🎒CHAPTER 8🎒

386 16 1
                                    


MADDIE'S POV

Kakauwi pa lang namin ngayon ni kuya sa bahay, maaga kaming umuwi kasi ihahatid namin sina mama at papa pati na rin si manang sa airport dahil ngayon na ang flight nila papuntang Canada, kasi kailangan sila sa opisina atsaka may business trip na rin sila kasama lahat ng ka business parters namin, kasama na dun ang parents ni Chelsea.

Tsk! Aalis nanaman sina mama at papa tapos dadalhin pa nila si Manang, ayokong maiwan kay kuya, Pagtritripan niya lang ako noh! Kahit na sweeet siya, Atsaka sino naman ang magluluto para sa amin ni kuya? Eh hindi naman ako gaanong marunong magluto noh! Tinuruan naman ako ni lola Esperanza na magluto para daw sa susunod ako na daw ang magluluto

"Hoy halika na aalis na tayo!" Sigaw ni kuya mula sa labas ng pinto ko, tsk maka hoy naman si kuya wagas!

Lumabas na lamang ako sa kwarto at dumiretso na ako sa labas at sumakay na sa sasakyan, oo nga pala sasakyan na lang ni kuya yung ginamit namin.

Nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan, wala man lang nag tangkang magasalita si papa kasi yung nag dradrive ta's katabi niya si mama at kasama ko naman si kuya at manang dito sa backseat.

Nakadating na kami sa airport at nandito na rin ang parents ni Chelsea at meron pang dalawang magasawa, hindi ko kilala eh pero binati ko na lang sila kaya binati rin nila ako

"Ma bakit kailangan niyo pang dalhin dun si Manang? Sino ng kasama ko sa bahay?" Pabulong kung sabi kay mama, syempre nahihiya naman akong iparinig pa iyon sa iba, baka sabihin pa nipang napaka mama's girl ko naman

"Ay nako Maddie..haha, kasama mo naman ang kuya mo diba? Atsaka baka bibisitahin ka naman ni Chelsea sa bahay, wag kang magalala sa allowance niyo ng kuya mo dahil may mga atm card naman kayo diba? Atsaka wala naman kayong problema sa mga pagkain or mga gamit niyo kasi nagbilin na ako kay Jessa na pagdalhan kayo dito kada sabado" mahabang sabi ni mama, si Tita Jessa pala ay ang pinagkakatiwalan ni mama pag wala sila dito bale siya yung nagmamanage pag wala sila mama dito.

"Aishhh, sige na nga ma, basta mag iingat po kayo dun ha" Ayun na lang ang nasabi ko

"Hay nako halika nga dito anak" hinalikan niya ang noo ko at niyakap ng mahigpit
Kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit saka lumapit na rin ako kay papa at niyakap siya ng mahigpit.

"Pa magiingat kayo dun ha, I will miss you "

***************
Pauwi na kami ni kuya pero tahimik pa rin akong umiiyak dito, nakakatampo eh umuwi nga ako dito kasi mas makakasama ko sila pero lalayo na naman sila.

"Iyakin" pasimpleng bulong ni kuya. Tsk! Isa pa yan eh ewan ko kung anong nakain niyan at subrang sungit ngayon at kanina pa niya ako inaasar na iyakin tapos ibubulong na nga lang dinig na dinig pa tsk!

Nakadating kami sa bahay na walang imikan, nakakainis si kuya hindi niya naman kasi ako kinakausap kaya tatahimik na lang ako, daig pa niya yung babaeng meron!

Pag pasok namin sa bahay Nakakabingi katahimikan sa loob ng bahay yung sumalubong sa amin. Grabe! Kada uwi ko nito galing ng skuwela ganito ang aabutan ko sa bahay?

The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon