G8

783 58 0
                                    

Zylix Phyra's POV

HINDI ko naiwasang umiling nang makita ang mag bestfriend na nag aaway.


"Hoy Primrose Cassidy! Hindi pa ako tapos mag salita!" Sigaw ng kapatid ko sa bestfriend nyang tinalikuran na sya para mag walk out.

Hindi ba alam ng kapatid ko na nag dadrama kami pag nag wo-walk out?

Tumigil sa pag lakad si Prim at masamang tumingin kay Zyler.

"Ano nanaman?! Wala naman kasi akong ginagawang masama!" Sigaw ni Primrose.

"Bakit ka sumama sakanya kagabi?! Alam mong delikado! Bakit ka pa sumama?! Hindi ka pa nag paalam sakin!" Galit na sigaw ni Zyler.

Tumigil ako sa pag lakad at cross arms na nanuod sakanilang dalawa.

"Bakit naman ako mag papa-alam sayo?! Kailangan lahat ng gagawin ko--ipaalam ko sayo?! Ano ba kita?! Bestfriend lang naman kita ah!" Sigaw ni Primrose.


Ooohhhhhh

Shet.

Natahimik naman si Zyler dun at parang hinampas ng cactus na walang tinik bwahahahahahaha.


"Bestfriend.." Hindi maka paniwalang sabi ni Zyler at mapaitna tumawa."....Yan ang gusto mo....? Hindi na ako mangengealam sayo..." Natigilan si Primrose. "Bahala ka na sa buhay mo.. Wag na wag kang lalapit sakin na umiiyak... Tandaan mo yan."

Nag walk out naman si Zyler mamen.

Nag tago ako sa isang room ng sa hallway na kinatatayuan ko ang daan ni Zyler para makaalis..


Napa tango tango ako bago lumapit kay Prim.

Tinapik tapik ko ang braso nya.

"Hindi ka matitiis nun, antayin mo lang sya." sabi ko pa.

Napa singhap ako nang biglang tumulo ang luha nya.

Hinila ko sya papunta sa gilid.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko at inabot sakanya ang panyo koooo---- ni Zyler. Haha ambango kase ng panyo ni Zyler!

"Ako ang nasaktan sa sinabi ko sakanya eh." Natatawang sabi ni Prim.

"hindi ko na itatanong kung anong nangyare basta..." Tumigil ako sa pag lalakad. "Wag kang manhid Primrose, makiramdam ka sa mga naka palibot sayo."

Mukha syang naguluhan pero nginitian ko lang sya.

"Mauna na ako sa canteen. nagugutom na ako." Natatawa kong sabi.

Tumawa din sya. "hindi ka naman nabubusog ate Zy." Sabi nya.

Tumawa lang ako bago kumaway.. "makiramdam!" Paalala ko pa bago ako tumakbo papunta sa canteen.

Nag patuloy ako sa pag takbo hanggang sa madaanan ko ang garden.


"Aray ko!!" Sigaw ko at napa yuko sabay hawak sa ulo!

Tinamaan ako ng bato!

"Ate?"

Si Zyler!

Inis akong tumingin sakanya.

"Hala sorry!" Sabi ni Zyler.


"Sorru sorry! Wala akong pake kahit tamaan mo pa ako ng semento! Ayusin mo muna yang problema nyo ni Primrose---- sabihin mo sakanya, manhid sya! Aminin mo nadin sakanya na---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pigilan nya ako.

"Wala akong gusto sakanya!" Defensive na sigaw ni Zyler.

"Hindi pa ako tapos mag salita!" Singhal ko. Napa kamot sya sa batok. "Sabihin mo sakanya na torpe ka!"

"Hindi nga eh." Mahinang sabi nya.

"Pag kayong dalawa hindi nag kaayos at hindi kayo nag aminan--- ikaw ang babatuhin ko ng Kutsilyo!" Singhal ko

Tinalikuran ko na sya pag katapos nun.

Bwiset idamay ba naman ako sa away nilang dalawa.

Naki daan lang ako men. Nakidaan!

Tapos tinamaan pa ako?

sinipa ko pabukas ang pinto ng canteen sa sobrang inis.

"Ano?!" Sigaw ko ng tumingin silang lahat sakin.




Chill Zylix... Chill.. Baka mag tala sila. walang araw dito sa loob ng canteen.


Nag iwas sila nang tingin kaya umirap ako at lumapit sa linya.

Umorder ako at umupo sa pwesto namin nila Davi na wala parin

"Anyare sayo kumander?"

Napa lingon akosa nag salita.

Si Keith

"Ah.. Wala." Sabi ko lang at nag patuloy sa pag kain.

Kase naman!

Alam ng lahat na may gusto sila sa isa't isa! Sila lang tong mga manhid na hindi nakaka ramdam!

O baka hindi naman talaga manhid at nag bubulag bulagan lang.

Gusto ata yung ipag sisigawan nila.

"Aba eh king'na papalunukin ko sila ng megaphone!"

Napa tigil ako nang masigaw ko pala ang iniisip ko.

"Ano bang sinasabi mo?" natatawang sabi ni Keith.

"Wala. Sila Zyler lang." Sabi ko ulit.


Sumama ang tingin ko nang pumasok si Zyler na naka simangot.

Napa tingin sya sa direksyon sa likuran ko kaya napa lingon din ako.

Si Primrose... Kasama ung akala nyang crush nya.

"Ahhhh kaya pala." Tumatangong sabi ni Keith kaya napa tingin ako sakanya.

"Baket?" Tanong ko.

"Eh sumisigaw sigaw sa garden si Zyler kanina eh." natatawang sabi ni Keith.

"Torpe kase." Inis kong sabi.

"Manhid pa ung isa." Sabi naman ni Keith.

Tumawa ako at naki pag apir sakanya.

"Kaya naman pala nag mamadali ang reyna ng campus... Nakipag date pala sa hari."

Sinamaan ko nang tingin si Davi na naka cross arms sa harap ko.

--

Beep beep.

Boat boat.

-lexa

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now