Zylix Phyra's POV
"DITO KA NA KUMAIN!" Masayang sabi ni ate Kite.(kayt)
"Food? Sige po wahahaha." Tawa ko.
Pagkaen daw! Masamang tumanggi sa grasya!
Pero mas masamang tumanggi sa dyosa.
sa madaling salita.
Masamang tumanggi saken!
Muahahahahahhaha.
Nandito parin ako sa bahay nila Keith, obviously.
Pinahiram ako ni ate Kite ng damit kase nga basa ung uniform ko!
Napa tingin ako kay Keith nang may maalala ako.
"Keith." Tawag ko sakanya.
Binaba nya ang cellphone nya bago humarap sakin.
"Oh?" Tanong nya...
"Patext." Sabi ko.
Tumawa sya. "Tumawag ka nalang."
Inabot nya sakin ang phone nya.
Ngumiwi ako habang nag dadial.
"Hello? Sino toh? Mangungutang ka? Wala akong pera."
Muntik na akong mapa hampas na noo ko sa bungad ni Dadi sa kabilang linya.
"Umayos ka nga Calix! Sino ba yan?"boses ni mami.
"Hello? Calix Santos at your service, what will you order mam, sir?"boses ni Dadi.
Naka rinig ako ng sapak sa kabilang linya, pati pag tawa ni Zyler na sobrang lakas ay dinig na dinig ko.
"Aray aray! Sorry na!" si Dadi. "Hello? Sino ba to? Mag pakilala ka na! hawak ko ang pamilya mo! Mag bigay ka ng wan milyon!"
And again. Naka rinig ako ng sunod sunod na tunog ng sapak atang sssooooooobrang lakas na tawa ni Zyler..
"Siraulo! Akin na nga yan!" Boses ni Mami. "Hello? Two million ang kailangan namin"
this time. Napa tawa na ako sa tawa nung tatlo sa kabilang Linya
Napa tingin na sakin ang mag kapatid na parang nag tatanong.
"Hello?" Nag salita na ako baka hindi na matapos toh eh.
"Zylix? Ikaw pala yan!"tumawa si Mami.
Ngumiwi ako.
"Nandito ako sa bahay ni Keith."
"At baket?" Boses ni Zyler.
"Kase siraulo ka! Iniwan mo ako!"Singhal ko.
Naka rinig ako ng sapak sa kabilang linya.
"Mameee!! Mashaket!!"
"Bakit mo iniwan? Bakit mo iniwan!"
"Hello?" Nag salita ulit ako.
"Hello Zylix? Dyan ka na matulog.. Wala namang pasok bukas."
Payag sila?
"Okay!" Masaya kong sabi.
Namatay ang tawag kaya binalik ko na kay Keith ang phone nya.
"Dito na daw ako matulog." sabi ko pa.
sasagot na sana si Keith ng sumabat si ate Kite.
"Omg! tabi tayo sa kwarto! Movie marathon tayo!" Masayang sabi ni ate Kite sakin.
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...