Red's POV
Nakarating na kami sa campus. Sa open parking lot ako nagpark para mabilis kaming makarating sa rooms namin.
Bumaba ako ng kotse. Nakita kong ang daming nakatingin sa akin. Bakit? Nakakotse kasi ako?
Lumipat ako sa kabilang side para pagbuksan si serenity ng pinto. Pagbukas ko ng pinto... Gulat na gulat ang mga taong nakatingin dahil lumabas si serenity sa kotse ko. Kinuha ko yung mga librong dala nya at ako ang nagbitbit.
"Di ba? Si serra yun? Bakit kasama nya si red?" Sabi nung isang lalaki. Ahehe! Di makapaniwala?
"Oh no! Di kaya nagdadate na silang dalawa?" Sabi nung isang babae. Parang ganon na nga! Bakit? Angal ka?
Napansin din naman ni serenity na marami ng napatingin sa min. Kaya mukhang natakot siya at napakapit sya sa braso ko.
When she did that. I got power level 9000!!!
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm... Di lang ako sanay ng pinagtitinginan..." Sagot naman nya sa kin. Oras na! Para sa pick up segment ko!
"Ah.. Oo nga, pero dapat masanay ka na. Kasi simula ngayong araw, lagi na tayong pagtitinginan." Ahaha! Hep! Hep! Di pa yan yun!
"Sira ka talaga.." Nakangiting sagot naman nya.
"Tsaka kaya tayo pinagtitinginan, kasi ngayon lang sila nakakita ng perfect couple." Boom! Haha! Mga banat!
"Tara na nga..." Yaya nya sa akin.
"Pero seryoso. Totoo yun. Di mo ba nakita sa mukha nila?" Giit ko sa kanya. At habang naglalakad... Kinulit ko lang sya ng kinulit tungkol dun sa mga taong ngayon lang nakakita ng perfect couple.
Nakarating na kami sa room nya. at nakarating kami dun, ng nakahawak sya sa braso ko! Dapat pala nagikot-ikot muna kami eh! Kaso malalate na kami.
Binigay ko na sa kanya yung mga libro nya.
"Kita na lang tayo mamaya?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm..! Sa lunchbreak?" Tanong naman nya sa akin.
"Sige." At nagpaalam na ko sa kanya. Love you! Ahaha! Dapat pala sinama ko yun.
Pumunta na rin naman ako sa klase ko. Pagdating ko dun.. Nandun na yung apat na ugok.
"Musta!" Bati ko sa kanilang apat.
"Sh*t! Is this the end of the world?" Nagpapanic na tanong ni glen. korni ah! Glen, ang pangit mo gumanap.
"This must be one of the signs!" Sigaw din ni kyle na parang hysterical na.
Si raven naman, hulaan nyo na lang kung anong ginagawa nya. Nagsasoundtrip na naman at walang ideya sa nangyayari sa outside world. Siguro kung talagang end of the world na, di nya pa rin mapapansin yun.
"Korni nyo! Tumahimik nga kayo!" Sagot ko sa kanila at umupo na ko sa usual seat ko sa may tabi ng bintana at sa tabi ni jamir.
"Tahimik ka ngayon jamir ah." Bati ko sa kanya. Nakatulala sya at parang nakangiti. Baliw na ba to? Nasobrahan na siguro sa talino.
"H-ha? Ano yun ulit? R-red?! Kailan ka pa dumating?" Nagulat sya sa akin. Hala! Nagulat sya sa akin?
"Waaah! Natulala si jamir?! This must really mean..." Napatigil si glen sa sinasabi nya. Inabangan naman namin yung sasabihin nya.
"Wala lang." Yun na yun? Glen! Seriously? Joke ba yun?
"Tawagan natin si midsy! May masamang nangyayari kay jamir!" Utos naman ni kyle at nagpapanic pa sya kunyari.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...