Zylix's POV
"Keith?"
Boses ng babae.
Sabat kaming lumingon sa isang babae..
Uh... Maganda naman. May hubog ang katawan. Matangkad. Maputi.
Harhar. Hindi ako maitim, hindi din ako ganun ka puti.. ah semi puti ganon.
Maganda nga eh, kaso mas maganda ako so.. Sorry sya.
"Hey." Bati ni Keith, tumingin sya sakin bago binalik ang tingin nya kay ate girl.
"Ohmygod!" Exagg na sabi nung babae.
Patalon syang yumakap kay Keith, dahilan para halos masubsob ako sa sahig nang mabitawan ako ni Keith.
Ngumiwi ako at umayos nang tayo, humiwalay sa yakap ang babae at humalik sa mag kabilang pisngi ni Keith na mas lalong nag pangiwi sakin.
My gosh.
Hindi ba sya aware na kasama nila ako? Hello? Girlfriend here? May tao ba dyan?
Lumayo naman si Keith at tumabi ulit sakin.
"Uhh... Chennel.. Si Zylix nga pala.. Girlfriend ko." Pakilala nya pa.
Chennel pala pangalan nya.
"What?! Girlfriend?!" Exagg nanaman na sigaw ni Chennel na malupet.
Okay. OA na yun ah.
"Pfft. Whatever, im your Wife naman eh." Balewalang sabi ni Chennel.
Nag tataka akong tumingin kay Keith..
Tumingin din sya sakin at nag kibit balikat.
"if you'll excuse us, mag papahatid na ako pauwi." Inunahan akong magsalita ng gaga.
Bumitaw ako kay Keith. "Ah, sige. Ingat kayo."
Syempre dun na si Keith. Baka kase gusto nilang mag halikan nang mag halikan kaya give the space.
Bwiset, you want space? Dun sila sa mars! isang Alien at isang.... POGI!
"Hindi.. I mean.. Wag ngayon Chennel.. Kasama ko girlfriend ko at.. Ihahatid ko pa sya." Sabi ni Keith at humawak ulit sa kamay ko.
Hinigpitan nya yun nang subukan kong alisin para bigyan sila ng space na mas malayo pa sa mars.
"What?! No keith. Mas mahalaga ako, ako ang ihatid mo.. i guess, okay lang naman sakanya?" Tanong ni Chennel na tumingin pa sakin at hinead to foot ako.
Ulol, hinead to foot ko din sya para fair.
"Okay lang." Sabi ko at nag kibit balikat. "Sige na Keith." Pag bugaw ko pa.
Sumimangot si Keith.
"Balikan nalang kita dito?" Tanong nya sakin nang hindi sya tigilan ni Chennel.
"Sige. Hintayin kita." Sabi ko.
"30 minutes.. Hintayin mo ako." Tumitig muna sya sakin, niyakap nya pa ako bago hinila paalis si Chennel.
Umiling nalang ako at umikot pa sa mall hindi pa naman sasara eh.
..
"Miss. magsasara na kami."
Tumayo ako at lumabas ng mall.
30 minutes my foot.
4 and a half hours Keith.
Apat na oras at kalahati akong nag hihintay sayo.
Tsk.
Ngumiwi ako nang paglabas ko ay umuulan nanaman.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Zyler..
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...