G21

692 62 0
                                    

SAY HELLO NALANG SA MGA TYPOS.

Zylix Phyra's POV

"ATE SAN KA PUPUNTA!" Sigaw ni kapatid kong abnormal.

"Terces!" Sigaw ko habang nag lalakad palapit kay Keith na nag aabang sa tabi ng kotse nya.

"Kuya! Iuwi mo yan ah! Hahampasin kita nang Sanplawur pag di mo pinauwi yan!" Pahabol na sigaw ni Zyler nang maka lapit na ako kay Keith na tumatawa nalang akong pinag buksan ng pinto.

Naka pag bihis na ako!.

Kase 4 ang uwi namin. Eh. 7 pa ang dinner churva ek ek. Edi more time para mag ayos.

Kung bat hindi alam ni Zyler?

Dahil stalker sya! Kaka istalk sa twitter ni Prim-- hindi na narinig ang paalam ko!

"San kakain?" Tanong ko agad nang malayo na kami sa bahay.

"Sa bahay lang. Si Mommy nag luto." Naka ngiting sagot ni Keith.

Tumango tango ako.

Maya maya pa ay nag lalakad na kami papasok ng mansion nila.

Tapos sabay..

"Zylix! Ow em!! Ang ganda mooooo!!" Sigaw ni ate Kite.

Tumawa ako nang yakapin nya pa ako.

Nang bumitaw sya.. "Nasa dinning na sila Mommy. Tara dali!" masayang sabi nya.

Wala na akong nagawa nang hilahin nya na ako. Lumingon nalang ako kay Keith na kumakamot na sa batok bago sumigaw nang.

"HOY ATE!!! BISITA KO SI ZYLIX!!"

Hindi aya pinansin ni ate Kite na nahila na ako paupo sa isang upuan.

"Mom! Dad!. si Zylix nga pala." Pakilala ni Ate Kite.

Napa titig ako sa isang babae at lalake na mukhang kasing edad lang nila Mami at Dadi.

"You look familiar." Agad na sabi nung babae.

"Hehe.. Hi po.. Im Zylix Phyra Santos." pakilala ko naman.

"Ohhh... Ikaw ung anak ni Zylphire at Calix?" Tanong nung lalake na tatay ni Keith.

"Opo." Sagot ko sabay ngiti.

"Nice to meet you... Im Kira Aphrodite.. Tita nalang or.... Mommy wahahahahahah!!"

Napa tawa ako sa pakilala ni Tita mommy! Oha!

"Jinx Chaser pala.. Tito nalang or Daddy.. Pag pasensyahan mo na tong asawa ko.. Baliw eh." Sabi naman ni Tito na pinaikot pa ang isang daliri sa gilid ng ulo nya sabay turo kay Tita.

Natawa din ako.

"Asan nga pala si Keith?" Sa tanong nilang yun ay ang saktong pag pasok ni Keith na naka busangot akong hinila palayo kay ate Kite.

"Hi Ma.. Si Zylix nga pala.. Girlfriend ko." Biglang pakilala ni Keith.

--

"Sipag ng nanay mo ah." sabi ko kay Keith habang nag lalakad kami sa garden nila.

Garden nilang parang maze! Dafq?

"Masipag din naman si mamsi." sabi nya.

"Baka lang. Lagi kaming nasa restaurant sa sobrang tamad nyang mag luto." Naka ngiwi kong sabi kaya mas lalo syang natawa.

"Oh? Pano si Papsi? Marunong mag luto yun ah." Dag dag nya.

"Isa pang tamad yun." Sabi ko sabay tawa.

Katahimikan.

Katahimikan...

Kaaaaaaa....... Taaaaaaaaa.... Hiiiiiiiii...... Miiiiiiiiii..... Kaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!!

Katahimikan!

Nakaka binging katahimikan!

Muntik na akong mapa talon sa gulat nang mag salita ulit sya.

"Tatlong araw nalang pala ang Intrams."

Kumunot ang noo ko bago ako lumingon sakanya.

"Bat naman? akala ko one week?" Tanong ko pa.

Well yeah

Last week ay ang sabi nila ay one week daw ang intrams.

Syempre sobrang saya ko kase walang klase wahahahahahaha.

Eh? Kahit naman pala may klase hindi ako nakikinig.

"Ayaw ni Principal." Naka ngiwing sabi ni Keith.

Sumimangot ako bago kami umupo sa parang duyan na pang dalawahan lang.

"pano ung prize?" Tanong ko pa.

"Psh. Edi thursday lang hanggang sunday." Sagot nya pa.

Ngumiwi ako.. Kinalabit ko sya kaya humarap sya sakin.

"Bat ang sungit mo? Ha?" Tanong ko na inilapit ko pa ang mukha ko sakanya.

Nag iwas sya ng tingin. "Di ah."

"Ehhh!! ang sungit mo kaya!! Nag seselos ka parin noh? Noh!" Pangungulit ko.

"Tumigil ka nga Zylix. Wag kang magulo." Saway nya bago sya umupo nang maayos at nag labas ng phone.

Sumimangot ako bago ko inagaw sakanya ang cellphone nya kaya napa harap nanaman sya sakin!

"Ano ba? Akin na!" Sabi nya habang inaabot ang cellphone nya na tinago ko sa likuran ko.

"Ayaw." Pang aasar ko. "Bakit ka muna masungit?"

"Akin na kase!" Sinubukan nya ulit na agawin sakin ang cellphone dahilan para mapayakap sya sakin nang hindi nya namamalayan!

Binitawan ko ang cellphone nya bago ako yumakap sa bewang nya..

Natigilan sya.

As in natigilan.

Lumakas ang hangin.

Uy gagu nililipad si otor!

Dejowk.

Yun nga...

"Nag seselos ka?" Tanong ko ulit.

Hindi sya sumagot.

"Then be my bestfriend." dagdag ko.

Baket? Nag seselos sya sa besprend ko! Edi bestfriends nalang din kami!.

Hindi sya sumagot na bumuntong hininga pa....


Napa buntong hininga din ako dahil mukhang ayaw nya na bestfriends lang kami.


"Be my bestfriend while being my boyfriend.." Dagdag ko.

Dahilan ng pag yakap nya sakin ng tuluyan.

Dear heart,

Wag masyadong malakas ang tibok ha? Baka lumabas ka na sa rib cage ko.

Kinikilig sinigang.

Gagu. Zylix pala.

----

Tanananan!!! Naisingit sa schedule kong walang kwenta wahahahahhahaha!!

Aylabyu guys! Keep on voting!

Oo! Keep on voting pa dahil may story pa si Zyler! Kailangan nyong padamihin ang votes ng MaMB part 1 at 2, pati tong story ni Zylix! Kailangan nyobg padamihin ang votes kung gusto nyo ng story ni Zyler at Primrose.

Yun lang.

nag mamahal pero hindi minamahal,
Bigas.

Charot

Alexa pala.

Hintayin nyo ang next chapter!!

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now