"Mommy!" Tawag ng batang lalake sa akin habang busy ako sa aking mga papeles.
"Wait lang baby" patuloy parin ako sa pagtipa sa aking laptop, kailangan ko itong ipasa sa direktor ng hospital bago ako mag-resign.
"Mommy! Look I'm already crying!"
Pansin ko nga ang paghikbi ng aking apat na taong gulang na anak. Napangiti na lamang ako at sinarado ang aking laptop. Nilapitan ko si Hosia at kinarga ito.
"I'm sorry, Mommy is just busy okay?"
"I know, but I want to see daddy!" He was crying out loud now, he's more close to his dad than me, ni ayaw nga niya akong makatabi sa pagtulog eh. Raiko is in our company, hindi niya nakitang umalis ito kanina dahil tulog pa.
"Dad is working okay? He will going home later"
"But I want to see dad mommy!" Pinalo palo na niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ayusin ang mga gamit na kailangang dalhin atsaka dinala na ito sa sasakyan.
Tumahan ito ng bahagya, nilagay ko na ang kanyang seatbelt atsaka nag-maneho na palabas ng aming bahay.
Mabagal lang ang pagpapatakbo ko kaya nainip ulit ang bata at iyak nanaman ng iyak.Sa loob ng anim na taong pagsasama sari saring karanasan ang aming hinarap, hindi biro ang pagkakaroon ng isang malaking pamilya kailangan ng pasenya at oras, at sa lahat man ng pagsubok na dumating sa aming buhay ay amin itong nalampasan.
Bumalik ako sa pagtratrabaho sa hospital ng matapos kung ipanganak ang aming mga panganay na ngayon ay 6 years old na at nag-aaral sa isang catholic school. Hindi ko alam na may kambal pala sa aking sinapupunan, huli ko na lang nalaman ng nag-pachecked up ako. Nahirapan ako sa panganganak sa kanila, pinahirapan nila akong dalawa halos nahimatay ako sa kapapanganak sa kanilang dalawa.
Nag-eskandalo rin daw si Raiko sa labas ng delivery room dahil sa tagal namin sa loob at hindi rin kaagad nakalabas si Doctora na pinag-sub lang kay Doctor Charles dahil sa napaka-possessive kong asawa, muntik pa niya itong masuntok mabuti na lang at nandiyan sila kuya para awatin at pakalmahin si Raiko na parang siya yung manganganak kesa sa akin.
Nag-park ako muna ako ng sasakyan, bago ko pa man siya kinarga ay nilahad na niya sa akin ang kanyang maliit na backpack na kung saan nandoon ang kanyang extra shirts at ang kanyang milk. Kinarga ko ito atsaka tumungo na sa entrance ng gusali.
Binati kami ng security guards atsaka ng mga nakakasalubong naming empleyado.
"Annie may meeting ba ang boss niyo?" Tanong ko sa kilalang receptionist.
"Ahh, meron po with Mr. Lauren Reiss"
"Anong oras iyon?"
"Kanina pa pong 10 am, baka tapos na rin po sila ma'am"
"Okay, thank you"
Dumiretso na lang kami ni Hosia sa kanyang office nakasalubong namin ang kanyang secretary na si Jules tinanong ko ito kung nasa loob pa ba si Mr. Reiss at ang sabi nito ay nasa-loob pa at patapos na rin ang kanilang meeting.
"Let's just wait here for a while okay?" Hindi sumagot ang bata, pinaupo ko ito sa sofa na malapit sa may salamin at may coffee table na kung saan ay kitang kita ang siyudad. Kakaupo ko pa lang din ng bumaba si Hosia mula sa pagkakaupo atsaka tumakbo papunta sa opisina ng kanyang ama bago pa man ako maka-tayo ay sinipa sipa na nito ang pinto ng opisina ni Raiko. Juskong bata 'to!
"Baby... Your dad is still on his meeting okay? Lets wait to finish" Hinawakan ko ito sa kamay ngunit pilit niyang tinatanggal ito kaya binitawan ko na lang. Kung nahirapan ako kay Brayden at Bryion sa panganganak nahirap naman ako sa pag-aalaga kay Hosia, masyado kasi siyang hyper, makulit at palaging hinahanap ang kanyang daddy pati ang kanyang nanny ay nahihirapan rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]
أدب المراهقينKung gaano nyo kinaiinisan yung isang tao ganun mo rin pala siya mamahalin❤