Chapter 20
First Conversation
Serra's POV
Kinakabahan ako..! Kailangang makaisip ako ng paguusapan namin, kung hindi baka mauwi sa naiisip ko ang mga mangyayari...
Isip.. Isip! Isip!
"Umm... Di-di ba u-umalis ka na kanina? Pa-pano ka nakabalik dito?" Nanginginig pa yung boses ko nung tinanong ko sya. Pero buti na lang nakaisip ako agad ng itatanong.
"Oo, kaso kanina may nakasalubong akong manong, kaya napabalik ako dito. At nakalimutan kong kunin yung motor ko." Ganon naman pala.... Bumalik sya para sa motor nya... Parang nakaramdam ako ng lungkot sa narinig ko.
"Tapos nakasalubong ko yung tatlo sa daan nung nakasakay ako sa tricycle at sinabi nila sa akin yung nangyari sayo." Kaya pala sya nandito... Nabalitaan nya lang yung nangyari sa akin... Akala ko.. bumalik sya para sa... Ano.. Ah... Sa akin...
"Pero yung si manong na yun kasi may sinabi sa akin, kaya napabalik talaga ako dito dahil sa iyo. Yung motor ko naman pwede ko namang balikan bukas eh. Pero yung makita ka... Di ko kayang ipabukas pa.." Nakatingin sa akin si crimson ng deretso habang nakangiting nagsasalita sa akin. Hindi ko rin naman maiwasang... kiligin sa sinabi nya.. Pero konti lang naman eh! Pero namula talaga ang mukha ko sa mga sinabi nya at nahiya, kaya napayuko na lang ako at hinimas-himas ang buhok ko habang tumitingin sa kung saan-saan. Ang cute kasi.. Ni crimson.. Akala ko din bumalik sya para sa motor nya.. Pero.. Sa a-akin pala...
"Ah.. Ano... Ba-Bakit ayaw mo kong magsorry sayo?" Siguro pwede na yan... Para malihis lang ang isip ko dun...
"Narinig ko na lahat eh." Narinig na nya lahat? Ibig sabihin...
"N-narinig mo na lahat? E-edi kanina ka pa nandyan?" Nakakahiya..! Ang dami ko pa man ding sinabi kanina. Tsaka lalo na yung... Gusto ko sya makita...! Namumula na naman ako sa sobrang hiya!
"Uhm! Di nga nila ako napansing pumasok eh, kasi natutulog silang lahat sa tabi mo, kaya natulog na lang din ako." Di rin pala alam nila ate na nandito pala si crimson. Kaya pala nung tinanong ko sila, e di rin nila alam.
Nakaupo pa rin kami sa sofa. Nakaayos akong nakaupo at nakastraight ang katawan ko at ang mga kamay ko ay nakapatong sa mga hita ko. Habang si crimson na nasa kaliwa ko, nakasandal sya, at makapatong ang dalawang hita nya at ang kaliwang braso nya ay nakapatong sa sandalan ng sofa.
"Kaso nung medyo nakatulog ako bigla kang naalimpungatan kaya nagising silang lahat at inabangan kang dumilat. Nagising rin naman ako pero di na ko nagsalita. Kaya narinig ko lahat. Hehe!" Tumingin sya at ngumiti ng parang anghel. Ang cute... Maliit lang yung ngiti nya at medyo lumalabas yung mga cheekbones nya pero madadala ka talaga. At nagkukutitap yung mga mata nya kahit parang nakapikit na sya dahil sa pagngiti nya.
"A-ah! Narinig mo pala l-lahat.. ehehe..." Tumawa na lang ako ng konti at yumuko dahil sobrang nahihiya ako. Narinig nya lahat ng sinabi ko.. Eh para kasing kanina... Parang inamin ko na gusto ko na sya...
"Kaya may kasalanan ka sa kin..." Humarap naman sya sa kin at napatingin naman ako sa kanya. Tumitig ng kakaiba at unti-unti syang lumalapit! A-anong ginagawa nya?! Di kaya yung...? H-hindi!
"A-anong ginagawa mo?" Unti-unti din naman akong umuurong papalayo sa kanya. Hanggang sa marating ko na ang dulo ng sofa. B-bakit di pa rin sya tumitigil? Sagad na sagad na ko dito sa dulo...
Nakalabas na yung bahagya ng katawan ko sa sobrang pagatras ng magsalita sya.
"Tara kain tayo? Nagugutom na kasi ako eh." Alok naman nya sa kin. Akala ko kung anong gagawin nya. Buti naman at nakahinga na ko ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...