Zylix Phyra's POV
Naiinis ako.
Naiinis sa sarili ko!
Kahapon....
Imbes na itulak ko sya palayo---- tumugon pa ako sa halik nya! Tangena lang diba?!
Huhuhu!!!!
Nakakahiya!!!! as in!!
Napa hawak ako sa dibdib ko nang biglang bumukas ang pinto nang kwarto ko.
"Ate nasa baba na sila." Sabi ni Zyler na aka simangot sakin.
"Kailangan sipain pabukas ang pinto?!" Inis na sabi ko sakanya bago ako tumayo at kinuha ang bag ko sa gilid.
Pati ang dadalhin ko pa pala sa Royal churva ek ek.
Nilagpasan ko si Keith at dere deretso akong nag lakad pababa sa sala kung san naabutan ko si Mami at Dadi na nanunuod ng kung ano.
"Jaaackk~~" parang tanga na sabi ni Mami kaya natawa si Dadi at napa hampas naman ako sa noo ko.
Sa tawa ni Dadi ay Sinipa sya ni Mami.
Parang wala silang anak eh noh?
17 ata si Mami nang ikasal sila ni Dadi eh.
Ilang taon na ba ako?
16 wahahahahahha.
Pero sa itsura talaga nilang dalawa. Hindi mo malalaman na may anak na sila.
"Alis na me." Paalam ko.
Sabay silang tumingin sakin.
"Ingat!" Sabi nila.
Bumelat nalang ako bago ako tumakbo palabas..
Dalawang bus ang nasa labas.
Bus ng section ko at bus ng section nila Keith.
Pumasok ako sa Bus namin at puno na!
Bakit halohalo sila?
Napa hampas ako sa noo ko bago ulit ako bumaba at lumipat sa kabilang bus.
Owwwkeeyy?
Mag katabi si Davi at Jon, Addison at Hazel, Zack at Seb, Drei at Samantha, Keith at...... Trisha.
Ang landi amp.
Inirapan ko si Keith na naka tingin sakin.
Dalawang upuan nalang ang bakante.
Isa sa tabi ni Zeris.
At isa sa tabi ni Ethan.
Now.....
San?!
Tatayo na sana si Keith nang derederetso akong umupo sa tabi ni Zeris at nag apir kami.
"Akala ko kay Ethan ka tatabi eh." Sabi nya sakin.
"Yoko nga." Sabi ko sabay tawa.
Tumawa din sya.
Tumingin ako sa katapat naming upuan sa gilid.
Si Keith at Trisha.
Naka ngiwi si Keith kaya nag iwas ako ng tingin.
Humarap ako kay Zeris nang makitang naka suot ang isa nyang earphone sa isa nyang tenga at hindi nya ginagamit ang isa.
Kinuha ko yun at sinalpak sa tenga ko bago ako umupo nang maayos at sumandal kay Zeris.
Walang malisya.
Bestfriend ko toh.
Nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagdabog na pag upo ng maayos ni Keith at pag salpak ng earphones sa parehong tenga.
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...