Enjoy.
Zylix's POV
"At san mo balak pumunta?" Tanong ni Dadi na hinila ang collar ng damit ko pabalik sa harap nya.
"Makikipag kita kay Keith." Sabi ko.
Binitawan nya ang damit ko. "Di ka manlang mag papaalam?" Tanong nya.
Umayos ako ng tayo. "Dadi. Makikipag kita ako kay Keith, pwede? Uuwi naman ako eh." Paalam ko.
"Sige." Lang ang sinagot nya at natatawang pumunta sa sala para daganan si Zyler na nanonood ng Dora.
Napa irap nalang ako. Napapalibutan ako ng mga baliw.
Lumabas ako at napa tigil din.
WALA AKONG SASAKYAN! JUSMIYO MARIMAR!
*BEEP BEEP*
tumakbo ako palabas ng gate ng marinig ang busina ng sasakyan.
"Oh." Lang ang nasabi ko nang makita si Aleina at ang iba pang anak ng mga kaklase ni Mami at Dadi.
"Hatid ka namin ate!"
Natatawa akong sumakay nalang.
..
Hindi ko alam kung pano nila nalaman na aalis ako eh.
Sabi nila napadaan lang daw, saktong pag busina nila ay lumabas ako.
Edi alam ko pala hehe.
Naka halukipkip akong naka upo.. Tumingin ako sa wall clock at ngumiwi nang makita ang oras.
Keith.. asan ka na? 7 ang usapan. Mag e-eight na par.
Napa iling ako nang maisip na hindi nanaman sisipot ang lalakong yon. Tamad akong tumayo at nakayukong lumabas ng restaurant.
Nang makalabas ay nag angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses ni Keith.
Para akong sinaksak sa narinig ko.
"I love you Chennel."
Napa talikod ako nang halikan ni Keith si Chennel.
Bakit... Bakit dito pa?
Dalawang araw palang si Chennel dito pero nasira nya na ako.
Si Trisha nga na halos one year ko nang kaaway, hindi ako nasisira.
Si Chennel na bagong salta lang pala ang tatapos.
Kumurap ako nang tumulo ang luha ko.
Okay.
Okay lang.
Si Keith lang naman yun eh.
Si Keith na puro sakit ang binigay sakin.
Lumingon pa ako ng isang beses pero napa talikod ulit nang makitang hindi pa sila tapos.
Nag lakad ako palayo.
Nag lakad ako palayo sakanila.. sakanya.
Nilabas ko ang cellphone ko at nanginginig na dinial ang number ni Ethan.
Kaibigan ko si Ethan.
Sya lang ang makaka tulong sakin.
"hello?"
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...