Zylix Phyra's POV
DUG DUG
"Huy. Ayos ka lang?"
Nabalik ako sa reyalidad nang mag salita ulit si Keith.
"A-ano..." Sabi ko.
Bat ako nauutal?! Baket?! Wae?! Why?!
"Huy." Tawag nya ulit sakin na sinundot nya pa ang pisngi ko kaya tinignan ko sya ng masama.
Tinusok tusok ko ang pisngi nya
"Huy. Huy. Huy. Huy. Huy." Paulit ulit kong sabi habang sinusundot ang pisngi nya kaya tumawa sya habang umiiwas.. "Inom akong tubig." Naka simangot kong sabi ng tumigil na ako.
Tinawanan nya ako.
"Tara, samahan kita." Alok nya pa.
Tumango ako bago kami sabay na nag lakad pababa.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko ng maalala kong anong oras na.
"Di ako makatulog.." Sagot nya bago lumingon sakin. "Ikaw? Bat gising ka pa?"
"Same." Sagot ko nang maka pasok na kami sa kusina.
Umupo ako sa isang stool habang sya ay nag lakad palapit sa fridge.
Kumuha sya ng baso sa kabinet sa taas tsaka nya sinalinan ng watah.
Inabit nya sakin yun kaya uminom ako.
Naka tayo lang sya sa harap ko.
May harang sa gitna namin. Syempre ung lamesa ng stool.
"Anong oras na?" Tanong ko bago ko igilid ang baso.
"Quarter to 4 na." Naka ngisi nyang sabi.
Kumunot ang noo ko.
"Bat ka naka ngisi?" Tanong ko.
"Wala lang." Kibit balikat nyang sagot.
Katahimikan.
Katahimikaaann.
Kaaaaataaahimikaaaaaannnn.
Nakakabinging kataaaaahimiiiiikan.
"Ang awkward." Sabi ni Keith kaya napa ubo ako.
"Oo nga." Sabi ko sabay tawa.
"Ehem." Umubo din sya. "Balik ka na sa kwarto mo."
Nag kibit balikat ako bago ako tumayo.
Sabay ulit kaming bumalik sa mga kwarto namin--- guest room lang pala ako.
"Matulog ka na ah... Wag mo na akong isipin." Natatawang sabi ni Keith bago ako maka pasok ng guest room.
"Kapal.. "Sabi ko sabay tawa. "Ikaw ang matulog na, bukas mo na ako isipin." Sabi ko din.
"Bahala ka dyan. Iisipin kita hanggang bukas." biro nya pa.
Inambaan ko sya ng batok kaya tumatawa syang pumasok sa kwarto nya.
Natawa nalang din ako.
Papasok na sana ulit ako nang bumukas ang pinto ng kwarto nya at sumilip ang ulo nya.
"goodnight." Bati nya.
"goodnight." Bati ko bago ako ngumiti at iiling iling na pumasok sa guest room.
Dug dug
Dug dug
Dug dug
....
Lumabas na ako ng guest room pag katapos kong mag hilamos. Saktong pag labas din naman ni Keith na naka sando ag short lang.
Ngumisi ako sakanya kaya nginiwian nya ako.
"Good morning!" Bati ko bago ako tumabi sakanya.
"morning." Tipid nyang sabi. "kamusta tulog mo?"
"Maayos!" Masaya kong sabi. "Sayo?"
"Maayos.. Andun ka eh." Sabi nya sabay tawa.
Inirapan ko sya bago ako tumawa.
Tumawa sya bago umakbay sakin at hinila na ako pababa.
"Wow. Agang landian ah." Bungad ni ate Kite na naka uposa stool at umiinom ng kofeh.
"Umakbay lang. landian agad?" Tanong ni Keith bago sya humiwalay sakin at pinaupo ako sa isang stool.
"pauwi na sila Mom." Sabi ni ate Kite habang kumakain kami.
"Ayos wahahahaha." Tawa ni Keith.
"Anong oras ka uuwi Zylix?" Tanong sakin ni ate Kite.
Uhh...
Susunduin ba ako?
"Hindi ko po alam." Ang nasagoy ko sa tanong nya.
"Hatid na kita pag katapos mong kumain. Baka hinihintay ka na nila Dadi mo." Natatawang sabi ni Keith kaya tumawa lng ako.
..
Pinahiram nanaman ako ni ate Kite ng damit nya.
Short at t-shirt. Nice.
Pinahiram din nya ako ng sapatos!
Hindi pala hiram.
Binigay na sakin. Hindi nya pa daw nagagamit at galing kay Keith yun.
"Ano... Samahan ako." Mahina kong sabi habang nasa kotse na kami ni Keith.
"San?"tanong nya.
"Bibili akong cellphone. "Naka ngiwi kong sabi.
Tumawa sya. "Sige... Ako bibili. Libre kita."
"Yoko nga! Gagastos ka nanaman! Ako na bibili!" Agad na tanggi ko.
"Nooppeee. Ako ang bibili." pamimilit nya.
Napa buntong hininga nalang ako bago ko sinurrender ang pareho kong kamay.
"Fine." Sabi ko.
Nang maka rating sa mall ay halos pag tinginan na kaming dalawa..
Mag sama ka ba naman ng gwapo, sinong hindi lilingon.
Pati mga lalake naka lingon na din samin. Tumingin ako kay Keith na cool lang na nag lalakad.q
Eh simpleng jeans at v-neck shirt lang naman ang suot ni Keith. Plus naka beanie sya.
Ngumiwi ako nang lingunin din ako ni Keith.
Napa singhap ako ng hilahin nya ako palapit sakanya sabay.
"Lumapit ka kase sakin.. Baka bigla kang hatakin ng isa dyan, maagawan pa ako."
Dug dug.
--
Eyoooo votes
-alexa
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...