A|N
Thanks po pala sa mga nagbabasa ng story na to.
If you like it, please do vote for it! Yun lang!
Thanks!
Chapter 25
A Call To Arms
Red's POV
Two weeks na ang nakakalipas. Hanggang ngayon, nagiisip pa rin ako ng move na gagawin ko para maitanong ko na kung pwede ba na manligaw na ko sa kanya. Ilang beses na rin kasi akong nagpaparamdam tungkol sa panliligaw. Pero wala pa talaga akong move na nagagawa tungkol dun.
Nandito kami ngayon sa rooftop kasama ang stattrack. Tungkol naman sa mga status nila. Nasa mataas na level na ang mga relationship nila. Samantalang ako ganon pa rin. Magkaibigan pa rin kami ni serenity. Kahit na marami na kong nalaman tungkol sa kanya at marami na rin syang nalaman tungkol sa kin, di pa rin umuusad ang pagkakaibigan namin.
Lagi ko namang hinihingian si glen ng mga payo nya kung pano ang gagawin ko pero kahit sya, di nya alam kung pano ang gagawing move sa babaeng katulad ni serenity.
"Ano glen? Wala ka pa rin bang maisip?" Tanong ko kay glen na nasa likod ko kasama ang stattrack.
"Sinabi ko na sayo red, di nga gumagana yung mga tactics ko kay serenity. Sinubukan ko na rin gawin yun sa kanya nung magkakilala kami pero walang epekto." So talaga ngang di gumagana yung mga pamatay na moves ni glen.
"Ikaw jamir?" Hays, para na kong tanga dito. Kung sino-sino na ang hinihingian ko, may makuha lang na advice.
"Ako? Sa ibang fields mo na lang ako tanungin. Wala akong alam sa ganyan." Palibhasa, si midsy na ang lumapit sayo.
"Eh ikaw kyle?" Tanong ko naman kay kyle.
"Ha? Di naman ako expert dyan no." Wala na talaga akong makuhang sagot na matino sa mga to.
"Raven?" Tanong ko naman kay raven.
Ang mokong naman, may sarili pa lang mundo. Nakaplug ang earphones nya sa tenga. At nagmumusic trip pala ang loko. Tsk! Salamat sa pakikiramay. Isang mabuting kaibigan!
"Bakit di ka pumunta kay guru?" Suggest ni glen. Sinong guru? Tao ba to? Hayop?
"Guru?" Tanong ko naman sa kanya. Sino ba yung guru na yun?
"Sya ba yung guru na tumutulong lang sa mga nakakatalo sa kanya?" Tanong naman ni jamir.
"Oo! Sya nga!" Sumang-ayon naman si kyle.
"Sino ba sya?" Tanong ko sa kanila. Pero syempre, si jamir ang hiningan ko ng paliwanag dahil mas malinaw sya magpaliwanag.
"Si guru, bansag lang sa kanya yun. Dahil sya ay isang love expert. Marami na syang natulungan pagdating sa pagibig, lalaki man o babae. Handa naman syang tumulong, pero meron syang kondisyon. Kailangang matalo mo sya sa isang 1 v 1 match, dahil isa rin syang gamer katulad natin." Paliwanag ni jamir.
"Malakas ba sya?" Tanong ko naman.
"Ang alam ko, simula nung binigay nya yung kondisyong yun, konti na lang ang natutulungan nya." Dagdag pa ni jamir.
"Ibig sabihin, sobrang lakas nung guru na yun." Sabi naman ni kyle na medyo seryoso ang mukha. Mukhang may balak din syang humingi ng tulong ah.
"Eh sigurado ba tayong makakatulong sya?" Tanong ko sa kanila.
"Do you have any choice?" Sabagay tama si glen, wala na rin naman akong choice. Kung gusto ko talagang umangat ang relasyon namin ni serenity, kailangan ko ng manghingi ng tulong kahit kanino pa yan.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...