G1

2.4K 73 0
                                    

Zylix Phyra's POV

"AHH!! Bwiset talaga yun!" Gigil na sigaw ni Addison. "Sa dinami dami ng pwedeng pag tripan, yung phone ko pa talaga?"

Tumawa ako. Pinanuod kong ma-stress si Addison sa phone niya na naka balot sa iba't ibang kulay ng rubber band.

"Matatanggal mo pa ba yan?" Natatawang tanong ko. She groaned in frustration. "Okay lang yan, Addison. Bili ka nalang ng bagong kapatid."

Inirapan niya ako. Tinawanan ko sya. Napa tigil ako sa pag tawa nang dumating si Hazel na hingal na hingal.

"Anyare sayo? Mukha kang nag salba ng maraming tao mula sa pag kalunod." Sabi ko habang naka turo sa mukha ni Hazel.

Hinampas nya ang kamay ko.

"Ouch! You hurt me!" Drama ko.

"Tumigil ka nga Zylix. Yung mga loko, jusko, Nakikipag away!" Sabi ni Hazel.

"Hayaan mo sya. Malaki na sila." sabi ko pero binatukan ako ni Hazel kaya napatayo ako. "Ano bang sabi ko?! Tara at susugurin natin sila Zyler!" Patay malisya kong sabi.

Nauna akong tumakbo papunta sa gulo na malapit lang naman sa field.

"Excuse me." Sabi ko habang sumisiksik.

Pero hinila ako ni Addison na tinulak lahat nang nakaharang. Bulldozer ata to eh.

Tumigil kami nang makaharap namin sila Zyler.

Nakikipag sapakan nga.

"Taym purs!" Sigaw ko at pumagitna sa lahat.

Tumigil naman sila at tumingin sakin.

"Bakit nyo sinasapak tong nga to? Alam nyo bang mga bata yan! Hindi pa nga marunong mag palit ng damit yang mga yan! Hindi pa kumakain ng kanin! Gatas lang ang tinitira ng mga yan! Gatas ba kayo? Hinde! Kaya tigilan nyo tong kagaguhan nyo!" Sigaw ko.

Tumawa sila Zyler kaya natawa din ako. Bwiset. Havey ako dun.

"Sino ka bang babae ka?!" Galit na sigaw nung kasuntukan ni Jade.

"Ako ang kapatid ni Lucifer! Angal o Sakal?" Matapang kong tanong.

"Grabe ka naman Ate! Hindi ako si Lucifer no! Mas gwapo ako dun!" Sigaw nang kapatid ko.

Siniko naman sya ni Kurt. "Kilala mo ba yun?" Tanong ni Kurt.

"Hinde." Sabi nang kapatid ko sabay tawa nang malakas.

"Diba si Lucifer yung pusa sa Cinderella?" Tanong ni Javier.

"Wow! Nanunuod ka nun Habyer? Yieee, natuluyan!" Kantyaw ni Adam.

"Naka panty ka ba ngayon Habyer?" Kantyaw din ni Jonathan.

"Yihiee naka bra pa yan!" Gatong ni Zyler.

Tumawa kami.

"Tumigil nga kayo." Sabi nung kausap ko. "Sino ka ba at ang lakas nang loob mong sumugod dito?"

"Zylix Phyra." Pakilala ko.

Nag init ang ulo nya. "Ano?!"

"Bawal ulitin sa bingeee. " Pakanta kong pang aasar.

Sasapakin nya na sana ako nang batuhin sya ni Hazel anng sapatos.

"Puahahaha!!" Tawa namin.

"Sapol sa mukha!" Tawa ni Javier.

"Nice ate!" Kantyaw ni Jade sabay tawa.

"Bullseye! Puahahahaha!!" Tawa ni Kurt.

"Nyapi! Yehey puahahahaha!!" tawa ni Jonathan.

"Puahahahah!!" Tawa din ni Adam.

Tinapik ni Addison ang braso ni Hazel.

"Wag mong susubukan na kalabanin to." Sabi ni Addison habang naka turo sakin. "Patay ka sa kapatid nyan."

Dumura si kuyang bullseye. "Sino ba ang kapatid nyan! At wala akong pake!"

"Akala ko ba wala kang pake? Bat mo tinatanong kung sino ang kapatid ko? Crush mo no? Yieee." pang aasar ko.

"Yehey! Pakasal na kayo!" Tawa ni Jade kaya binatukan sya ni Zyler.

Sinapak nung isang lalake si Jonathan kaya nag umpisa nanaman.

Kinalabit ko sa braso ung sisipa sana sa likod ni Zyler. Lumingon sya kaya sinapak ko sya.

"Gago, wag yan." Sabi ko pa.

Sinabunutan ni Addison ung Sasapak kay Adam.

Sinapak naman ni Hazel ung hahampas nang upuan kay Kurt.

"Anong nang yayare dito?!"

Napatigil kami.

---

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now