Chapter 22
Mission Impossible?
Serra's POV
Umaga na. Paalis na rin kami sa bahay ni ate midsy dahil mamaya, darating na ang mga staff ng cafe. Aasikasuhin din ni ate midsy yung para sa awarding event at sa party na mangyayari mamayang hapon.
Nandito na kami ngayon sa harap ng cafe at naguusap.
"Dapat may theme tayo sa outfit natin mamaya!" Nagsuggest si raven tungkol sa theme ng outfit namin.
"Maganda nga yan!" Sumangayon naman si sheila sa sinabi ni raven.
"Eh kung cosplay na lang? May party naman mamaya eh." Suggest ni kyle.
"Ayoko." Sumabat naman si crimson. Tiningnan ko naman ang style ni crimson. Rocker nga pala sya. Ah! Alam ko na...
"kung elegant black kaya?" Suggest ko naman sa kanila. Black kasi ang paborito ni crimson kaya siguradong papayag sya.
"Black kasi yun yung paborito ni red?" Nagtanong si sheila sa akin at nakatingin sya na parang naghihinala sa suggestion ko. Nahuli naman nya ako agad...
"Ah! Eh... Hindi naman..." Napaatras ako dahil kinabahan ako sa titig ni sheila. Yung titig naman kasi ni sheila eh! Para nya akong kakainin.. Nakakatakot..
"Okay lang naman yun." Sagot naman ni ate rina na nakapamewang at nakatingin sa style ni crimson.
"Oy! Sira ulo ka talaga red! Pati si rina inaagaw mo! Tingnan mo nakatitig sya sayo!" Agad namang lumapit si glen kay crimson dahil nakatingin si ate rina kay crimson. Wala namang reaksyon si crimson.
"Uhmm! Tu-tumahimik ka nga! Hindi ako nakatingin sa kanya mismo! Sa porma nya!" Binatukan ni ate rina si glen na agad namang tumigil pagkatapos mabatukan. Si ate rina naman kasi eh... Parang hinuhubaran na nya si crimson sa titig nya.
"Pero sa bagay, maganda naman talaga ang porma ni red eh. Ganyan ba ang mga gusto mong pormahan ng lalaki, rina? Para maggaganyan na din ako! Balak ko na nga talaga magpalit ng genre eh!" Paliwanag naman ni glen na parang pinapaboran lang ang sinabi ni ate rina tungkol sa style ni crimson.
"Wag mo ng balakin, di naman babagay sayo! Ma-mas okay na yang i-itsura mo ngayon..." Nahihiya naman si ate rina sa sinabi nya kay glen. Ang gustong sabihin ni ate rina kay glen, ay di na nya kailangang magbago ng itsura nya para magustuhan sya ni ate. Tingin kasi ni ate rina, di bagay sa kanya ang magsalita ng ganong mga bagay. Kaya di nya masabi ng deretso.
"Okay! So it's decided then!" Sagot naman ni ate midsy. Kung ganon, yun na yung magiging theme namin. Masaya naman yung itsura ni crimson kahit na di nya pakita eh. At di na rin nya kailangan pang magsuot ng ibang style ng damit.
"May nakakalimutan ka." Bumulong sa akin si crimson. Ano naman kaya yung nakalimutan ko?
"Ha? Anong nakakalimutan ko?" Pabulong ko lang ding tanong sa kanya. Pe-pero te-teka.. Masya-do malapit yung mu-mukha ni crimson... Kinakabahan ako... Parang may nagmamartsa sa loob ng dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang kinis ng mukha nya...
"Yung sa favorite colors ko. Nakakalimutan mo yung red." Ah... Oo nga pala... Ci-crimson nga pala yung pa-pangalan nya. Re-red din pala ang paborito nyang kulay... Pe-pero wag ka masyado malapit sa akin... Di ko kayang tumingin ng matagal eh...
"A-ah! O-oo nga! Si-sige, s-sasabihin ko sa kanila." Di na rin ako makapagisip ng matino. Para na akong malulusaw...
"Ssshhh.... Wag. Dalawa lang tayo maggaganon. Magred and black ka ha." Malapit pa rin yung mukha nya sa mukha ko at nakatakip yung daliri nya sa bibig ko at di na ko nakapag salita... Pakiramdam ko talaga... Kahit anong oras pwede na kong himatayin...
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...