Chapter 19
Official Special Friends
Serra's POV
Nagising na ako, Pagdilat ko, nandito ako sa kwarto ni ate midsy. Nakahiga ako sa kama ni ate midsy, nasa harap namin ang pinto. Lahat ng teammates ko nakapalibot sa akin. Kitang-kita sa mukha nila na alalang-alala sila sa kin.
"Serra, kamusta na ang lagay mo?"
"Okay naman na ko ate midsy, salamat sa pagalaga."
"Buti naman nagising ka na." Nakaupo sa tabi ko si ate rina, Hinawakan nya ang kamay ko.
Naalala ko yung nangyari bago ako nawalan ng malay.
"Si jake?" Naiiyak pa rin ako. Dahil di ko akalain na ganon pala syang tao.
"Wala na sya, at di na yun magpapakita dito!" Galit na galit si ate midsy sa kanya. Dahil katulad ko, naniwala din sya kay jake. Pero mas tanga ako dahil naniwala ako sa kanya at pinagtanggol ko pa sya kay red, habang si red ipinagtatanggol pala ako sa kanya.
Ang tanga ko... (sniff!) Si red ang pinagtabuyan ko samantalang pinagtatanggol na nya ko. at nagsorry sya sa kin pero di ko man lang pinansin.
"Bakit serra?" Umiiyak na pala ako, hinimas naman ni sheila yung likod ko pagkatapos magtanong. Pero di ko pa rin mapigilan yung luha ko. Dahil sa sobrang nakokonsensya ako.
"S-si red ka-kasi, pinag-tang-gol nya a-ko, pero... Pi-pinagta-buyan k-ko sya..." Di ko mapigilan, gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sarili ko!
"Na-saan s-si r-red?!" Tiningnan ko si ate rina, pero nakakunot lang ang noo nya at nakasimangot.
"G-gusto kong magsorry sa kanya!" Gusto kong humingi ng tawad sa kanya! Para man lang mabawasan ko ang sama ng loob sa sarili ko!
"Puntahan natin sya ate!" hinahawakan ko na ang kamay ni ate midsy at nagmamakaawa!
"Serra! Kailangan mo muna magpahinga!" Ayoko! Di ko kailangang magpahinga!
"May kasalanan ako kay red! Kailangan ko humingi ng tawad!" Malaking kasalanan yun! At kulang pa ang paghingi ng tawad sa kanya.
"Tsaka na yan serra! Magpahinga ka muna!" Naiiyak na rin sila sheila sa ginagawa kong pagmamakaawa.
"Wag kang ganyan serra! Pati kami pinapaiyak mo na rin eh!" At tumulo na ang mga luha ni lyla. Kaya yumuko ako, para di nila makita na umiiyak ako.
"Eh kasi naman! Pinagtanggol nya ko! Pero pinagtabuyan ko sya!" Naiinis ako sa sarili ko! Di ko man lang inalam kung ano ang ginagawa ni red! Para sa kin na pala yun!
"Sige na! Puntahan natin sya.. Parang awa nyo na... Gusto ko syang makita!! Ate!" At humagulgol na ko pero nakayuko lang ako at naririnig ko silang nagiiyakan rin.
"Papakinggan ko na sya sa sasabihin nya... Kahit na sabihin nyang kinasusuklaman na nya ko... Papakinggan ko pa rin sya... " Naninikip na ang dibdib ko at mahigpit na ang kapit ko sa kumot sa magkabilang hita ko, At numinipis naman ang boses ko. Tuloy tuloy lang din naman ang pagagos ng luha ko, na tumutulo sa ilong ko...
"Magsosorry din ako.... kagaya ng ginawa nya... Kaya please... "
"Pano mo naman gagawin yun? Eh full support ka?"
May boses ng lalaki kaming narinig at napatingin kami sa may pinto.
"Jamir?" Nakasandal sya sa may kanto ng pinto habang nakatiklop ang mga braso nya sa dibdib nya. Si jamir! Sya ang pwedeng magdala sa kin kay red!
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...