pov.
I woke up with my usual morning, diretso sa banyo upang sumuka kasunod si Raiko upang alalayan ako. Ipang buwan na akong ganito pero hindi pa rin ako masanay-sanay sa tuwing nagsusuka ako nanghihina ang mga tuhod ko kagaya ngayon nakatayo ako sa tulong ni Raiko, pagkatapos kong magmumog ay payakap akong inalalayan ni Raiko pabalik sa kama.
Raiko: "Are you hungry?" He gently said. Mukhang hindi nanaman siya papasok sa trabaho.
Me: "I'm not" malumay kong sagot.
Raiko: "How about your cravings?" Tanging iling na lamang ang naisagot ko, tumabi muli siya sa akin sa paghiga sabay halik sa noo ko.
Medyo inaantok pa ako dahil late na kaming natulog kagabi dahil nag celebrate kami ng Christmas dito sa bahay, nandito ang mga angkan namin kagabi kaya hindi ko magawang maunang malutog although maiintindihan naman nila yun pero kasi nakakahiya sa kanila eh.
May kainan kagabi sa garden may inuman rin na muntik ng maging pool party noong dumating si Andrew kasama ang asawa nito. Last night was fun dahil binisita ako ng mga pamangkin ko dala ang kanilang mga munting regalo para sa akin. Napangiti ako kasabay ang pagbaling sa mga regalong nasa-sofa at hindi ko pa nabubuksan. Sa mga natanggap kong regalo ang pinaka-espesyal doon ay ang regalo sa akin ni Raiko na kwentas dahil may pendant itong kagaya ng nasa-bracelet naming dalawa...remember the bracelet? Yung binigay niya sa akin noon na may pendant na RM? Ganun na ganun ang pendant nitong necklace kaya nagustuhan ko ng husto. Really.
Naalipungatan ako dahil sa malakas at malamig na hanging pumasok sa kwarto galing sa may veranda, ng iminulat ko ang mga mata ko tumampad sa akin ang napakaraming bulaklak nakakalat ito sa buong kwarto, pula at puting mga rosas ang mga ito. Abot tenga ang ngiti ko kasabay ang pag-banggon mula sa pagkakahiga.
Kaagad ko ring napansin ang hindi ko pagsuka ngayong umaga dahil may morning sickness ako at ngayong umaga lang na hindi nangyare iyon which is okay nga.
Raiko: "Good morning babies" Salubong ni Raiko na kakapasok lang ng kwarto at nadatnan akong inaamoy ang nga rosas.
Me: "Good morning. Anong pakulo 'to Raiko? Kay aga-aga ni-susurprise mo na kami ni baby"
Raiko: "December 31 mamayang midnight matatapos na itong taong 'to marami ang nangyari sa taong ito, at hindi ko yun makakalimutan. And before this year end I want to spend my time with my babies" Hindi ko maitago ang mga matatamis kong ngiti, the way he said those word makes me feel so special.
Me: "Asuss, eh dapat mamayang 12 ang advance nito" I laughed a bit atsaka kinuha ang mga tangkay ng rosas na nasakama.
Raiko: "Tsk, ganun na rin yun mapupuyat ka lang kapag mamaya ko pa ginawa 'to. Did you like it?"
Hinalikan ko siya sa labi atsaka niyakap ng mahigpit, hindi ko kayang malayo pa siya sa akin parang minuminuto kung hindi ko siya nakikita ay namimiss ko ito.
Me: "Oo naman, Kahit ganito lang yung regalo mo sa akin ngayon ay okay lang kasi yung effort mo dito sapat na yun, pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kahalaga sayo at kung gaano mo kami kamahal ni baby, makasama ka lang namin ni baby okay na okay na wala na akong mahihiling pa"
Raiko: "I can't wait to marry you. I didn't need someone perfect, I need someone who loves me, respect me, care for me and understand me...I badly need you"
Me: "Kailangan rin kita Raiko, at lagi mong tatandaan na hindi kita papakasalan dahil kailangan kita kundi papakasalan kita dahil mahal kita"
Kasalukuyan akong nakatunganga sa harap ng tv habang naiinip na sa kakahintay kay Raiko, umalis siya dahil inutusan kong bumili ng lychee mag-dadalawang oras mula nung umalis siya pero hindi pa rin ito bumabalik.
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]
Teen FictionKung gaano nyo kinaiinisan yung isang tao ganun mo rin pala siya mamahalin❤