Chapter 72👧👦

94 5 0
                                    

Zein👦 and Jannelle👧

Maddie's POV.

Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Ghad! Hindi ko alam na mangyayari 'to! I was expecting for a smooth conversation hindi yung kakaladkarin ako at dadalhin kung saan man!
Nakakahiya kay Alexa! Atsaka close ba kami ng lalakeng 'to? As I know we're not!

Raiko: "Are you hungry?" Nilongon ko siya at tinignan ng masama, oo gutom ako!

Me: "Oo! Kaya ibaba mo na ako!"

Raiko: "Tsss! Let's eat on my house then" sagot niya para bang hindi narinig yung sinabi kong ibaba ako. Aurgg! Wala parin siyang pinagbago!

Me: "look, pwede mo naman akong ibaba Jan sa kanto! Hindi ko na kailangan sumama sayo!" Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay halatang galit at naiinis na ito, well bahala siya.

Raiko: "Bakit ba? Hindi ka ba nag paalam sa anak mo? Or are you seeing his dad, yung katawag mo kanina" kahit nasa daan ang tingin niya ay tinignan ko parin siya ng masama. Wala ba tong alam sa paligid niya!? I mean hindi ba niya alam na anak ni ate Ella si Zein? Hindi ba siya nag tatanong or hindi ba nabanggit sa kanya nila kuya?! Jusko!

Me: "you're making a story! Hindi ka ba nagtatanong!?"
Nilingon niya ako at tinitigan ng masama.

Raiko: "Tsss, sana dinala mo na lang si Zein kung ganun!" Hindi ako sumagot, parang nakikipag-usap lang ako sa lasing na baliw! Mahirap kausapin ang mga taong iyon!

Pumasok ang sasakyan niya sa isang exclusive subdivision, napalinga linga na lang ako sa mga bahay na nakatayo doon, matataas at malalaking bahay, may playground din at soccer field, alas tres e media na kaya madami ang mga batang nasa playground gayon din ang mga naglalaro ng soccer.

Huminto ang sasakyan niya sa isang magarang bahay, I mean a mansion? Sa kanya ba 'to?

Me: "You don't need to bring me here" Sabi ko habang nag-tatanggal siya ng kanyang seatbelt, tinignan niya ako bago sagot.

Raiko: "Why not?" Sagot niya at ngumisi sa harapan ko! Arggg!gusto kitang ipasalvage Kang! Nag isip ako ng maisasagot at ang pumasok sa isip ay ang tanong na hindi ako siguro sa magiging reaction ko sa kanyang isasagot.

Me: "Malamang nandiyan ang pamilya mo! Ang a-sawa mo" nautal ako sa pag sabi ng 'Asawa' jusko! Baka nga nandiyan ang pamilya niya ano na lang ang sasabihin ng asawa niya!? Ng anak niya!? Tumawa siya at tinitigan ako.

Raiko: "You're also making a story, and it seems you're not also asking.." Nginisihan niya ako bago lumabas ng kotse, habang ako ay naubusan na yata ng salita. Umikot siya at tumapat sa bintana na nasa tabi ko yumuko ito at kinatok ang bintana, padabog ko naman itong ibinaba, nginisihan niya ulit ako tsaka na ako umirap dahil sa ngisi niya.

Raiko: "Bumaba kana jan bago pa kita kaladkarin palabas ng kotse at papasok ng bahay ko!" Napasinghap ako sa paglapit niya sa mukha ko, I almost smell his manly yet sweet scent. Damn you Kang!

Padabog kung tinanggal ang seatbelt at padabog ding isinarado ang pinto, nilingon niya lamang ako tumatawa habang ako naman ay naiinis na nakasunod siya kanya, may bumating guard sa kanya gayun din sa akin. Binuksan niya ang pinto habang ako ay nag aalangan na humakbang paakyat ng four steps stairs ng kanyang bahay bago makarating sa tapat ng pinto, he was looking at me with his eyebrow shut as if he's asking me 'What are you still doing there?'. Bago pa man niya ako tanongin ay humakbang na ako papalapit sa kanya pinauna niya akong pinapasok kaagad akong namangha sa mga desenyo at mga antigong bagay sa kanyang habay, mula dito sa pinto at kitang kita ko na ang sala, may malaking flat screen TV  a rectangular table ang nasa gitna with a flower vase on it, at ang mamahaling sofa.
Madami din ang paintings at mga pictures na nakasabit sa dingding, napatitig ako sa isang litrato niya na kasama ang isang bata babae at babae na may bonnet sa ulo.

The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon