🌈CHAPTER 19🌈

244 8 0
                                    

MADDIE'S POV

Kasalukuyan kasama ko ngayon ang unggoy dahil may activity nanaman kami,
Gustuhin ko man at sa hindi ay siya talaga yung ka partner ko 'kuno', syempre dahil masunurin akong bata tatanggapin ko kahit na inis na inis ako sa kanya, ano pa ba ang magagawa ko diba?

Atsaka kahit ngayon lang sana naman hindi ako mainis at wag niya akong inisin kasi sisipain ko talaga siya!

Anyway it's a little bit familiar sa akin ang activity namin ngayon, or siguro gawa gawa lang ito ng mga teachers namin,

Kasi yung activity namin ngayon ay parang treasure hunting 'kuno' pero may thrill, lalagyan kami ng posas, and yeah with him. Tsk!

Makaka-angal ka pa ba sa nakakatakot na teacher ng section 4-A, oh I forgot to say na may 4 sections kaming Fourth year high school at kahapon ko lang yun nalaman, kaya pala 4-B kami, cool nga ng mga classmates ko eh ang close sila sa isat-isa pati na nga rin sa akin eh, nakikipag usap na sila hindi gaya noong una akong pumasok binabati lang nila ako ng 'Hi', 'good morning/afternoon', 'good bye' ganyan,'di gaya ng ibang mga tao noong nakaraan na hindi man lang nahiyang marinig ko yung mga negative na sinabasi nila about me

Teka nga back to the topic, as what I have said yung activity namin sobrang mathrill, alam niyo ba yung feeling na ipoposas ka na kasama mo po yung kanaiinisan mo, tapos mag kasama kayong hahanapin ang pinaka mahalagang gamit mo, and speaking of that!? Ano nga ba yung mahalagang gamit ko?! Tama! Yung cellphone at mini fans ko!

Oh no! Don't tell me! Na yun yung hahanapin ko?! Sana hindi naman! Atsaka paano naman nila makukuha yun eh nakatago yun sa bag ko

RAIKO: pst.

ME: Why?

RAIKO: Wag kang mangiinis ha

ME: huh? Bakit sa akin mo sinasabi yan?

RAIKO: eh kanino ko ba dapat sabihin?

ME: Sa sarili mo sabihin yan, kasi sa totoo lang ikaw naman talaga kasi ang nangiinis eh

RAIKO: Grabe! Hindi kita iniinis noh! Sadyang naiinis ka lang talaga sa akin!

ME: Sige isigaw mo pa, bwisit ka!

RAIKO: Maisumbong ka nga kay Dane,

ME: At bakit nanaman?

RAIKO:  Ayaw pa naman ni Dane sa mga taong nagsasabi ng bad words, nako lagot ka!

Ha! Grabe! Tinakot pa talaga ako ah! Akala niya mauuto niya ako, atsaka ako pa talaga yung nangiinis?! Wow! just wow!

ME: Really? Hindi ko alam yun eh, hindi kasi nabanggit ng KUYA KO, maniniwala lang ako pag siya na ang nagsabi

RAIKO: Sige, kahit tanungin mo pa yung kuya mo

ME: Talagang gagawin ko yun noh! Teka nga bakit ba kita kinakausap?!

The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon