G38

605 45 0
                                    

Zylix's POV

AFTER MANY DAYS.

PASUKAN NA!!!

nung new year ay.... Wala. Nag saya lang kami... Pumunta ang Mami at Dadi ni Keith sa bahay dahil maagang natapos ang party na dinaluhan daw nila kasama ang mga kaibigan ng mga magulang nya..

Uhh.. I mean, pumunta pala lahat!

Pati yung yung mga nanay at tatay nila Jon, Seb, Zack at Drei!

Ay, yung kay Drei ay pupunta talaga.. Si tito Drew ang tatay eh.

At nung new year ko lang nalaman na si Drei yung anak ni tito Drew! Pa mysterious kasi si Drei eh!

Chunanga.. Naging mag kaka close agad silaaaaaa.. Ang gagaling kasing maki sama..

So ayun, pasado si Keith sa mga tito at tita ko, pati narin sa mga anak nila... Hindi narin nag seselos si Keith kay Zeris dahil-- anak nang! Mag besprend na din eh!

"Hoy! Lalim nyan ah!" Biglang pumitik si Davi sa harap ko.

"dagat?" Pang li-literal ko sa sinabi nya. Luminga pa ako

Inambaan nya ako ng batok kaya bumelat na ako sakanya.

"Naka bili ka na ba ng cellphone?" Tanong ni Hazel na kakarating lang, umupo sya sa tabi ni Addison na nag babasa..

"Di pa." sagot ko, true.. Simula nung nabasa yung phone ko nung hinabol ko si Keith ay hindi pa ulit ako nakakabili ng bagong cellphone.. Hindi ko naman kase ginagamit!

Pero ang alam ko sinabihan ako nila Aleina na niregaluhan nila ako ng Cellphone, di ako sure kase hindi pa ako nag bubukas ng mga regalo simula nung pasko, naka tambak lahat sa sulok ng kwarto ko.

"Ay ateng! Baka gusto mo nang bumili? Ha?" Si Addison na ang nag salita kahit nag babasa sya ng libro nya.

"Ay ateng! Baka gusto mo nang bumili ng bagong libro? Baka kase kabisadong kabisado mo na yang libro mo sa puntong ma-a-acting mo na yan?" Sagot ko.

Hindi nya ako pinansin kaya napa irap ako sa kawalan.... Kawalan ng pansin ahi.

Katahimikan ang bumalot samin nang mag ring ang cellphone ni Hazel, nilabas nya yun at binasa ang kung ano mang naka sulat dun.

Pinanood ko syang tumanga sa harap ng Cellphone nya.

Tumingin sya sakin, tapos tumingin ulit sya sa cellphone nya, tapos bahagya nyang siniko si Addison.

Binaba ni Addison ang libro nya at nag tatakang tumingin kay Hazel bago nya hinablot ang cellphone mula kay Hazel.

Nakita ko rin ang pag tanga nya sa harap ng phone.

"Ano ba yan mga ate?" Maarteng sabi ni Davi bago kumembot palapit kela Addison at Hazel... Kinuha nya din ang cellphone, nag bago ang expression sa mukha nya pero maya maya pa ay nag pipindot sya sa phone na yun at hinarap sakin.

Picture ng k-idol.

Napa irap ako. "Im out." Sabi ko bago ako nag taas nang dalawang kamay, tumayo ako at tinalikuran na sila.. Dala ang dalawang paper bag na puno ng chocolate mula sa mga nanliligaw.

Narinig ko pa ang sinabi ni Hazel.. "Pano natin sasabihin sakanya?"

Hindi ko nalang pinansin. Malay ko kung kanino nila sasabihin.

Nag tuloy tuloy ako ng lakad papunta sa building nila Zyler. Nang makarating ako sa tapat ng classroom nila, naka bukas ang bintana kaya dumungaw ako dun.

Nag umpisang umingay ang mga lalake.

"panget!" tawag ko kela Zyler na nag haharutan kasama sila Kurt.

Walang lumingon sakanila.. Aba't mga feelingero.

"mga tukmol!" sigaw ko ulit pero hindi nila ako pinapansin! "Wag kayong hihingi ng chocolate sakin ah!"

Automatic silang nag si-lingunan sakin.

"Uy ate! Andyan ka pala!" Munggo na sabi ni Adam.

"Wala." Pabalang kong sagot.. "Excuse meee."

Halos hindi ko na sila makita sa dami ng naka palibot sa bintana!

"Tabe tabe!!"sigaw ng mga kumag.

"Bawal maligaw! Layas!" Sigaw ni Kurt.

"Hindi sya pumapatol sa mga unggoy!" Sigaw ni Adam.

"Layas! Layas!" Sigaw ni Zyler.

"Shoo!" Sigaw nila Nathan.

"Nag effort na lumapit sakin, aalis na din naman ako." Sabi ko. Nilapag ko sa gilid ng bintana ang mga paper bag at nag agawan sila Zyler dun.

Nag lakad ako palabas ng building nila na hinahabol ng tingin ng mga lalakeng ka grade nila Zyler na hindi maka lapit sakin kase masasapak sila nila Zyler.

"Hey."

hindi na ako nagulat sa pag sulpot ni Samantha.

"Nakita mo ba si Zeris?" Tanong nya habang naka cling sa isa kong braso.

"Hinde.. "Sagot ko.

Bumitaw sya sakin. "Okay! Hanapin ko nalang, see you later!" Kumaway pa sya bago umalis sa tabi ko..

San na nga ba si Zeris? Palaka yun eh, di pa ako binibigyan ng regalo simula nung pasko.

Napatigil ako sa pag lalakad nang makita si Ethan na naka tayo habang naka tingin sakin, may hawak syang box.

Huminga ako ng mababaw bago ako nag patuloy sa pag lakad---

pero napa tigil din ako sa pag lakad nang hawakan nya ako sa braso para PIGILAN NGA AKO! KULET AH.


"Im sorry." Sabi nya.

Ngumuso ako at tumayo nang maayos sa harap nya.

"Anong magagawa ng story--- este sorry mo?" Mapakla kong sabi.

Muntik na akong mabulunan dahil sa laway na naiipon sa leeg ko nang mag kamali ako nang sabi sa 'story' imbes na 'sorry'.

"Wala... Pero sana maibsan yang galit mo sakin." Naka yuko nyang sabi.

Hindi maiibsan.

Kulang pa yung sorry nya sa mga pinag gagagawa nya sakin.

"Walang mababawas." Mahina kong sabi.

Napa lunok sya.. "Sige, okay lang na magalit ka sakin... Pero please tanggapin mo tong regalo ko." Inabot nya yung maliit na box sakin.

Napa ismid ako bago ko yun tinanggap.

Tumingin lang sya sakin

Hindi na ako nag salita at iniwan ko na sya dun mag isa, dala ang box na binigay nya.

Pag dating sa classroom ay umupo ako sa upuan ko at binuksan ang box.

Sing-sing?

Hindi kanta kanta ah!

As in Ring!

Kinuha ko yun at sinukat, bat nya ako bibigyan neto?.. Maganda, pero di ki alam tawag dito hihe. Malay ko ba!



Pumasok na din sila Hazel.


Hindi na ako nag effort na hubarin ang sing sing dahil mapapagalitan ako kung nay gagawin pa akong kakaiba... Weirdo pa naman si sir.



--

Ahihe.

Hoyyy!! Support naman sa isa ko pang libro!

Aktuwali, hindi lang ako ang gumawa ng story na yun. Apat kami.

Basta follow nyo nalang.

psychoticbeast

Yan yung username, vote ha!

Yun lang.

-Alexa

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now