Chapter 24
Gotta Make A Move
Red's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng gate at tinitingnan ko pa rin ngayon si chronos.
nangiti-ngiti pa ko, dahil talagang naaalala ko si serenity sa kanya. At inuulit-ulit ko pa sa isip ko kung ano yung mga sinabi nya kanina.
"Talagang tinanong pa nya kila jamir kung sino yung paborito kong hero. Hahaha!" I think i'm insane, pero masarap sa pakiramdam.
"Kinikilig-kilig ka dyan ah." May biglang nagsalita at tumingin ako sa may pintuan at nandun si mama.
"Di ah." Sagot ko naman at naging seryoso na ulit ang expression ko.
"We! I saw you smiling at that stuffed toy! Si serenity nagbigay nyan no!" Naguusisa na naman si mama. Di talaga tumitigil. Pero parang gusto ko rin yung tinutukso ako kay serenity, ahihihi!
"Sya nga, nagexchange lang kami. Dahil binigyan ko rin sya ng ganito." Sagot ko naman kay mama at pumasok na kami sa loob.
"Ah talaga?! Kung ganon nasa ibang level na ang relationship nyo?" Sana, pero hindi eh. Siguro dahil lang siguro yun sa mga nangyari sa amin. Parang pambawi lang namin sa isa't-isa kaya ganon kami.
"Di yun ganon ma, dahil kasi sinali nila ko sa team nila. At malaki din naman yung naitulong ko sa kanila kaya walang ibang ibig sabihin tong stuffed toy na to." Masakit mang isipin, pero yun ang totoo. Kumbaga compensation lang namin sa isa't-isa yung mga ginawa namin kanina at di dapat ako magassume ng kung anu-ano.
"Ay! Sayang naman, gustong-gusto ko pa naman sya." Sayang talaga. Gustong-gusto ko rin sya. Medyo naging komplikado lang kasi yung mga nangyari sa min.
"Akyat na po ako." Paalam ko kay mama. At umakyat na ako sa kwarto ko at humiga.
"Ay! Oo nga pala! Hiningi ko nga pala yung number nya! Itetext ko sya!" Umikot ako sa higaan ko para dumapa.
Message to serenity:
Good evening! Salamat pala kay chronos. I'll take good care of it. Love you!
Uy! Nasobrahan ako!
Hala! Burahin yan!
Binura ko na rin naman agad yung last part. Kaya ganito na lang ang message ko.
Message to serenity:
Good evening! Salamat pala kay chronos. I'll take good care of it.
Tsaka ko isinend.
Maya-maya after five minutes, nagreply sya.
Thank you rin kay pearl. Iingatan ko rin to.
Ahahahaha! Parang ang nabasa ko, I love you too na yung message nya.
Nagkatext naman kami buong magdamag. Inoorasan ko lahat ng intervals ng messages ni serenity. Atat kasi ako sa mga reply nya. Pero minsan matagal din syang nagrereply kaya minsan naiisip kong boring akong kausap.
Kaya mabilis akong magisip ng topic para di sya maboring. Kung anu-ano ang mga pinagusapan namin, pero karamihan puro sa paglalaro.
Di ko naman ininda ang antok ko, basta't nagrereply si serenity. Pero nung nagreply ako sa kanya, medyo natagalan sya sa pagrereply kaya napapikit ako saglit.
Dumilat ako ulit at tumingin sa phone ko at nakita kong meron akong four messages galing kay serenity.
kaya pala natagalan si serenity, apat naman pala yung reply nya.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...