📱Chapter 2📱-Mr. Hambog

672 22 7
                                    

Maddie's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maddie's POV

*SCHOOL*

" kuya wag kang kj ah, samahan mo muna ako" I already know my room number, but I want to stay here sa bench Kasi matagal pa naman yung time

"I need to go Maddie, may aasikasuhin pa ako" mas importante pa kesa sa kapatid niya? Nakakatampo lang!

"Saan ka pupunta? At anong aasikasuhin mo?" Parang nanay kung tanong sa kanya

"Basta, pumasok ka na lang mamaya sa classroom mo. okay?" Ang daya! Hindi man lang niya hinintay kung anong isasagot ko dahil tumakbo na siya kaagad

Bahala na nga!!

Tama nga yung sinabi ni kuya sumrang ganda nitong school! Ang lawak! Grabe !
Maraming puno, gardens,bench.
At yung parking lot! Grabe ! Maya maya puno na siguro! Kaya hindi na ako magtataka na mga RK ang nag aaral dito. Tsk! Nakakainggit lang! Ang kj rin kasi ng mga parents ko eh,hindi pa daw ako pwedeng magkakotse, pero si kuya meron na..ang daya!

Sa subrang boring dahil parang isang ligaw na multo lang ako dito, walang kausap dahil walang kasama. Kaya tumungo na lang ako sa classroom

"You're s-so s-stupid!!" Ay ganun! Siya na nga yung nakabangga siya pa yung may ganang manigaw at sabihin sa akin na isa akong stupid. Pero syempre mabait akong bata kaya magsosorry na lang ako, pero ang pinagtataka ko lang ay bakit siya nauutal atsaka parang gulat na gulat ng makita ako?  Err creepy

"Sorry po"

"Sorry?! Hindi mo ba alam kung sino ako?" Sino nga ba 'tong lalaking toh? Dapat nga magpasalamat siya dahil nagsorry pa ako sa kanya! Hambog! K fine! Matarayan nga rin!

"Hindi nga PO eh,SINO PO ba kayo?" Cups lock na nga yang PO AT SINO para mas intense.. Hahah

"Iniinsulto mo ba ako?!" Iritang tanong niya, akala mi kung sino!ang yabang!

"Ahh ganun PO? Para sayo yung mga taong nagPOPO ay sa tingin mo insulto yun? Wow! Just wow!"

"Alam mo bang nakakainis ka!! Saan ka ba nang galing na planeta! Kung makasagot sagot ka sa akin akala mo ikaw ang may ari school na ito!!" Ayy ang yabang yabang! Edi siya na yung mayaman!

"Not interested PO" sabay walkout ko🏃

"Wag kang bastos! I'm not done talking to you!" Tsk! Dahil masunurin ako bumalik ako sa harapan niya..bakit ganun? Ngayon ko lang na realize na nageskandalo pala kami! No!!!!

The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon