chapter 13 : Truths And Regrets

249 4 1
                                    

                   Chapter 13

             Truths And Regrets

Red's POV

Nandito ako ngayon sa rooftop ng school building kasama ang buong stattrack at dalawang di inaasahang tao.

"Bakit ba kayo nandito?"  Habang nakasandal ako sa may rehas na nakaupo at napapalibutan nila kong anim.

"Eh kasi pumunta kami dito!  Baket? angal ka?!"  Umandar na naman tong bibig ni rina.  Tss!  Bwisit na tanghali naman to oh, kung kailan naman gusto ko mapagisa.

"At dito ako nagaaral!  Kaya may karapatan din akong pumunta dito!"  Aggh!  Tama na!

"Eh bakit si midsy nandito din?  Di naman sya na dito nagaaral ah!"  Sabay batok sa kin ni midsy!

"Aggghh!  Ano ba!"  Agad ko namang hinimas ko yung batok ko na nasaktan.

"Loko ka ah!  Dito ako grumaduate no!  Tsaka may sasabihin kami sayo."  At tumahimik silang lahat.

Umupo ang mga kumag na stattrack ng maayos na kala mo ay kukwentuhan ng lola nila.  Huminga naman ng malalim yung dalawang babae.

"Ganito kasi, yung unang beses na naglaban kayo ni serra, sinet up ko yun."  Ano?!  Matchmaking yun, kaya random players yung nakalaban ko nung gabing yun.

"Anong sinasabi mo?  I-imposible yan!"  Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nila sa akin ngayon.

"Imposible nga yun, pero may nakagawa nun, yung technician naming si migs, isa yung brainiac pagdating sa computers at hacks at sya rin si junkshop236."  Ano?!  Yung migs na yung junknapper na yun!!  Kamote sya!  Sya naman pala ang may kasalanan.

"At yung laban nyo nga ni serra, kami ang nagset up nun.  Gusto ko lang ipakilala si serra sayo pero gusto ko rin malaman kung sinong mas magaling sa inyo."  Seryoso ang mukha ni midsy habang nagpapaliwanag sya at ako naman ay pinagpapawisan na ng malamig dahil sa mga naririnig ko...

Waaa!  Was that even possible?

Di ko din alam eh, pero mukha namang seryoso sya sa pagsasalita.

At ang isa pa, di pupunta yan si midsy dito kung wala syang gagawing importante.

Tama.  So, totoo ang sinasabi nya ngayon.

"Sabihin na nating totoo yan, pero pagkatapos ng game na yun may chinat sya sa kin, at yun yung di ko nagustuhan!"  Oo, yun naman talaga ang dahilan ng lahat eh.  Tama, tama, yun yung dahilan kung bakit ko sya hinanap para makaganti!

"Sa tingin mo ba?  Kayang sabihin yun ni serra?  Totoo di pa kayo magkakilala.  Pero sa itsura nya at kinikilos nya, kaya nyang sabihin yun?"  Sumingit naman itong si rina.  Nakatingin lang din sya kin at mukhang seryoso rin sya ngayon.

Sa bagay, si serra ang huling taong maiisip ko na magsasabi ng ganun.

Pero galing sa kanya yung message na yun.

Oo nga, pero di naman ibig sabihin na sya na talaga mismo yung nagsabi nun.

Tama ka, pwedeng sa iba nanggaling yun at chinat lang ni serra para mairelay yung message sa kin.

Pwede rin namang  yung taong yun, ang mismong nagtype nun at ginamit lang ang computer ni serra nung time na yun.

Pero sino namang pwedeng magsa-, di kaya si-

Oo sya na nga yun.  Walang ibang may kayang magsalita nun kundi sya lang.

At binigyan ko sya ng Are-you-that-person? look.  Nagsmirk naman sya sa kin habang magkasalubong ang kilay nya.

Gamers|LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon