Zylix's POV
Pinag titinginan na ako.. Naka hawak ako sa railings bilang suporta para maka rating sa feild.
napa tigil ako sa pag lalakad nang maka salubong ko si Ethan..
"Zylix." Tawag nya sakin..
Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sakanya
Muntik na akong matumba pero nasalo ako ni Ethan... Hindi pa muna ako gumalaw dahil masakit ang ulo ko..
Nang makabawi ako ay tinulak ko sya palayo.. "lumayo ka sakin." Singhal ko bago ko sya nilagpasan... Derederetso ako nang lakad hanggang sa matigilan ako sa pag lalakad nang makita ang isang pamilyar na sapatos.
Keith....
Yun ang huli kong nakita bagi ako nawalan ng malay.
..
Nagising ako sa pamilyar na kwarto.... Pamilyar kase kwarto ko.
Dahan dahan akong umupo... Sumandal ako sa head rest bago ako luminga...
Nakita ko si Keith na naka upo sa sofa at natutulog... Mukha syang batang nananaginip ng mga candy.
Bahagyang naka nganga ang bibig nya kaya ang cute nyang tignan! Baka nananaginip na ng candy to?
Tumayo ako at lumabas ng kwarto... Bumaba ako sa sala para hanapin ang mga tao-- mga aliens.
"Oh? Bat tumayo ka na?" tanong ni Mami.
Umupo ako sa stool at pinanood syang mag eksibisyon, marunong mag luto-- ng prito...
"Nag sasayang ka lang ng pagkain." Comment ni Dadi na naka upo din sa isa pang stool... Tumingin sya sakin. "Wala na ba si Keith? bat bumaba ka? May kailangan ka?"
Ngumiwi ako. "Nasa taas sya.. Tulog."
Nag snort silang dalawa.
Saktong pumasok si Zyler at hinaplos ang noo ko. "May sakit ka pa ba?"
"wala na." Ang sinagot ko.
"Zylix... Tikman mo nga." Lumapit sakin si Mami at minuwestra sa harap ko ang kutsara.
Tinignan ko si Dadi na nag sign of the cross, lumipat ang tingin ko kay Zyler na naupo sa tabi ni Dadi at nag praying position... Naka talikod sakanila si Mami kaya hindi sila nakikita.
"m.....masakit pa yung ulo ko.. Balik na akk sa taas." Excuse ko.. sana gumana!
Inirapan ako ni Mami. "Sige, akyat."
Ngiting tagumpay ako habang nag lalakad palabas.
"Tikim." Utos ni Mami dun sa dalawa.
"Ma... Pupunta pala ako kela tito Yuri... Kunin ko yung gamit ko kay Kurt." Excuse ni Zyler.
"Sige. Layas." Sabi ni Mami.
Nag snort ako nang maramdaman si Zyler sa tabi ko.. Pareho kaming naka tayo sa hallway papasok ng kusina.
"Zylphire.. May bibilhin pa ako sa supermarket, naka limutan kong bilhin yung Ice cream ni Clein, sige una na ako." Sabi ni Dadi--- na hindi gumana!
"Kainin mo to." Utos ni Mami.
Bahagya kaming lumingon ni Zyler at nakita si Dadi na naka ngiwi.
"Zylphire... Alam mo namang wala kang futire sa kusina, prito nalang... Mag prito ka nalang, uubusin ko pramis." Sabi pa ni Dadi.
Inirapan sya ni Mami. "Yoko na, linisin mo nalang yung kalat."
Parang lumiwanag ang buong katawan ni Dadi nang sabihin yun ni Mami.
Tinulak ko si Zyler sa sala kase aalis sya diba? At nag deretso ako sa kwarto ko, para tignan kung gising na si Keith.
Tag pasok ko sa kwarto ay tulog pa sya!!! As in!
Hindi ko alam kung allowed ba sa law ang matulog na gwapo parin ang itsura.. Hindi ata pwede... I-report ko na kaya si Keith?
Lumapit ako sakanya, tumayo ako sa harap nya at tinitigan lang aya...
Napa layo ako nang dumilat sya.. Kinusot nya ang mata nya bago tumayo at humaplos sa noo ko.
"Okay ka na ba?" Tanong nya pa.....
Lumayo pa ako ng isang hakbang.
"Okay na ako." Sagot ko bago ako nag iwas ng tingin.
Umupo ako sa kama habang nanatili syang naka tayo dun.
Mag so-sorry na ba ako? Baka badtrip pa sya eh.
"Sorry."
Napa tingin ako sakanya nang mag salita sya... Bakit sya nag so-sorry??? May ginawa ba syang kasalanan? Wala naman ah? Ako yung mag kasakanan! Ako dapat mag sorry.
"Sorry pinakealaman pa kita.." Dugtong nya. "may sakit ka kase eh. Nag alala lang ako sayo.. Aalis na ako kung ayaw mo ako dito." Sabi nya.
Nanlaki ang mata ko.
Hindi nya talaga ako papakealaman??
Sana hindi nalang naging kami kung wala din namang pakealamanan diba?
"K-keith..." Habol ko bago pa sya maka labas ng pinto, humarap sya sakin. "Sorry...." Hindi nya sumagot pero lumamlam yung nata nya."Sorry sa sinabi ko.. Nainis lang ako ng sliiggghhtt!!" Minuwestra ko pa ang mga daliri ko para sa slight na yun kaya natawa sya.. "Sorry na..."
Hindi talaga sya sumagot.. "sorry kung nasaktan kita." Dagdag ko.
humakbang sya palapit sakin. Hindi ako gumalaw at tinitigan lang sya... Nag bend sya ng konti para pumantay ang paa namin--- deh, yung mukha kase, nuba.
"Sorry din." Sabi nya.. Ngumiti ako..
Atlast.
---
Peep peep.
Eeeeennnkkk
-lexa
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...