Chapter 14
Rivalry
Red's POV
Nandito na kami sa cafe. Kasama ko ang stattrack. Nandito na rin ang igniting stars, at si serra. As usual, di nya pa rin ako pinapansin. kahit tinititigan ko na sya, wala pa rin. Pero may plano naman ako. Sana maging effective tong gagawin ko!
Finals na! Iba na ang rules ngayon! Best of five na ang laban. Kaya kung sino man ang makatatlong panalo sya ang magiging champion. Ang makakalaban namin ngayon ay ang landsharks. Malakas daw sila, pero di ko lang alam kung gano sila kalakas. At isa pa, di ko pa sila nakakalaro. Meron pa isa! Hindi ko pa sila nakikita.
Nandito kami sa may lounge ngayon at nakaupo kasama ang igniting stars.
"Dude, look at those guys right there!" Tinuro ni glen yung mga lalaki sa may bandang kanan.
"Sila yung landsharks." Sagot ni jamir at parang nagiba yung mood ni jamir. Yung mukhang threatened na minsan lang namin makita sa kanya.
Siguro nga malakas talaga sila, dahil sa titig pa lang, napabago na nila yung mood ni jamir.
"I heard na malakas yung carry nila." Dugtong pa nitong si kyle na nagaalala para sa kin. Dahil ako nga ang carry ng team nila.
"Jake..." Napatingin kaming lahat kay serra na biglang nagsalita.
Nakatingin din sya dun sa mga lalaking tinitingnan namin. Mukha namang shocked na shocked si serra sa nakita nya.
Sino naman kaya tong jake na to? At ano ang relasyon nila ni serra.
Bigla namang dumating si midsy at lumapit sa amin.
"Oh, are you guys ready? Maya-maya magsastart na ang laban!"
Napalingon kaming lahat kay midsy. Pero si serra, nakatingin pa rin dun sa mga lalaking tiningnan namin.
"Oh serra? Sinong tini-" Habang lumilingon si midsy kung saan nakatingin si serra.
"Jake!" Sigaw ni midsy at halatang biglang lumaki ang ngiti nya nang makita nya yung kung sino man yung tinawag nya!
Napatingin naman yung lalaki sa gawi namin, at ngumiti yung lalaki at lumapit sa amin.
"Ate midsy? Is that you?" Nakangiti yung lalaki. At nagyakapan sila ni midsy, at pinakilala nya yung lalaki sa min.
"Guys! I want you to meet Jake Summer Calderon." Habang nakalapat pa ang mga kamay ni midsy sa tapat ng dibdib ni jake habang pinapakilala nya.
"Nice to meet you all!" Sagot nya lang habang nakangiti.
"gahd! Its been forever! Look at you! You're all grown up!" Grabe naman to si midsy, ayaw magpaawat.
"And of course, i'd like you to meet serra!" Tumingin naman ako agad kay serra!
At bakit ganyan ang itsura ni serra? Biglang.. Ang blooming nya, at nahihiya pa sya ha? Ang sweet pa ng ngiti! At yung mga mata nya grabe ang kinang! Bakit? Dahil ba sa lalaking to?
"Hi! summer.." Nak ng! Pati pagtawag ang sweet! At di lang yun! Summer pa ang tinawag ni serra sa kanya! Mas maganda kung jake na lang! Cool yun! Jake! Cool! ...diba?
What is happening here? Im getting pissed off!
"Serenity? A-are you really serenity?!" Tumakbo syang tuwang-tuwa palapit kay serra! At ano daw? Serenity? Serenity ba ang pangalan ni serra?
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...