam na to dahil sa laki ng cash prize.

Pagkatapos ng awarding bumalik kami sa table namin.  At nagumpisa na ang cosplay contest.  Kung sino-sinong mga hero at charactes ang mga nakita naming ginaya ng mga candidates at talagang halos lahat kamukha nila yung kinocosplay nila.

Samantalang ako, di pa rin mapakali dahil nagiisip pa rin ako ng paraan kung pano ko sasabihin kay serenity yun.

"Ayos ka lang ba?"  Tanong sa kin ni serenity.

"Ha?  Ako?  O-oo, okay lang ako!"  Sagot ko naman ng may pagkataranta sa kanya.

"Mukhang malalim kasi ang iniisip mo.  May problema ka ba?"  Paguusisa naman ulit ni serenity.

Sasabihin ko na ba?

Chance na to!  Push ko na!

Eto na!

"Ano kasi, umm...  May sasabihin kasi ako sayo."  Eto na talaga!  Rekta ko na to!

"Ano yun?"  Ayan na!  Nagtanong na si serenity.  Wala ng alisan to!  Rekta na talaga!

"Ano..  Pwede ka bang..."

Teka!  Teka!  Back muna!  Back muna!

Ano na naman ba yun?

Maingay eh!  Baka di ako marinig!

"Ano?"  nagtatanong na si serenity.  Kailangan ko na tong gawin!  Its now or never!

"Okay lang ba sayo na..."

Wait lang!  Farm pa kaya ako muna?  Baka di pa malakas yung mga sasabihin ko at idecline lang ako.

Ano ba!

"Na ano...?"  Nagaantay si serenity oh!  Langya!  Di ako malakas sa ganito!  Need back up!

"Ah...  Wala!  Wala yun..."  Kainis!  Failed ako!  Di bale!  Marami pa naman akong attempts!

Makalipas ang ilang oras...

"Ano...  Serenity...  May tanong ako..."  Eto na talaga yun!

"Ano yun?"  Sasabihin ko na talaga!

"Ano...  Umm...  Ano kasi..." 

Ano!

Wa!  Nasisilence ako!

"Ha?"

"Ano...  Sinong favorite mong hero?"  Attempt 2, failed!  Nahihiya talaga ako!  Putek!

"Ah...  Si pearl."   Si pearl pala, favorite nya.  Ay alam ko na!

"Pwede mo ba akong samahan?"  Yan na!  Nakabuo na ko ng sentence!  Tuloy-tuloy na to!  Hahaha!

"Saan?"  Ano ba dapat kong sabihin?

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon