Zylix's POV
UWIAN.
ngayon ako mag so-sorry kay Keith kahit masakit talaga yung nakita ko kanina.
Tumayo na ako nang matapos ang meeting ng Nightingale... Mga kumakanta yun... Psh, pwede naman akong sumali nalang sa club na sayaw sayaw ang ganap kaso nakapasok ako dito eh, pareho ako nag audition, Nightingale tsaka dun sa sayawan.. Pareho din akong naka pasok kaso isa lang ang pwede kong salihan kase may practice practice na ganap.. Edi sa nightingale ako sumali..
Tumakbo ako palabas na naka salubong ko pa sila Seb...
"uy kumander!" Bati ni Jon sakin, sumaludo pa sila.
Nakakapag taka na madilim na ay nandito parin sila--- ahh may meeting sila.
"Uy.... Si Keith?" Tanong ko.
Nag katinginan sila bago tumingin sakin... "Ano... Pauwi na."
"Sige salamaaatt." Sigaw ko tsaka tumakbo palabas nang campus kaso... "Umuulan! Wala akong payong!!"
Hindi ko na pinansin yung ulan, at binilisan pa ang takbo.
Pwede naman akong nag Sorry bukas... Kaso hindi ko na kayang hindi ako pinapansin ni Keith... Kase ang sabi ko lang naman ay nakakasakal? Which means, ang oa nya na mangealam.. Hindi ko sinabing wag nya na akong pansinin!
But still.... Nasaktan sya... At dahil yun sa sinabi ko... Kaya kailangan ko talagang mag sorry.
"Keith!" Sigaw ko nang makitang pasakay na sya, mukhang hindi nya ako narinig dahil deretso syang sumakay sa sasakyan nya.
Napa tigil ako sa pag takbo nang makita ang sasakyan ni Keith na palayo na sa campus.
Tumayo ako sa gitna ng ulan.. Pinapanood ang pag layo ng sasakyan ni Keith.
Yumuko ako.... Bukas nalang? O susundan ko sya sa bahay nila?.... Pero wala akong sasakyan.
Napa tingala ako nang wala akong maramdamang ulan na tumatama sakin... Tumingin ako sa nag payong sakin at agad akong lumayo sakanya.
"Lumayo ka sakin." Mariin kong sabi kay Ethan, tinalikuran ko sya at bumalik ako sa loob ng campus, hindi ko na nalingon ang sasakyan ni Keith dahil kay Ethan.
Umupo ako sa shed. At nilabas ang phone ko para tawagan si Zyle----- basa..... Medyo basa ang cellphone ko!
Galing kay Keith to! Halaaaa!!!!! Nakaka inis!
Sheez!!! Napaka malas!!!!
Tumayo ako at luminga para mag hanap kung may tao pa--- sila Jon!
Tumakbo ako papunta sa parking ng school at nakita sila Seb na nag tutulakan papasok ng sasakyan, sisigaw na sana ako kaso nakita na ako ni Zack.
"kumander! Wacha duwing hir?" Tanong ni Drei.
"uh.. Maakikitext lang sana." Sabi ko.
"Hindi mo nahabol si Bossing?" Tanong ni Zack. At umiling lang ako.
Hindi sila tumitingin sakin, naka tingin sa mukha ko pala.. Tapos parang tumatagos sa ulo ko yung tingin nila at hindi maka tingin sa ibang direksyon.
Inabot ni Jon ang phone nya sakin.. Dinial ko ang number ni Zyler.. Habang nag hihintay ako na sagutin nya ang tawag ay nag salita si Seb.
"Hatid ka nalang kaya namin kumander?" Tanong ni Seb.
"Pwede rin." Sabi ko. "Pero wag nalang, baka may pupuntahan pa kayo.. Hintayin ko nalang si Zyler." Saktong sinagot nya ang tawag.
"Hello?"
"Zyler! Pasundo!" Sabi ko..
"Nasa school ka pa? Akala ko sasabay ka kela ate Hazel?"
Napa irap ako. Mukha ba akong naka sabay kela Hazel?.. Nauna silang umuwi kase maagang natapos ang meeting ng club nila.. Media yun si Hazel at Davi.. Si Addison naman ay Modeling ang club, kasama nya si Samantha dahil parehong maganda.. Kumbaga ang ginagawa nila Addison at Sam ay photoshoot photoshoot para sa cover ng school sa magazines, billboards and such..
As for me... Madalas din akong kinukuha kahit hindi naman ako kasali sa club nila.. Sila Hazel ang nag pipicture at kung ano mang laman nung Magazine.
"Papunta na ako."
"pag ikaw nasa bahay pa, ihahampas ko sayo yung sasakyan mo." Banta ko bago ko pinatay ang tawa.. suminghap sila Seb.
Binalik ko ang phone. "Thanks..""Samahan ka namin mag hintay kumander?" Tanong ni Zack.
"Thanks.. Pero wag nalang, mauna na kayo." Sabi ko pa.
Tumango tango sila.
"Ingat kumander!" Bati nila bago nag pasukan sa kotse.
Kumaway lang ako.. Bumusina pa nang makaalis sila.
Pagewang gewang palayo ang sasakyan nila at sa hula ko ay nag eeksibisyon yung mga yun.
Maya maya lang ay tumigil sa tapat ko ang kotse ni Zyler.
Bumaba pa sya at pinatungan ako ng towel, ngayon ko lang napansin na basa pala ako! Ay ang bobo.
"Bat ka nag paulan ate! Mag kakasakit ka!" Sermon ng kuya ko?!
Hindi na ako sumagot at hinayaan sya na pagalitan ako kahit mas matanda ako sakanya.
Bukas....
Bukas bati na kami.
--
Ohh!! Papparapapap
Votes mga ridahs.
-Alexa
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...