Chapter 10
Revelations And Challenges
Red's POV
Gabi na. Nandito na ko ngayon sa cafe. Second night na ng tournament, at halos nangalahati na ang mga teams na maglalaban ngayon.
Same rules pa rin, pag natalo ka, tanggal ka. Ang pinagtataka ko wala pa din dito yung apat? Imposible namang di sila pumunta dito dahil sila pa mismo ang nagsabing kailangan naming manalo kahit ano pang mangyari.
"Errggg... Pagkukutusan ko yung mga yun eh!" Pasigaw ko na bulong sa sarili ko.
Kaya naisipan ko munang maghintay ng konti. Maya maya lumapit sa kin si midsy.
"Red! Bakit di pa kayo nakasign sa player's attendance? Maguumpisa na ang laro!" Tanong ni midsy, na di ko alam kung natutuwa ba syang wala pa ang mga kaibigan ko o nagaalala talaga sya.
"Dadating yung mga yun! Di ba pwedeng ako ang magsign para sa kanila?" Tanong ko sa kanya na medyo natataranta.
"Sorry red! Pero di pwede yun! At kapag nagstart na ang laro, at di pa kayo nakakapagsign sa attendance, automatic disqualification yun para sa inyo!" Paliwanag nya na natutuwa pa at malapit na kaming madisqualify. Kaibigan ka ba talaga namin midsy?
"Sandali! Tatawagan ko sila!" Sabi ko sa kanya at agad akong lumabas ng cafe at tinawagan ko si jamir.
"Hello?"
"Nasaan ba kayo?! at maguumpisa na ang laro!!" Sigaw ko sa kausap ko sa kabilang linya.
"Sinabi ko kay glen na di ako makakasama, isasama kasi ako ni papa sa isang board meeting para ipakilala sa kanila." Paliwanag nya. Eh bakit naman kasi ngayon pa yun? Tungunu naman!
"Sabi naman sa rules kapag kulang ang team ng isang miyembro lang, pwede silang kumuha ng replacement galing sa audience. Tsaka kung ako lang naman ang kulang, Pwede naman kayong manghugot ng iba dyan." Suggestion nya sa kin.
"Eh ang problema ko kasi wala kayong lahat! Madidisqualify na tayo!" Sigaw ko ulit sa kanya. At alalang-alala na ko at halatang tarantang taranta na ang boses ko.
"Tawagan mo na lang yung iba, Pasensya na red, pero di talaga ako makakapunta." Paumanhin nya sa kin. At binaba ko na yung tawag at sinubukan kong tawagan si glen.
Toot! Toot! Toot!
Kamote naman tong kupal na to! Ngayon ka pa di sumasagot!
Habang dinadial ko pa rin ang number nya sa phone ko at sinusubukang kontakin sya, lumapit si midsy sa kin at hinawakan ako sa balikat.
Midsy's POV
"Red, sorry pero disqualified na kayo." Habang sinasabi ko, parang nakaramdam sya ng inis at humigpit ang hawak nya sa phone nya.
"Ah.. Ganon ba? Kung ganon manonood na lang ako. Para di sayang ang punta ko dito." Sabi nya na lang sa kin ng mahinahon. Medyo nakonsensya naman ako dahil sa itsura ni red, pero makakalaro din naman sya mamaya kung papayag sya.
At sabay kaming pumasok ng cafe, pero halata sa mukha nya ang pagkadismaya at di nya pa rin matanggap na nadisqualify sila.
Kaya naman pumunta agad sya sa restobar, sinamahan ko naman sya para kausapin at dun kami umupo sa counter ng bar. Oorder sana sya ng beer pero pinigilan ko sya.
"Wag ka uminom, di yan ang sagot sa nararamdaman mo." At ako na ang umorder ng iinumin namin.
"Softdrinks? Eto ba yung makakatulong?" Tanong nya sa kin habang hinahalo nya yung softdrinks nya gamit ang straw.
BINABASA MO ANG
Gamers|Lovers
HumorHardcore gamer ka ba? At wala ka ng time sa babae dahil sa paglalaro mo? What if one day, may babaeng tumalo sayo sa laro kung san ka magaling? Gagantihan mo ba sya? O magkakagusto ko sa kanya? This story has an in-depth gaming experience in dota...