Chapter 26
Battle To Be Won
Red's POV
Nakapasok na kami sa game lobby. Nagstart na rin naman kami maglaro.
"Goodluck ha!" Sabi nya sa akin. Di na rin naman nya kailangang magtype sa pc dahil magkatapat lang naman kami ng pc.
"Humanda ka." Banta ko naman sa kanya. Pero syempre pabiro lang yun.
Picking phase na, dahil nga one on one ang laban, pumili ako ng hero na pangearly game pero potential carry rin. Ang herong pinick ko ay si solstice. Isa sa mga paborito kong hero. Kinlick ko na ang ready button para malock na ang pick ko. At malamang ganung klase din ng hero ang ipipick nya.
Nagulat ako dahil ang pinick nya ay isang support. Seryoso ba sya? Si witch slayer? Support ang gagamitin nya sa one on one? Kailangang mabilis nyang matapos ito pag ganon dahil wala syang late game potential. Nagready na rin sya at nagstart na ang game.
Midlane lang ang laban, lamang sya sa akin sa part na ito dahil ranged hero ang gamit nya at ako naman ay melee lang. At spammer pa sya kaya nahihirapan akong lumast-hit ng creeps.
D*mn! Wala pa akong last hit kahit isa. Kaya pumunta muna ako sa small camp sa jungle at nagfarm doon. Dahil small camp lang iyon mababa lang ang gold na naipon ko. Makabuo lang ako ng pangnull sa mga skills nya. Sigurado akong madali na lang syang talunin.
"Ano?! May last hit ka na ba?!" Sigaw nya sa akin. Di ko na lang sya pinansin.
Maghintay ka lang at madudurog rin kita! Kainis naman kasi! Di ko na nga malast hit, nadedeny pa yung iba.
Tapos kung makatapon ng mga skills to, kala mo walang cooldown yung mga skills. Kaya nakukuha nya lahat ng mga creepings.
Magaling pala talaga sya. Di sya biro, pwera lang sa mukha nya. Pero ang hirap talaga.
"Ano?! Di ka na magpapatulong?" Tanong na naman nya ulit. At naalala ko nga si serenity. Kailangan ko nga pa lang talunin tong ancient people na to para tulungan ako kay serenity.
Narinig ko namang nagtanong si midsy kay jamir na nasa likuran ko lang.
"Bakit nagpapatulong si red?" Tanong ni midsy kay jamir.
Kailangan nyang wag muna sabihin yung tungkol sa pagpapatulong ko sa ancient people na to.
Sumagot naman agad si jamir.
"Ah, may report kasi si red sa subject nyang psychology. Kaya nanghihingi sya ng tulong sa psychology student na kalaro nya ngayon." Buti naman mabilis makaisip ng palusot si jamir. Pero alam kong di nya kaya magsinungaling kay midsy, kaya alam kong sasabihin nya rin kay midsy ang tungkol dito maya-maya lang. Pero alam kong hahayaan ako ni jamir na ako mismo ang magsabi kay midsy tungkol dito.
"May item ka na ba?" Naiinis na ko sa kumag na to ah! Kanina pa nantatrashtalk!
Okay lang naman siguro kung gawin nya yun. Kasi pinapaalala nya si serenity sa mga trashtalk nya.
Kung sabagay, naaalala ko nga si serenity. Kaya kailangan ko tong ipanalo dahil nakakasalalay dito ang magiging future ko!
Kaya dapat mas pagigihan ko pa ang paglalaro ko!
Hinayaan ko na lang syang basagin nya ang first tower, at nagfarm na lang ako sa jungle. At nagstack ng ancient creeps. Alam ko naman di nya kaya galawin yung ancient creeps na yun pagnastack ng tatlong beses dahil intelligence type ang hero nya. In short, malambot lang sya.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...