Last

938 50 10
                                    


L A S T  C H A P T E R

-AFTER 6 YEARS-

"JUSMIYO KEITH! NAPAKA DAYA MO!" sigaw ni Addison nang matalo ko nanaman sila sa dos.

"Sorry. Pogi ko kase, di tuloy kayo nananalo." Mayabang kong sabi.

"Keith nasa labas na naman yung die hard fan mo." Sabi ni Davi na naka silip sa bintana.

Tumayo ako at sumilip din sa bintana.

"Psh. Alis na nga ako." Paalam ko at lumabas ng bahay.

"SASALUBUNGIN MO YUNG FAN MO?!" sigaw nila.

"MALAMANG! PALABAS NA NGA AKO DIBA?!" sigaw ko pabalik.

Binuksan ko ang gate ng bahay ni Hazel at tinaas ang dalawa kong kamay.

"Wait lang! Teka! Saglet! Eto na! Palabasin nyo muna ako! Aba naman, pano tayo uuwi neto kung di niyo ako palalabasin?" Reklamo ko.

Tumabi naman sila. Tinuturo turo na agad ako ni Kuya Almond. "Nako Keith kapag ikaw tumakas na nama---- KEITH! SABI NA NGA BA! HABULIN NYO SYA!"

Mabilis akong tumakbo palayo sakanila nang maka labas ako ng bahay. Ilang taon na akong hinahabol netong mga to eh.

Si Kuya Almond. Siya yung parang butler ko ganun... Five years nya na akong hinahabol kaya five years ko na din syang tinatakasan.

"KEITH ALEXANDRITE WAG KA NANG TUMAKBO!" Sigaw ni kuya Almond.

"Ano lang? GAGAPANG?" sigaw ko at dumaan sa pagitan ng dalawang nag ba-bike na mag jowa ata. "AYOKO NGANG GUMAPANG! HASSLE!"

Narinig ko ang tawa nya.

"KEITH! MAY SUSUNDUIN KA PA!"

napa tigil ako sa pag takbo at napa hampas sa noo ko.

Bat ko nakalimutan?!

"Akin na hehe." Pag hingi ko sa susi ng sasakyan kay kuya Almond. "Salamat sa pag papaalala."

Inabot nya sakin ang susi at pumasok na ako sa sasakyan.

Pag dating sa airport ay naka sabit na sa leeg ko ang camera.

Tumayo ako sa waiting area chuchu at hinintay syang lumabas.

Tinaas ko ang camera ko para picturan ang isang babaeng eleganteng nag lalakad palabas sa arrival chuchu.. Ganda manamit, naka shades. Medyo mahaba na din ang buhok at wavy ang dulo nun na naka lugay lang, at naka sneakers.

Hindi nya pinapansin ang mga taong sinisigaw ang pangalan nya, may nakasunod na dalawang lalakeng naka suit na hila hila ang mga gamit nya.

Napa tawa ako ng mahina. Fashion designer na naka dress at pinaresan ng sneakers. Okay cool.

Binaba ko ang camera nang tumigil sya sa harap ko.

Tinanggal nya ang shades nya at naka ngiting naka tingin sakin.

Umikot sya para walang harang na glass sa pagitan namin.

"Keith!" Sigaw nya at patalon na yumakap sakin.

Yumakap din ako at tumawa. Hinalikan ko sya sa gilid ng ulo.

"I've missed you." Sabi nya.

"Namiss din kita." Sabi ko at kumalas sa yakap... "ganda natin ah!"

"Ako lang uy! Ang panget mo kaya!" Sabi niya.

"Wow naman! Yan tayo eh!" Tumatawang sabi ko. Kinuha ko ang mga tulak niya na cart at binigay yon sa pinasunod sakin ni Kuya Almond. "Gutom ka na ba? Ano gusto mo bukod sakin?"

"Kapal naman ng mukha mo at naisip mong gusto kita." Umirap siya bago inabot ang kamay ko para hawakan.

Di raw ako gusto pero hinawakan kamay ko? Medyo magulo tong baby cakes ko ah.

Tahimik na kami nag lakad papunta sa kotse sa labas ng airport, pero bago pa kami tuluyang makalabas ay nag salita siya.

"Keith, I think you should still distance yourself from me." Biglang sabi nya.

"Ano? Kakauwi mo lang pinapalayo mo na agad ako? Aba naman, lavacakes. Sige, anong problema natin?" Tanong ko.

Eto si overthink eh.

"You might burn." Sabi nya.

Ah, yun naman pala. Kabado bente na naman to panigurado eh.

"Alexandrite's don't burn." Sagot ko at ngumiti.

"Still... I'm a hellfire." Naka ngiwing sabi nya.

Aba aba. Di ko alam kung ano yung hellfire pero tunog pang mayaman kaya dapat makaisip ako ng banat ko para makasagot.

Alam ko na.

"You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." I replied.

She smiled.

Again.

"Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." Malambing kong sabi. Ngumiti pa nga ako sakanya.

"And I, Zylix Phyra one day dicovered that I am fierce." Sabi nya bago ngumiti at nag patuloy. "And strong and full of fire, that not even me can hold myself back." Patuloy nya. "I didn't even know that my passion, burned brighter than my fears."

Lumaki ang ngiti ko.

Galing ng baby ko, puta.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Zylix is back.

My Zylix is back.

--




















They witnessed her destruction,



They were left to wonder why,



She saw nothing but darkness,



Through the stars shone in her eyes,



But maybe they'd forgotten,



When they failed to see the cracks,



That a star's light shines the brightest,



When it's starting to collapse.



END

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now