A/N
Guys! First story ko to, so sana magustuhan nyo!
And meron pala kong dapat ipaliwanag sa mga di nagdodota dyan! Eto kasi yung mga words na nagamit sa chapter na to:
Carry : Sila yung nagdadala ng laban at mga killers sila ng team.
Support: Sila yung tumutulong sa carry para mabilis makaipon at makabili ng item ng mabilis ang carry.
IGN: In-Game Name or username.
Chapter 1
Let's get it on!
Red's POV
Nakakabadtrip! Nakakapang-init ng ulo ang mga nangyari kanina! grrr! well in-tro nga muna, a-ko nga pala si Crimson Reyes. nineteen years old na ko at third year na sa college. Tina-tawag ako ng mga kaibigan ko na red dahil ang crimson nga na-man ay ku-lay red. Seems legit na-man ka-ya hinayaan ko na lang, ang hi-rap daw kasi bang-gitin ng pa-ngalan ko mga ku-pal kasi yu-ng mga yun,ang aarte, parang two sy-llables lang na-man ang sasabi-hin. Duma-dagdag din sila sa nagpa-painit ng ulo ko.
"Stun mo na kasi!" Pabulong kong sabi sa sarili ko. Ngayon kasi naglalaro ako kaya pautal-utal ako kanina magsalita dahil clash kanina habang nagpapakilala ako. Anong nilalaro ko? Malamang alam nyo siguro. Dota? Oo pero hindi din, sabihin na lang natin halos lahat ng klaseng laro na nagoriginate sa dota, kaya ko laruin. At ngayon naglalaro ako at eto ngang malamya kong kakampi, isa pa to sa dumadagdag sa init ng ulo ko dahil di makapagstun ng maayos. Naglalaro ako ngayon para maibuhos ang lahat ng init ng ulo ko sa mga kalaban ko. Kaso nga lang ang kakampi ko nagpapakain lang sa kalaban.
Mainit ang ulo ko kasi ngayon dahil sa sunod-sunod na kamalasan ngayong araw simula pa kaninang umaga.
Ano-ano ba ang nangyari kanina?
Eto lahat!
flashback:
6 am
alarm song playing: kyoto by skrillex
Agad kong pinatay ang alarm nung magring ang alarm ng cellphone ko. Dahil dubstep ang tugtog mabilis akong nagising. Napuyat ako kakalaro magdamag kagabi dahil nagpapractice ako para sa isang hon tournament na magaganap next week, may kalakihan din ang prize para sa magiging champion kaya puspusan ang pageensayo ko. Pero wala naman talaga akong paki sa prize. Gusto ko lang magkaroon ng malalakas na kalaban at mahahanap mo lang sa mga tournaments na may matataas ang prizepool ang mga ganong klase ng kalaban.
Paglabas ko ng pintuan agad bumungad sa kin ang kapatid kong lalaki na si lean short for cerulean na ang ibig sabihin naman ay blue. Mahilig sa kulay ang parents namin no?
"Kuya, late ka na daw po sabi ni mommy!" Sabi nya sa kin. pitong taon lang kasi si lean.
"Lean, anong sinasabi mo dyan? 6 a.m. pa lang eh" sagot ko naman sa kanya.
"Eh sabi ng watch ko eight na eh" Ipinakita pa nya ang rilo nya na nasa kanang kamay nya.
"Ha? Eh six pa lang sa phone ko eh." Paliwanag ko naman sa kanya habang pinapakita ko ang phone ko at tinuturo ko ang oras.
"But kuya look at the clock sa wall oh! Yung maliit na hand is nasa eight na and yung mahabang hand is nasa five na." Turo naman nya sa wall clock na nasa living room namin.
At nanliliit pa ang mga mata ko dahil sinusubukan kong tingnan ang oras na nasa wall clock dahil malabo na rin ang mata ko kakalaro pero medyo lang naman. At nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita ko na 8:05 na nga ng umaga eh ang oras ng pasok ko ay 7:30 para sa unang subject ko.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...