Zylix Phyra's POV
"SINO ANG SUMAPAK SA ANAK KO!" sigaw nung nanay ni Boy bawang.
Puahahahahaha.
"SINO ANG BUMATO NANG SAPATOS SA ANAK KO!" sigaw nang nanay ni Boy Mukha.
Hindi kami nag salita.
Kaya galit na galit ang mga nanay nang kaharap namin.
"Sino ang tatawagan? Nanay o Tatay?" Tanong ni Principal samin.
Nag tinginan kami.
"Nanay." Sabay sabay na sagot namin.
"Pag hindi kayo kuntento. Sige! Kahit pati tatay!" Sabi ni Kurt kaya napahagalpak kami sa tawa.
"Tawagan nyo narin pati Lolo namin!" Sabi naman ni Adam kaya mas lalo kaming napatawa.
"Kahit pati Lola namin!" Kantyaw ni Zyler.
"Bwahahahah!! Happy Family!"gatong ko.
Napa hagalpak kami sa tawa habang ang ibang tao sa P.O. ay masama ang tingin samin.
"Sige. Hintayin nyo ang mga nanay nyo."
...
"Anong meron?" Tanong ni Tita Janna na kakapasok lang.
"Bigayan nang regalo mamsi!" Sabi ni Jonathan sa nanay nya.
Kasunod na pumasok si tita Kayla.
"Anong nangyare?" Tanong nya.
"Mother dear! Buti nakarating ka!" bati ni Kurt na tumayo at bumeso pa kay Tita Kayla na akala mo ay nag welcome sa house party.
"Uyy!! Tuloy ka Mader!" Sabi ni Javier na tinulungan pang umupo si Tita Madeline sa tabi ni Addison.
"Welcome sa Principals Office Mame!" Bati naman ni Adam kay Tita Hannah.
Pinsan ko nga pala si Adam ano?
"Pasok ka lang Mumsh! Bigayan nang pagkain. Free naman kaya wag kang mag alala." Bati naman ni Jade kay Tita Crystal.
Sunod na pumasok si Mami.
Sabay kaming tumayo ni Zyler.
"Omg mami!! Galing ka sa gotohan noh!" Sabi ni Zyler sabay tawa nang malakas kaya binatukan sya ni Mami.
"Mother Earth! Nakarating ka!" Bati ko din.
Kaso sinabunutan ako ni Mami ng light.
"Hindi mo tinanggal sa saksak ang aircon sa kwarto mo!" Sabi nya sakin.
"Aray ko naman mami! Ayos nga yun eh! Atleast malamig sa kwarto ko!" Sabi ko naman.
"Bwahahahaha!! Sa freezer ka sana tumira ate." Sabi ni Zyler kaya sinipa ko sya.
"Isa ka pa! Hindi mo sinara ang gripo sa bath tub mo!" Sabi ni Mami at hinabol nang sipa si Zyler na tumakbo na palapit kela Kurt.
"Para nga madaming tubig sa kwarto ko Mami! Lalangoy nga ako eh!" Sabi ni Zyler sabay tawa.
"Bwahahahaha!! Mermaid ang peg ni Zyler mamaya kung sakali!" Sabi ni Kurt at nag tawanan kami.
"shokoy kamo." Sabi ni Adam at mas malakas ang tawa namin!
Napa sapo sa noo ang mga nanay namin.
"So... Anong ganap?" Tanong ni Mami nang makatayo na sya sa tabi ni Tita Madeline
"Ang mga anak nyo! Binugbog ang anak namin!" Sigaw nung isang nanay.
Ngumiwi si Mami. "Sa laki nang katawan nang mga anak nyo. Sila pa yung binugbog nang mga anak namin?"
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...