G43

585 41 2
                                    

Zylix's POV

"Look.. Im sorry okay?" Sabi nya ulit.

Hindi ako sumagoy at tumitig lang sa mata nya.

"Sorry san?" Tanong ko, "sa pag uwi kay Chennel sa bahay nyo? Sa pag iwan sakin sa mall? Sa pag hihintay ko?"

"Pinilit nya akong idaan sya sa bahay, akala ko daan lang.. Kaso dun pala sya mag s-stay pang samantala!" Inis din na sabi ni Keith.

Tumango tango ako. "nice, live in partner. Ge pakasaya kayo." Sabi ko bago ako dumukdok sa desk.

"Zylix, hindi ko alam promise.. Tsaka akala ko umuwi ka na nang mag 1 hour na hindi pa ako nakakabalik." Parang nag mamakaawa na sabi nya.

"Hindi ko din naman alam na 4 hours and a half akong mag hihintay." Matamlay na sagot ko.

"Argh. Fine." Sabi nya pa.

"Wag kang mainis sakin, hindi ako ang nag sabing pumunta ka dito para mag sorry.." Sabi ko pa.

Narinig ko ang pag tunog ng sapatos nya habang palayo sakin. "Again, sorry Zylix for making you wait that long."

"I guess. Hindi na kita mahihintay sa susunod.." Sabi ko pa.

Napa taas ako nangulo nang wala akong marinig na sagot.

"Okay.. Kung yan ang gusto mo." Kuyom ang kamao na sabi nya bago lumabas ng classroom.

Sa hindi ko malamang dahilan.

Umiyak ako.

Dumukdok ulit ako sa lamesa habang umiiyak para walang makakita sakin.

Naiinis nanaman ako.

Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko talaga sya kayang hintayin ng matagal. Gusto kong mag hintay pero hindi kaya.

Napa singhap ako nang tumunog ang phone sa loob ng bag ni Hazel..

Pinunas ko ang luha ko bago kinuha ang phone ni Hazel, alam ko password eh.

Seb
Umiiyak si Bossing, anong nangyare?

Umiiyak?

Si Keith?

Napa kurap ako at nag back read.

Seb
Naka tanggap ng letter si Bossing galing sa isang school sa US. Pinapalipat sya dun. Hindi sya mag tatapos dito.. Paktay tayo nyan, pano si kumander?

Ah?

School? Sa US?

Halos maitapon ko ang cellphone ni Hazel nang bumukas ang pinto.

kunot ang noo ni Hazel habang naka tingin sakin na hawak ang cellphone nya.

"Nag text si Seb." Sabi ko nalang.

Nanlaki ang mata nya at natatarantang inagaw sakin ang phone..

Too late. Nabasa ko na.

"Lilipat ng school si Keith?" Tanong ko.

Natigilan si Hazel.

"I... Honestly don't know." Sabi nya. Mabagal nyang sinabi yan.

Hindi na ako nag salita.

..

Uwian, buong araw akong tahimik at hindi lumalabas ng classroom.

"Mag papasundo ka ba?" tanong ni Hazel sakin.

Umiling ako. "Ihahatid ako ni Ethan."

natigilan sila. "IKAW?! IHAHATID?! NINO?! NI ETHAN?!"

"hindi. Sige baka hindi si Ethan ang mag hahatid sakin." Pabalang kong sabi.

Ngumiwi sila.

"Ingat ah." Nauna na silang umalis.

Nag lakad narin ako papunta sa parking para hanapin si Ethan.

umirap ako kay Ethan na ngiting ngiti na nag hihintay sakin.

"taray." Tumawa pa sya nang maka lapit ako.

"Bat ba." Sabi ko sabay flip ng hair tas tawa.

Ngumiwi sya at pinag buksan ako ng pinto.

Sumakay ako at hinintay syang maka sakay din sa drivers seat.

Tumitig ako kay Keith na naka tayo sa entrance ng school at deretsong naka tingin sa... Akin?

Hindi tinted ang kotse kaya malamang ay nakikita nya ako.. Dagdag nyo pa na malapit lang sa entrance ang kotse ni Ethan.

Nakatingin sya sakin na parang nasasaktan sya. Umiling ako bago nag iwas ng tingin at yumuko, sabay nang pag sakay ni Ethan at pag drive sakin pauwe..

Pagdating sa bahay ay sa kama ang bagsak ko.

Sumimangot ako at naki pag staring contest sa ceiling.

Aalis sya?

Hmm..

Malamang. Hindi naman patanong yung natanggap ni Keith.. Para pa syang inuutusan na umalis dito.


Kinapkap ko ang cellphone ko sa bag at tinignan ang picture na nareceive ko galing kay Sam ngayon ngayon lang.

Nang makita ang picture ay tamad kong binato ang cellphone ko sa kung saan...

Picture ni Chennel na naka back hug kay Keith. Eww. Lalandi, bahala sila dyan.

Tumayo ako para pulutin ang cellphone ko nang tumunog yun.

Naka nguso kong binasa ang Sam.


Sam
Wag kang mag selos ate gurl. Kanina pa sya pinapalayo ni Keith. Ayaw talagang tumigil.. Pero doncha worry, nasa kwarto na si Keith at nag kulong. Muntik ko nang mahampas ng sofa sa mukha si Chennel pero keri lang.. Wag susuko ah. Lablats


Nag pakawala ako ng malalim na hininga.. Lumapit ako sa kama at pabagsak na umupo dun..

Kinusot ko ang mata ko nang bumagsak ang luha ko.

Nakakainis.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nag umpisang mag type.


Nilapag ko sa kama ang cellphone ko at tumayo para lumapit sa kabinet at mag palit ng damit.

--

Heh.

-lexa

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now