Chapter 9 : Declaration Of War

230 4 0
                                    

A/N

Merong terms sa chapter na to na baka di nyo maintindihan kaya ieexplain ko na lang.

Concede - meaning isinuko na ng kabilang team ang match kaya kahit di pa tapos ang match panalo na agad yung isa pang team.

Match statistics - eto yung record ng laban ng mga players.  Ang ibig sabihin ng tatlong numbers na ganito: 1-1-1, ay kills-deaths-assists.  Yan ang pinakatinitingnan sa match stats ng isang player.

                    Chapter 9

             Declaration Of War

Red's POV

Nandito na ko ngayon sa labas ng cafe at nagbabalak ng umuwi.

Nang biglang may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko.  Di ko alam kung bakit pero hindi ko man lang naisipang tumabi o umalis na.

Parang hinihintay ko kung sinong lalabas ng kotse.  At bigla ngang may lumabas ng kotse dun sa may pintuan ng driver.

Nagulat ako sa nakita ko kung sino yung lumabas ng kotse.

Nagulat ako ng lumabas yung driver, oo yung driver yun, sigurado ako.  Pagbukas nya ng pintuan sa driverseat.  Sinara nung driver yung pintuan at umikot sa kinatatayuan ko.

Binuksan nya ang kanang pintuan ng backseat na nasa harapan ko at biglang nakuryente ang buong katawan ko ng lumabas si zeus!  Hindi, joke lang, pero nakuryente talaga ang buong katawan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si binibini.  Oo, si binibini nga mismo yung lumabas at nung paglabas nya bigla syang napatingin sa kin at bigla na naman akong nakaramdam ng kaba sa dibdib.

"Uhm-?!"  Parang nagulat sya ng makita ako na nasa harapan nya at kaunti lang ang distanya sa pagitan naming dalawa.

Pero di ako makagalaw at di ko na alam ang gagawin ko.  At di ko na rin maalis ang pagkakatitig ko sa kanya.  At parang sya naman din ay napatitig lang din sa kin, siguro dahil sa sobrang gulat nya kanina pagkalabas nya.

Ikaw ba naman eh, Paglabas mo ng pinto ng kotse may lalaki kang kaharap agad tapos nanlalaki ang mga mata na kala mo nakadrugs, di ka magugulat?  Tapos makakagalaw ka pa ba sa sobrang takot mo?

Yun siguro ang nangyari sa kanya, kaya nagkatitigan na lang kami, parang mainit na yung pakiramdam ko at parang nanghihina sa pagkakatitig nya, na parang gusto ko pang lumapit at hawakan ang kanyang makinis na mukha at hahali-

"Miss, papasok na po ba kayo?"  Panira nung guard sa eksena namin at agad namang sumagot si binibini.

"Ah.. umm.. Sige po."  At agad syang lumihis ng tingin at nagmadaling pumasok.  Naiwan akong nakatayo at inaabsorb ko pa yung ginawa ni manong driver sa moment namin. 

Curse you!  Manong driver!

Mumurderin ko si manong driver sa isip ko!  Ang naiisip ko ngayon ay ganito:

Habang naghihintay si manong driver sa labas ng cafe habang nakasandal sya sa kotseng minamaneho nya at nagpapausok ng sigarilyo, lumapit ako sa kanyang may hawak na martilyo at may malaking pako.

Nakita naman nya ako agad.  Tinaas ko yung martilyong hawak ko, napabalagbag naman sya at napaupo sa sahig sa sobrang takot at dahan-dahan syang umatras.  Narinig ako ni manong na may binubulong habang nakayuko ako at nakataas pa rin ang hawak kong martilyo.

"Sinira mo... Sinira mo... Sinira mo"  Binubulong ko habang papalapit ako sa kanya.

"A-anong s-sinira ko-ko!  P-parang Awa mmo na!  Mmarami pa kong Pa-n-ngarap  sa-sa bu-buhay!  Di-di pa ko na-nanalo sa l-l-lotto!"  Pagmamakaawa nya sa kin at halatang-halata ang takot sa pananalita nya.  Pero di ako natinag!  Lumapit ako!  Lumapit ako!  Sa dingding! ng cafe, At.. At... At di ko na napigilan ang sarili ko!!

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon