G19

646 43 0
                                    

Zylix Phyra's POV

"Zylix." Ulit nya.

Lahat ng tao dito sa booth..

Literally...

Stopped moving.

Napa hawak ako sa katabi ko nang manginig ang tuhod ko.

Si Seb at Davi pala ang katabi ko.

Naka titig lang ako sa lalakeng dalawang taon akong-----

Nawala sa paningin ko si Ethan nang humarang si Keith at Zyler sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Mariin na tanong ni Keith..

"Ikaw nanaman." Naka ngising sabi ni Ethan..

Nakikita ko na! Kala nyo ah!

"Wag ka na ngang mangealam samin ni Zylix. Masyado kang pakealamero! Sino ka ba!" Sigaw ni Ethan..

Na humakot nang mas madaming Audience!

"Keith Alexandrite... boyfriend ni Zylix" Pakilala ni Keith. "sino ka ba?"

"Ethan Lancaster.. Ang Boyfriend ni Zylix!" Diniin pa ni Ethan ang Boyfriend!

"Tangina ka.. Bat di alam ng ate ko na boyfriend ka nya?" Natatawang tanong ni Zyler.

Napa kuyom ang kamao ko nang kwelyuhan ni Ethan si Zyler.

"bitawan mo ang kapatid ko." Mariin kong sabi.

Chill Zylix.

Chill...

Wag ilalabas si Phyra.. Chill.

Pabatong binitawan ni Ethan si Zyler, kusang lumapat sa pisngi nya ang kamao ko nang akmang hahawakan nya ako sa kwelyo.

umawat si Keith at Zyler na parehong naka hawak sa mag kabila kong braso.

Humawak si Ethan sa pisngi nyang sinuntok ko bago lumingon sakin na galit na galit.

"lumalaban ka na ah." Bulong nya.

Hindi ko malaman kung bulong ba yun o ano.

Nadinig kasi ng lahat.

"Oh my gosh!"

"Buti lumalaban na si Zylix!"

"Huhu!! Bakit ba nang gugulo pa sya?"

"Baka kung anong mangyare kay Zylix."

"Call the guards please."

Oh diba.

Ang bobo ni Ethan.

Nang akmang susuntukin ako ni Ethan ay ang pag sipa ni Zyler sa bandang dibdib nya ..

Napa atras si Ethan.

"Hoy!"

Oh no.

Here comes the gang.

"Tangina ang lakas ng loob mong mag pakita pa kay Ate Zylix!" Galit na sabi ni Kurt habang palapit samin.

Kasunod sila Javier na galit din.

"Ahhh... Hahahahahahahaha!!"

Nagulat kami sa biglang pag tawa ni Ethan

Baliw na ba sya? Tawag na ba ako ng Mental Hospital? Mygahd! Nababaliw na si Ethan--- matagal na pala.

"Gago. bat ka tumatawa!" Galit na sigaw ni Addison na kasunod din pala nila Javier..

Naka hawak sa braso ni Addison si Jon at Zack, dahil mukha syang dragon na bubuga na ng apoy!

"Hahahahah-- akala ko pa naman, kaya nang lumaban mag isa ni Zylix--- ahahahahahahaha-- kailangan pa pala nang back up!" Tawa ni Ethan

Napa taas ang kilay ni Davi.

"Sino nag sabing back up kami ni ate Zylix?" Tanong ni Javier.

Tumahimik naman si Ethan.

"Well mas okay nga na kami ang lumaban sayo kesa si ate Zylix." Sabi din ni Jade.

Tumahimik lahat.

"Taga cheer kami dito." Singit ni Adam.

"oo nga, oo nga!" Gatong ni Nathan.

"Go ate! Go ate!" Cheer naman ni Kurt na may hawak nanaman na pom poms.

Parang kanina lang galit na galit sila ah?

"Pwede bang wag na kayong gumawa ng gulo dito? First day ng intrams tapos mag gugulo kayo."

Nanigas ang ako nang madinig ang boses ng nag salita.

Zeris.

Hinanap ng mata ko ang may ari ng boses na yun at halos lumuwa ang mata ko nang makitang si Zeris nga!

Naka sandal sya sa upuan at naka yuko.

Zeris Serano.

Bestfriend ko din.

Anak ni Tita Zeya at Tito Jeris

Ngumisi si Ethan.

"Naka balik ka na." Sabi pa ni Ethan.

Nag taas sya ng tingin deretso kay Ethan.

"Wala. Hologram lang ako." naka ngiwing sagot ni Zeris, bago tumingin sakin at ngumiti. "Hey Zyl."

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ko ang pag tingin sakin ni Keith.

Nginiwian ko si Zeris bago ako lumapit kay Keith at humawak sa kamay nya.

Alam nyo kung baket? Kung bakit ako humawak kay Keith?

Dahil bumibilis ang tibok ng puso ko kay Zeris!

You see... Nag kagusto ako kay Zeris habang boyfriend ko si Ethan, but! I never two timed!

And I guess may nararamdaman pa ako sakanya...

Kahit fake boyfriend lang si Keith--duhh yun ang alam ng lahat!

"Hah... Bumalik ka na sa america." Masungit na sabi ni Ethan.

"Bat hindi ikaw ang bumalik." Masungit na sabi ni Zeris.. "Ginugulo mo nanaman si Zyl!" Reklamo nya.

Napa ngiwi ako.

"Hindi ako nang gugulo." Sagot ni Ethan. "binabalikan ko lng ang akin."

Humigpit ang hawak ni Keith sa kamay ko.



---

Dutdutdut.

Beeeeeeeeeeeep

Padaan ehehehehehhe. Isa isa nalang talagaang update! Kada week wahahahahahah. o dalawa kada isang week. Depende sa schedule.

Weehhh kala mo nag aaral eh noh wahahahahhaha.

Vote ah. Thank you.

-Alexaaaa

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now