Zylix's POV
KINAKABAHAN AKONG NAG LALAKAD PAPASOK NG CAMPUS.
Late na ako.
Kami pala.
Late na kami ni Ethan at hindi ko alam kung nauna na syang pumasok.
Nadaanan ko ang classroom at Keith. Sumilip ako ng konti at nakitang nakikinig si Keith sa tinuturo ng teacher nila.
Nag patuloy ako sa paglakad at tumigil sa harap ng pinto ng classroom namin.
Kumatok ako bago pumasok.
"Good morning miss. Sorry, Im late." Bati ko. "Hehe." Tawa pa.
Napa iling nakang si miss at pinaupo na ako..
Tumabi ako kay Davi na matamang naka tingin sakin.
"Ateng. Anyare sa leeg mo?" Tanong sakin ni Davi.
Sinamaan ko sya ng tingin
PAG KATAPOS NILA AKONG IIWAN SA KWARTO NI ETHAN! MAY GANA PA SYANG MAG TANONG NG GANUN?!
"Kasalanan nyo to." Mariin na sabi ko sakanya bago umupo ng maayos at tumingin sa board.
May kiss mark! Tanginang Ethan yon! Nilagyan ko nakang ng bandaid eh! Taragis talaga!
Tumihim lang si Davi at nakinig na rin.
Nilingon ko si Zeris na nag tatakang naka tingin sakin..
Naka kunot ang noo nya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.
.
Recess.
Lumapit agad sakin sila Hazel.
"Anong nangyare?" Tanong ni Addison.
"may nangyare ba?" Tanong ni Hazel.
"Sa tingin nyo?" Sarkastic kong sabi bago ako tumayo at iniwan sila dun.
Habang nag lalakad papunta sa canteen ay naka sabay ko si Ethan na isa pang may band aid sa leeg.
Pumasok ako sa canteen... Malamang ay kasabay ko si Ethan.
Naka tingin samin ang lahat kaya nag taka ako.
Nahahip ng paningin ko si Keith na naka tingin din samin.
"What?" Tanong ko at dumiretso sa pila
Naka sunod lang sakin si Ethan.
"Lumayo ka nga sakin. Baka kung ano ang isipin nila." Bulong ko kay Ethan at siniko sya.
"San mo ako balak papilahin? Sa Cr?" Pabalang na sagot nya kaya inambaan ko sya. "Anyway.. Lilipat ako sa France."
"Bakit? Para san?" Tanong ko.
"Dun ako mag tatapos." Sagot nya.
Inirapan ko nalang sya at umorder na.. Nang matapos ay umalis na ako dun at dumiretso sa garden.
Umupo ako sa bench.
Tahimik akong tumingin sa bulaklak na nasa harap ko.
Rose.
Umusog ako nang may tumabi sakin..
Si Keith.
Huminga ako ng malalim.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
Hindi sya sumagot.. Hindi ko sya nililingon.
"Hindi ako lilipat ng school." Ang sinabi nya..
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...