G33

600 44 0
                                    

Zylix's POV

bago ko pa masaktan si Ethan ay umalis na ako dun.

Gusto kong maiyak...

Gusto kong umiyak tuwing naaalala ko lahat ng ginawa nya sakin, masakit eh..

Tangena kayo kaya ikulong ko sa nasusunog na bahay?!.

Sana hindi ako makita ni Zyler... Baka magalit ng sobra... Kahit pala sino sakanila..yung mga pinsan ko, mga kaibigan namin.. Sana hindi nila ako makita.

Pinunasan ko ang nanggigilid kong luha habang hinahanap si Keith.

Kaso nag tuloy tuloy ang luha ko nang makitang may kahalikan ang gago.

Deretso ang tayo nya pero hindi nya tinulak ang babae...

Kailangan kita eh, Kailangan ko sya...

Pero may kasama pa syang iba.

Napa iling nalang ako bago ako tumalikod at nag lakad palayo.

Dapat di nalang ako sumunod... Edi sana di ko nakita yung eksenang yun.

Derederetso ako nang lakad.. Tumutulo parin ang luha ko hanggang sa mamataan ko si Zyler na nag lalakad at nag se-cellphone parin.

Hindi ako tumigil para mag tago.

Napa hikbi ako nang mag angat sya ng tingin at tumigil sya sa pag lalakad, bumuntong hininga sya bago nya binuksan ang mga braso nya...

Hindi na ako nag dalawang isip na tumakbo palapit sakanya at yumakap.

Niyakap nya ako ng mahigpit.. Mas matanda ako sakanya pero mas matangkad sya sakin! Edi sya na!

Yung feeling na naka sagutan mo yung ex mo kanina tapos naalala mo lahat ng mamasakit na nagawa nya sayo? Tapos umaasa kang yung boyfriend mo ang mag ko-comfort sayo kase ayaw mong makita ka ng kapatid mo na umiiyak. Tapos nung nakita mo yung boyfriend mo, may kahalikan na iba.... Tapos sa kapatid parin pala ang bagsak mo.

"Tahan na ate.." Mahinang sabi ni Zyler habang hinahagod ang likod ko.

Humikbi lang ako.

"Oy ano yan? Bat umiiyak si Prim------ ate Zylix?! Bat ka umiiyak?!"

Paktay.... Nakita na ni Adam.

"Ha?! Sinong umiiyak?!" Boses ni Kurt.

"Si ate Zylix? umiiyak?!" Sigaw ni Javier.

"baket umiiyak!" Sigaw ni Jade.

"Sinong nag paiyak!" Sigaw ni Nathan.

Naramdaman ko ang takbo nila palapit samin dahil mabibigat ang paa nila at damang dama pa nila kung tumakbo.

Dahil sa sigaw nila ay nag labasan ang nga studyante sa mga classroom nila para makiusyoso.

"umiiyak si ate Zylix?"

"Hala.. Lagot sila kay kuya Keith."

"Mas lagot ata sila kay Zyler.."

"Pareho lang."

Humiwalay ako kay Zyler at sinuntok ng mahina sa braso si Adam.

"Aray ate! Bat ako?!" Sigaw ni Adam.

"Bat mo sinigaw!" Singhal ko.

"Para alam ng lahat!" Sagot nya.. Umiwaz sya sa sipa ko kaya natawa nalang sila Jade sakanya.

"Sino bang nag paiyak sayo ate, at ipapa budol budol natin." Sabi ni Javier.

"Hindi ba bungol bungol yun?" Tanong ni Kurt na nag patawa samin.

"Budol budol yun bobo." Sabi ni Jade at binatukan si Kurt.

"Pareho lang yun!" Reklamo ni Kurt.

Natawa nalang ako.

Mas maganda atang sila ang nakakakita sakin pag umiiyak ako... Nakaka limutan ko yung problema eh

"Wag ka na ngang iiyak ate! Natataranta tong mga to eh." Turo ni Zyler kela Kurt.

"Hoy hoy! bat kami lang? Eh pag nasa rooftop tayo at nabalitaan mong umiiyak si ate Zylix, eh halos talunin mo na yung building!" Sigaw ni Nathan kay Zyler.

"Mamaya na kayo mag away." awat ni Javier. "basta wag ka nang iiyak ate."

Tumango nalang ako. "Bumalik na nga kayo sa mga klase nyo! Alis na ako!"

Nag tulakan sila pabalik sa mga classroom nila... Nang madaanan ko ang classroom nila Zyler ay mga naka dungaw sila sa bintana...Tinulak ko papasok ang mga mukha nila bago ko sila malagpasan.

Sana.... Sana nasampal ng mga sinabi ko si Ethan kanina para naman matigil na sya.. Para marealize nyang nasaktan ako sa mga ginawa nya dati.. Well, oo gusto kong gumanti sakanya... Kaso revenge is for weak daw..

Porket gumanti, weak na? Eh kung ihampas ko sakanila yung salitang revenge? Sino ba nag pauso nun? Kung kilala nyo, pahampas naman sa ulo.

Nang madaanan ko naman ang classroom nila Keith ay kakapasok nya lang at derederetso ang upo nya sa upuan nya, nag iwas ako nang tingin nang mapunta sa gawi ko ang tingin nya.. Nag patuloy ako sa pag lalakad.

Pag dating sa room ay derederetso ang upo ko at nag head down. Hindi ko na pinansin ang pag bubunganga nila Davi sakin, sigurado daw silang hindi pa kami nag babati, bat daw hindi ako naki pag bati, ano daw nangyare.


ang ingay nila... Nakaka inis... Hindi ba nila kayang manahimik kahit ngayon lang?

"Hoy ano?! Naki pag bati ka na ba?!"

"Bat hindi pa kayo nag bati?!"

"Baket mo kase sinabi yun?"

"Kasalanan mo din eh!"

"Sorry Zylix ah. Pero kasalanan mo talaga!"

Inis akong umupo ng maayos bago ko hinampas ang lamesa ko.. Natahimik ang classroom namin kahit sila Davi lang naman ang pinapatahimik ko.

"Pwede ba? sa susunod na araw nyo na ako sermonan... may naalala akong masakit. May nakita akong masakit... Kahit ngayon lang oh... Please..." sabi ko.

Nagulat sila sa sinabi ko hanggang sa may tumikhim sa harapan... Andyan na yung teacher namin.


Please...

Please lang..


---

Haluuuuu

Malapit naaaaa

-lexa

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now