Zylix Phyra's
"Nag away kayo ng boyfriend mo no?" Tanong ni Zeris na naka tingin kay Keith.
"Uhhh.." Lang ang nasagot ko.
May kasalanan kase ako! Sumobra ata yung nasabi ko sakanya.
Maya maya lang ay lumapit si Samantha kay Keith.
Umupo sya sa tabi neto at para silang nag uusap.
Tumingin pa si Samantha sa gawi namin sabay tawa
Dinuro nya si Keith bago lumayas sa tabi ni Keith.
Umiling ako.. Nang batuhin ni Keith ng Tsinelas si Sam. Tumawa nang malakas si Keith nang pulutin ni Sam ang tsinelad at ibato pabalik kay Keith.
Campus bitch makikipag batuhan sa lalake?
Well.
Whatever.
Nakakainis.
Nakaka selos.
"Hoy. Itsura yan?" Tanong ni Zeris... "Nag seselos?"
Nginiwian ko sya.
"Ano ba kaseng ginawa mo?" Tanong ulit ni Zeris habang palapit kami kela Addison.
"Sinabihan ko syang ang OA nyang mag selos, nakakasakal." Sabi ko.
"Eh kasalanan mo naman pala eh! Kaya mo na yan!" Sisi nya sakin..
"Waw.. Salamat sa support ah!" Singhal ko sakanya at tinulak sya ng mahina.
"Welcome." Sagot nya.
Hindi na ako sumagot at pabagsak na umupo sa tabi ni Hazel na umiinom ng Shake.
"bat di kayo mag kasama ni Keith?" Naka taas ang kilay na tanong sakin ni Hazel. "at bat mag kasama kayo?" Tinuro nya kami ni Zeris na kasalukuyang nakikipag tangkaran kay Zack.
"galit ata sakin." Naka simangot ko na sagot, kay Keith naka tingin.
"Galit talaga. Walang ata teh!" Singit ni Davi.
Pinanood naming tumayo si Keith nang lumapit sakanya si Samantha at hinila sya sa kung saan.
Sa gawi namin.
"Zeris!"
Kumaway naman si Zeris.
"Hi Zylix!" Bati ni Samantha sakin nang makalapit sila ni Keith. Tahimik sa likuran nya ang loko.
"Hello." Walang gana kong bati.
"Uhh.. Yeah, Zylix... Si Samantha nga pala, girlfriend ko. Samantha, si Zylix bestfriend ko." Pakilala ni Zeris na nag pa awang sa bibig ko.
All this pakening time?!
All this prikining time?!
All this time?!
All this time, Girlfriend pala ni Zeris si Samantha?!
"Pinsan ko si Keith." Dugtong ni Sam.
PINSAN?!
mygahd!
Mas nakakabaliw pa tong mga naririnig ko kesa sa marinig kong buntis na si Zyler!
PuahahahAHAHAHAHAHHAHAHAHAH!!
"Pinsan?" Tanong ko.
"Yup!" Masayang sabi ni Samantha. "Noooowwww!! Oh wait! I remembered! Diba may bibilhin tayo?" Taning ni Sam kay Zeris na nag tatakang tumingin sakanya bago tumango tango.
Umawang lalo ang bibig ko nang lumapit din si Sam kay Hazel at Addison
"Kasama kayo diba? my treat!" Yaya ni Sam.
Wala namang nagawa ang dalawa dahil mukhang alam nila ang plano ni Samantha.
"Iwan ka!" turo ni Sam kay Keith. "pati ikaw!" Turo nya naman sakin. "Ako na bahala sa kakainin nyo!"
Nang umalis na sila ay umupo na din si Keith sa upuan.
Malayo sakin.
Awts ba besh?!
Umirap ako nang dumating si Trisha at umupo sa tabi ni Keith.
"Oh. Hi Zylix! Andyan ka pala!" Pampam na sabi ni Trisha.
"Wala ako dito. Hologram lang ako." Mahina kong sabi.
"You were saying something?" Tanong ni Trisha..
"Wag mo akong ini-english! Lumayas ka nga dito!" Singhal ko sakanya.
Ngumisi sya..
"uh-uh dear.. You know what." Hindi ako sumagot dahil hinintay ko pa syang mag patuloy. "Plastic ka... Mabait pag madaming tao, tas pag tayo nalang.. Ang sama ng ugali."
Sarap nyang sabihan ng. 'SHARE MO LANG?! HA?! PATAYIN KO NA BA YUNG NAG TANONG?!'
"so?" Mataray kong sabi.
Hindi sumasabat si Keith dahil away babae.
"Psh.. What are you? A hellfire or a Holy water?" Mataray na tanong ni Trisha.
Nginisian ko sya.
"Im both, hellfire and holy water.." Mukha syang natigilan sa sinabi ko pero nag patuloy ako. "And the flavor you taste depends on how you treat me."
Umawang ang labi nyang saksakan ng pula.
Tumayo ako at nag lakad paalis.
Bumalik ako sa kwarto namin nila Hazel.
Humiga ako sa kama at nag talukbong ng kumot dahil sobrang lamig at ang sarap matulog!
ZZZZZZzzzzZZzzzZzzzzzzzzz.
--
Maikli lang! Wahahahahhahahahahahaha!!
Achunanga. Donut forget to Vote and share this story... Follow nyo nadin si Akueee.
Nga pala! May bago akong story ah?
Game Over
ang title! Kayo na bahala kung babasahin nyo!
Pero sana basahin nyo. Puahahahahhahaha..
Yun lang. salamat sa pag hihintay kahit silent readers ang iba sainyo.
-lexa
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...