Chapter 2 :
The Match That Started It All
Red's POV
Teka, Babae? ang gaganti sa kin? We? Di nga? Takot naman ako. pero sarcastic lang ako nyan.
Pero parang naexcite din naman ako sa kanya. At nagkaroon ako ng opponent bigla at babae pa.
Sa totoo lang, ayoko ng nakakakita ng mga gamers na babae. Siguro kasi alam ko din yung mga ginagawa nila as a gamer. Yung mga sigawan, laitan, trashtalkan pati na rin yung murahan. Okay pa kung lalaki pero isipin mo kung babae ang tatrashtalk sayo? Parang automatic turn-off na yun sa babae. At alam nyo naman kung gaano kasakit sa tenga kapag sumigaw ang mga babae. Ang taas ng frequency at ang lakas ng volume! Nakakabingi!.
At isa pa sa mga dahilan kung bakit di ako interesado sa mga babae dahil ang type kong babae ay yung parang di makabasag pinggan kasi tingin ko sila yung mga supportive type na babae. Kahit na sabihin nyong hindi ako makakakita ng ganong babae, wapakels! Yun trip ko eh, bakit ba. Syempre gusto ko rin naman at the same time, matapang, yung marunong lumaban kapag alam nyang inaalipusta sya pero hindi sa pisikalan yung ibig kong sabihin. Ayoko ng babaeng warfreak at gusto ko din yung babaeng may dignidad, yung di hinahayaang tapak-tapakan sya, at yung di magpapakababa para lang sa mahal nya at gusto ko rin yung may pagkaconservative, yung laging presentable at respetadong tingnan, yung kahit ipakilala mo kahit kanino eh matutuwa lahat ng tao sa kanya at ayoko naman ng babaeng brutal yung mananapok o kaya sisikuhin ka sa tyan pag nagagalit, okay na sa kin yung tampo-tampo lang o kaya simangot-simangot kunyari. Tingin ko cute yun sa babae. At kapag may gusto, hindi ako ginagawang manghuhula tsaka yung parang magtatampo kunyari kapag di naibigay yung gusto, bakit di na lang agad sabihin para di kumplikado diba? At gusto ko yung laging nasa tabi ko lang lagi at sinusuportahan ako sa lahat ng ginagawa ko. Pero syempre yung sexy rin at kahit cute lang, kahit di na maganda. Syempre, kung magiisip ako ng ideal girl ko, dapat lubusin ko na. In short, ang gusto ko sa babae ay mahinhin, matapang, may dignidad, conservative, di brutal, straightforward, supportive, sexy at cute.
Loko tong babaeng to! Nasabi ko tuloy yung ideal kong girlfriend. Durog to sa kin mamaya.
Speaking nga of babae, merong babae nga dito na gustong gumanti sa akin, di ko naman alam kung sino sya dito sa lima, kaya abangan na lang natin.
Maya-maya lang eh may sumugod sa kin! Yung tanker! Sya siguro yung babae, pero wala namang kwenta, medyo natagalan lang ako patayin sya, kasi nga tank.
At nagchat ulit yung maingay nilang support.
[junkshop236: Wow, im surprised. You're tough. I really should start to think that you really are a smurf.]
[crimson|reaper: You really should start thinking that way, coz I really am.]
[junkshop236: but you're not the only smurf here.]
[crimson|reaper: and who's the other smurf?]
[junkshop236: The one and only girl that will make you pay for talking garbage about supports.]
[crimson|reaper: Oh, the tanky girl? Well, I'm so sorry, shes just too soft like jelly. I could kill her again and again if I wanted to.]
Wow. Napapasarap ata ako sa trashtalkan namin.
[junkshop236: Nope, she's not the tank. Guess again!]
[crimson|reaper: Well, I'll just take all of you down.]
[junkshop236: We'll see about that.]
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...