CHAPTER 80

85 7 0
                                    

MADDIE'S POV

They are all got busy except from me, but well I'm busy taking care of my nieces. Kuya and Melody left last week for their honeymoon in Hawaii, mum and dad are also busy with our company while si Ate Ella ay nasa bahay nila kuya Denise.

Kakatapos lang naming maligo at magbihis ni Zein dahil sa kakulitan niya, habang pinapaliguan ko kasi siya kanina ay sinabuyan niya ako ng tubig mula sa tub kaya imbes na magalit at pagalitan pa ang bata ay sinabayan ko na lang ito sa pagligo habang natutulog pa si Nery.

Zein: "Mommy I want doughnuts" hinila niya ang laylayan ng aking damit tsaka ito ngumuso.

Me: "Okay, I'll let Amie buy you one" since nasa sala nanaman kami habang nanonood ng cartoons ay tumungo muna ako sa kusina para mautusan si Amie na bumili muna ng doughnuts.

Raiko: "Hi Maddie?" Salubong niyang bati sa akin na ikinagulat ko. Wala pang 30 minutes nor 20 minutes noong umalis ako sa sala kaya bakig nandito na 'to?

Me: "W-what are you doing here?"

Raiko: "Visiting my babies?" Napa singhap ako sa marinig, anong babies? At kailan pa siya nag-karoon ng 'babies' dito?

Tinaasan ko siya ng kilay tsaka pinag-ekes ang aking mga braso atsaka dahan dahang lumapit sa kanya, ang batang si Zein naman na siya yata ang nag papasok kay Raiko ay natatawa nang mag-isa dahil sa kanyang pinapanood.

Sinalubong naman niya ako ng mapanlokong ngisi niya, ramdam ko ang panlalamig sa aking mga kamay ngunit hindi ko ito pinansin at nagtapang tapangan pang harapin siya.

Me: "Babies huh?" Sinadya ko na haluan ng sarkastikong tono ang pagkasabi ko.

Raiko: "It's seem my baby are not happy to see me" kunti na lang ay parang gusto ko ng sumuko at umatras. Alam niya talaga kung paano ako asarin, parang hindi pa naman kami naka-pagusap ng
maayos at masinsinan but it seems like we're just the Raiko and Maddie for the past 9 years na away bati.

Me: "What do you want?" Ngumisi at umirap pa ako sa kanya

Raiko: "You?" Unti-unting napawi ang mga ngisi sa aking labi dahil sa sinabi niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, unti-unti ring nalaglag ang aking mga braso at napatitig na lang sa kanya. What are you doing to me again?!

Zein: "Mommy?Mommy? Eyy Mommy!" Napatalon ako sa gulat ng sumigaw na si Zein.
"Sorry" napa pikit na lang ako atsaka huminga ng malalim.

Me: "No it's okay, what is it again?"

Raiko: "Flowers?" Di ko man gustong lingonin pero ginawa ko pa rin! Ganyan katraydor ang sarili ko, kaya ang dali daling masaktan!

He was holding a bouquet of baby pink roses while smiling at me, hindi ko napansin na may dala siyang bulaklak kanina ah?
Wait...Teka lang Maddie! Umayos ka muna!

Pumikit ulit ako tsaka huminga ng malalim, tinignan ko si Zein na nakangiti at kagaya ni Raiko na naghihintay rin na tanggapin ko ang bouquet ng rosas. Tinitigan ko ang mga iyon at ito nanaman ang mga tanong na namumuo sa aking isip.

Ang ending ay tinanggap ko ito, kasabay rin nun ang pagdating ni Amie dala-dala ang biniling doughnuts nilapag niya ito sa center table na kung saan naroon din nga mga gamit ng mga bata, inilapag ko rin ang mga bulaklak sa sofa tsaka sinabayan si Amie pabalik ng kusina. Dumiretso ako sa ref at kaagad na uminom ng tubig, nafru-frustrate nanaman ako ng dahil sa kanya! Hindi ba niya iniisip na ang awkward lang ng mga ginagawa niya? Like, what is the meaning of those flowers? The way he talks to me? Kung maka-asta siya parang walang nagbago!

Nag-handa ako ng juice tsaka dinala sa sala na kung saan ay kumakain na si Zein at si Raiko naman ay aakmang bubuhatin si Nery mula sa crib.

Nilapag ko kaagad ang dalang tray sa center table tsaka inunahan ng buhatin ang bata, bahagya itong umiyak kaya kaagad ko itong isinayaw, kinalaunan ay tumahan din ito.

Inalok ko na kumain siya ng doughnut pero ayaw niya daw kaya juice lang ang iniinom niya habang katabi si Zein na nanonood ng TV.

Napansin kong sinusubo na ni Nery ang kanyang thumb kaya nag-panic naman ako dahil baka gutom na gutom na ang bata, naalala ko naman kung paano ba ako magtitimpla. Nahihiya naman akong humingi ng tulong at ipahawak muna si Nery kay Raiko.

Me: "Manang?!" Malakas kong tawag para marinig hanggang sa kusina.

Manang: "Ano iyon hija?" Kaagad na sulpot ni Manang sa sala.

Me: "Patimpla po ng gatas para kay Nery"

Manang: "Oh sige hija, saglit lang at mag titimpla ako"

Me: "Wait lang baby haaa" malambing ko na sabi atsaka umupo sa may sofa, hindi ko na rin pinansin kung naka-upo man doon si Raiko, all I want is to sit.

Nilalaro ko ang daliri ni Nery atsaka isinasayaw sayaw sa aking bisig, mamimiss ko talaga ang mga batang ito kapag bumalik na sila sa States, I wish they would stay here all throughout the year.

Raiko: "I'm Sorry, I badly want you back to me" he gently said and then he wrapped his arms around my waist

The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon