Zylix Phyra's POV
TUMAWA ako at pabirong hinampas ang tyan ni Keith ng sabihin nya yun.
"Ano ano?" Tumatawang sabi nya.
"Joker ka? Joker ka?" Sabi ko pa.
"Hinde." Sabi nya bago ako hinila papasok sa bilihan ng phone...
"Mamili ka na." Sabi nya at hinarap ako sa mga iphone.
Nginiwian ko aya bago ko sya inirapan.
Sumilip ako at tinuro ang iphone na pinaka una kong nakita.
"Okay." Sabi ni Keith at pinakuha sa babae ang tinuro ko... "Case?"
Lumapit naman ako sa mga case.
Kinuha ko ang isang case na pastel pink ang color ag may naka sulat na 'fire'.
Amazing eh.
Binayaran na ni Keith na yayamanin ang mga kinuha ko.
"May gusto kang kainin?" Tanong ni Keith ng maayos na ang phone na gagamitin ko. Nalipat na din ang sim ko galing sa dati kong phone.
"Ice cream." Sagot ko.
Syempre. Pag food ang tinanong, sagot agad! Ano ba kayo wahahahahahahahha.
"Zylix?"
Napa tigil kami ni Keith sa pag lalakad nang may-- obviously tumawag sakin.
Tumingin kami ni Keith sa pinang galingan ng boses.
"Ethan." mahina pa sa mahina nang sabihin ko ang pangalan na yan.
What. The. F.
Nakita ko ang pag lingon sakin ni Keith na nag tataka.
Napa ngiwi ako.
N-nakauwi na sya?
"Zylix." Naka ngiting tawag ulit sakin ni Ethan..
Napa atras ako ng subukan nyang lumapit.
Napa tingin naman ako sa sarado nyang kamao.
"Zylix... Im back... Aren't you happy?" Naka ngiting sabi ni Ethan pero halatang naiinis sya.
"A-ano.." Ang lumabas sa bibig ko.
Napa kapit ako sa braso ni Keith ng akmang hahawakan ni Ethan ang kamay ko.
Syempre, naalarma si Keith na biglang humarang sa harap ko.
"Pre.. Umalis ka dyan. Kakausapin ko pa yung girlfriend ko." Tiim ang bagang na sabi ni Ethan kay Keith.
Pinag titinginan na kami pero... Ano naman.
Ethan Lancaster, half american half filipino kase fil-am sya. Meh.
Ex-boyfriend kon---
Napa bitaw ako kay Keith ng itulak sya ni Ethan.
"H-hey... Stop." Pigil ko nang sumarado din ang kamao ni Keith.
Syet.. Syet... Addison.. Hazel... Davi... Asan na kayo?
"ano ba?! Umalis ka sabi dyan at kakausapin ko ang girlfriend ko!" Malakas na sigaw ni Ethan na nag patigil sa mga nag lalakad na ibang tao at maki chismis samin.
Tanginaaaa
Sana nag shopping si Addison at Hazel...
Luminga ako.
Daily routine ng dalawa ang mag shopping ng ganitong oras.
Andito lang yun.
"Natatakot nga sayo pre." Tiim ang bagang na sabi ni Keith..
"Hindi sya natatakot sakin." Naka ngising sabi ni Ethan.
"Tigilan mo nalang kami.." Sabi ni Keith.
"Walang titigilan.. Girlfriend ko ang pinag uusapan." Sagot ni Ethan.
Lumingon naman sakin si Keith..
"Boyfriend mo?" Tanong sakin ni Keith.
"Hinde." Deretso kong sagot.
Na nag pagalit kay Ethan na akmang lalapit sakin par---
"Ops... Bawal lumapit." Humarang ulit si Keith.
"Sino ka ba ha?! Ang kapal ng mukha mong manggulo samin ni Zylix!" Sigaw ni Ethan sa mukha ni Keith..
Mukha lang.
"Ikaw ang nanggugulo." Naka ngising sabi ni Keith.
Ngumiwi ako bago hinila si Keith.
"Tama na... Uwi na tayo."sabi ko pakay Keith.
"Uwi na tayo? Mag kasama kayo sa iisang bahay?" Tanong ni Ethan na tumawa pa. "Nung ako hindi mo manlang ako sinasama sainyo tapos--- ha!" Hindi maka paniwalang singhal ni Ethan..
"Tumigil ka na... Wag mo na akong guluhin." Masama ang tingin na sabi ko sakanya.
"Ohhh so totoo nga ang sabi sabi nila na pumupula ang buhok mo." Tumatango tangong sabi ni Ethan.
Nag tiim ang bagang ko.
Tangina.
"Tumigil ka. Bumalik ka na sa US." masamang sabi ko sakanya.
"Isasama kita pag balik ko dun." Naka ngising sabi nya.
Eto nanaman sya! Ayoko nga eh! Ayoko!
Ano bang hindi nya naiintindihan sa ayoko?!
"Tigilan mo na ako!" Sigaw ko sakanya.
Hindi ako pwedeng pumikit o kumurap manlang.
Hinawakan ni Keith ang braso ko.
"Sasama ka sakin." Pamimilit ni Ethan na sa sobrang inis ko ay napa pikit ako.
Pag dilat ko ay ang pag kurap ng paulit ulit ni Ethan na malamang ay hindi maka paniwala sa nakikita nya.
"Zylix!" May sumigaw ng pangalan ko pero parang hindi ko magawang makinig para lumingon sa tumawag sakin.
Humakbang ako ng isa palapit kay Ethan.
"Zylix Phyra!" May sumigaw nanaman.
Kasabay ng pag hakbang ko palapit kay Etha ay ang pag hila ng kung sino sakin patalikod kay Ethan kasabay din ang pag sindi ng lighter sa harapan ko kaya napa pikit ako.
Pag dilat ko ay nakita ko ang nag aalalang tingin ni Addison.
Sa tabi nya ay ang gulat na si Hazel.
Naka tingin sya sa likuran ko kaya napa lingon ako.
Naka hawak si Ethan sa kwelyo ni Keith na kalmado padin.
--
Enk enk enk enk enk.
Sino si Ethan Lancaster?
Ex-boyfriend ni Zylix.
vote ha? Ha?!
-lexaaa
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...