G32

602 44 0
                                    

Zylix's POV

"Ang landi talaga."

Napa tingin kami kay Samantha na kakarating lang at naka cross arms na umupo sa tabi ko..

Kaibigan na namin si Samantha, ewan kung pano basta naka close nalang namin bigla. Hindi naman sya ganun ka sama, porket daw ba campus bitch eh masama na? Hindi pwedeng maarte lang daw?

"Sinabi mo pa te." Sabi naman ni Davi. "Nang gigigil ako sa Trisha na yan ah. Masyadong clingy kay fafa Keith!"

Tumingin ulit ako kela Keith at hindi na naka kapit sakanya si Trisha, pero panay ang sunod ni Trisha kay Keith na akala mo buntot sya neto.

"Bakit ba kase hindi kayo nag papansinan?" Tanong ni Addison bago pinasa sakin yung cheetos na hawak nya... Break time namin ng umaga.

Bago pa ako makasagot ay nauna na si Sam mag salita sakin..

"Kase aksidente nyang nasabi kay Keith na nasasakal na sya, kahit hindi naman!" Si Samantha na may pa acting pang nalu-learn na sinakal si Davi sa tabi nya kaya umakto namang nasasakal ang bakla.

"Whut? Eh hindi ko naman sinasadya!" Depensa ko sa sarili ko. "Hindi nya ako pinapayagan lumapit kay Zeris! Bestfriend ko yun!"

Napa facepalm sila.

"Ano ba Zylix?" Si Davi. "Kayo na ba ni Fafa? Kayo na diba?"

Hindi ako sumagot.. Alam naman nila! Sinagot na nga ni Davi ung sarili nyang tanong para sakin..


"Malamang mag seselos yun! Napaka mo Zylix! Nako!!!" Sigaw ni Davi.

Tumingin naman ako kay Addison na akmang mag sasalita na kaso naunahan sya ni Davi na gigil na gigil.

"Mag sorry ka dun!!" Sigaw nya sakin habang naka turo sa dinaanan ni Keith



"bat ako!" Sigaw ko.



"Gaga ka ba? Hindi ka na pina kekealaman ng tao kase sinabihan mong nakakasakal na sya! tas mag rereklamo ka na hindi ka na nya pinapansin? Asan ang utak mooooOoo!!" Sigaw ni Davi.




Napa iwas ako sakanya dahil mukhang handa na syang sapakin ako... Pero bat nga ako mag sosorry? Eh ang oa nya naman kaseng mag selos, bawal lumapit dyan, bawal lumapit dito, eh anak nang! Matutulog na lang ako sa kwarto ko buong araw kung hindi naman pala ako pwedeng lumapit sa kung sino!




Pero..



"Fine." Sabi ko at napa buga ng hangin bago ako tumayo at hinabol si Keith.



"Wag kang babalik dito hanggat di kayo nag babate!" Sigaw ni Davi.



Naka nguso akong nag lakad para hanapin si Keith.



Kaso may papansin na humarang sa harap ko.



"Ano nanaman?" Tanong ko kay Ethan na hindi talaga ako tinitigilan! Alam nya ba na ayaw ko na talaga syang makitaaaa?!!!


"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong nya na nag painit sa ulo ko.


Tinignan ko sya ng masama bago ko tinulak ang braso nya gamit ang dalawang daliri..



"Naka limutan mo na ba?" Mariin kong sabi. "Naka limutan mo na ba lahat ng ginawa mo sakin? Ha? Naka limutan mo na bang sinampal mo ako sa sobrang selos sa bestfriend ko? Naka limutan mo na bang sinampal sa sobrang selos sa mga lalakeng naka palibot sakin? Naka limutan mo na bang muntik mo na akong saksakin dahil kay Kurt, na alam mong pinsan ko?! Naka limutan mo na ba? Ha? Naka limutan mo na bang lagi mo akong sinasaktan?"



Hindi sya sumagot.. Buti nalang at walang tao sa hallway na to.


"Naka limutan mo na bang kinulong mo kami ni Zeris sa bahay mo?" Tanong ko... Pumikit ako... Pag dilat ko ay gulat nanaman ang nasa mukha nya. "Naka limutan mo na bang sinunog mo ang bahay na pinag kulungan mo samin? Naka limutan mo bang muntik na kaming mamatay ni Zeris sa loob?"



Nung araw na kinulong nya kami ni Zeris sa bahay nila bago nya sinunog yun... Malamang hindi ako naka hinga sa sobrang usok... Nawalan ako ng malay... Peeo nagising ako... Nagising ako na parang hindi ako naapektuhan sa usok.. Naka hinga ako ng maayos kahit sunog na ang kwarto at ung pwesto nalang namin ni Zeris ang hindi nasusunog..



Nakalabas kami dahil sakin... Hindi ko iniwan si Zeris sa loob kahit masusunog na nang tuluyan ang bahay at wala ng pagasa para maka labas.



gumawa ako ng paraan..



Kahit mainit ang pinto ay natulak ko pa yun na onti lang ang nararamdaman kong sakit dahil sa init.. Na akay ko palabas si Zeris.


Napa atras sya nang mag lakad ako palapit lalo sakanya. "Naka limutan mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon? Kung bakit ganito ang buhok ko pag nagagalit? Kung bakit ganito ang mata ko pag galit na ako? Kung bakit bigla nalang akong hindi nakaka hinga? Kung bakit mas nakaka hinga pa ako pag nay nakikita akong apoy?"




Nag lakad pa ako palapit sakanya... "Naka limutan mo bang ikaw ang dahilan ng lahat ng to?"






---


Tapusin ko na ang story na toh! Malapit na!

-Lexa

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now