Zylix Phyra's POV
MONDAY
"EXCITED NA AKOOO!!" sigaw ko habang winawagay way ang dalawa kong kamay sa ere.
"Obvious nga." Sabi ni Keith sabay tawa.
Uh yeah.. Kasama namin si Keith ngayon, kasama ang iba pang SC na maiingay.
Kasa lukuyang nag aaway si Jon, Zack at Addison tungkol sa isang bagay na hindi ko maintindihan.
Si Seb at Drei ay inaasar sila Hazel at Davi na malapit nang sabunutan ang sarili nila sa sobrang pikon kela Drei at Seb.
"Hoo!!" Sigaw ko pa... "Tara naaa!!!" Sigaw ko ulit.
"Gaga. Mag bantay ka na sa Counter." Sabi ni Davi at tinulak ako sa counter.
"Hii!! Ano order mo?" Masaya kong bati sa unang costumer wahahaha.
"Isang tanga sa pag-ibig frappe." Sabi ni Primrose sa harapan ko...
Tumawa ako.. "Sawi ka prim?"
"Oo. Broken hearted ako.. Galit sakin ung bestfriend ko eh." Sagot ni Primrose na naka simangot.
"Paren?! Mag kaaway padin kayo?!" Hindi maka paniwala kong tanong.
"Unfortunately.. Yes.... Pero im working on it. "Malungkot na sabi ni Prim.
Tumango tango ako bago ko sinabi kay Seb ang order ni Primrose.
"Anong pangalan ilalagay ko?" Tanong ko kay Primrose kahit kilala ko sya.
"Cassidy." Sagot nya.
Tumango tango ako.
Eto ang booth namin! Sila Seb ang naka isip! Naki sali lang kami nila Davi dahil wala na kaming oras para mag ayos ng sarili naming booth.
Umalis na si Primrose nang makuha nya na ang inorder nya, syempre nag bayad sya.
muahahahaha hulaan nyo kung mag kano isang frappe?
One thousand! Puahahahahahahaha. Rich naman lahat ng tao dito kaya keri.
"Anong order mo?" Tanong ko sa lalakeng kaharap ko.
"Isang Zylix Phyra frappe." sagot nya sabay tawa.
"Siraulo, lumayas ka nga dyan!" Singhal ko kay Keith bago ako tumawa.
Tumatawang umalis si Keith sa harapan ko kaya bagong costumer na.
"Ano sayo?" Tanong ko.
"Dalawang friend zoned frappe." naka simangot na sabi ni Kurt.
"Awwww... Na friend zone ka na agad ng kaibigan ni Prim?" Pang aasar ko.
Sinamaan nya ako ng tingin kaya sinurrender ko ang dalawa kong kamay.
"Pero kanino ung isa?" Tanong ko.
"Kay Zyler." Sagot ni Kurt sabay tawa ng malakas.
Ngumiwi ako.
"Ang mamalas nyo sa lovelife.. Pumasok ka dito at ikaw ang gumawa ng sarili mong friend zoned frappe." Tumatawa kong sabi at pinapasok si Kurt na agad namang tinuruan ni Addison kung pano ang friend zoned frappe.
Halos buong araw kaming paulit ulit ang ginagawa at walang pahinga!
"lunch break." Masayang sabi ni Keith na pumalakpak pa.
"Yes!!" Masaya kong sabi bago ko tinanggal ang apron ko.
Si Addison, Jon, Zack, Keith at ako ang mag kakasama kanina at mag papalit na! Change shift ba.
Sila Davi, Hazel, Seb at Zack naman ngayon ang gagawa ng kung ano mang ginawa namin kanina.
Kaen!! Kaen!! Pagkaeeeennn!!!
"huy, kumikinang na yung mata mo kumander." Natatawang sabi ni Zack sakin.
"Syempre.. Food ang usapan." Sabi ko bago kami nag apir ni Zack na natawa nalang.
"Subukan nga natin toh." Biglang sabi ni Addison na hinatak ako papasok sa isang booth. Kaya nahatak ko din si Zack na pinaka malapit sakin na nahatak si Keith na hinatak naman si Jon.
At yun nga, hatakan, bow.
"Anong meron dito?" Tanong ni Jon na naka kunot amg noo.
"Shakes." Simpleng sagot ni Addison sabay turo sa signage na nasa tabi lang ni Jon.
Binatukan naman agad ni Zack si Jon. "Ang tangamo kase, katabi mo na hindi mo pa nabasa."
Nag reklamo si Jon kaya tinawanan namin sya.
Pareho nung booth namin pero mas madaming ka ekekan tong booth na toh.
"Anong order nyo?" Naka ngiting tanong sakin ng lalake sa counter, dahil nauna akong pumila kela Addison.
"Manggo shake." Sagot ko sabay ngiti.
Ngumisi ung lalake kaya kinunutan ko sya ng noo, saktong tumabi sakin si Keith.
"Manggo shake din sakin." Sabi ni Keith na hinawakan ako sa bewang bago nya ako hinila palapit sakanya.
"Ehem!" Biglang ubo ni Zack sa likuran.
"Hmm tsk tsk." Si Addison.
"May nag seselos.. EHEM!" Mas malakas na ubo ni Jon.
Lumingon si Keith sa kanilang tatlo kaya lumingon din ako at nakitang nag iwas ng tingin ung tatlo.
ngumiwi ako bago ako humarap ulit sa counter.
"Anong pangalan po?" Naka ngiting tanong nung lalake sakin.
Sasagot na sana ako nang sumabat si Keith.
"Mrs. Stanford." Si Keith na tumingin pa sakin kaya lumingon ako sakanya at tinaasan ko sya ng kilay.
----
Duuuubbb!! Daaaabbb!!
Abemskie para sa kung ano wahahahahaha
Boat
Goat?
Vote
Fote? Muahahaha foot pala.-alexaa
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...