G35

595 45 0
                                    

Zylix's POV

Kinabukasan pag gising ko ay ang bigat ng katawan ko!

Tumayo ako ng dahan dahan at bumaba sa kama para mag lakad papunta sa cr, kaso sumabit yung paa ko sa kumot na naka pulupot pa pala sa paa ko.

Malakas ang tunog pag bagsak ko.

Hindi agad ako gumalaw dahil mabigat nga!

Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Mami na agad na lumapit sakin.

"Anyare sayo?" Tanong nya at tinulungan akong maka tayo.. Hinaplos nya ang noo ko. "May lagnat ka."

Hindi ako sumagot.

"Wag ka na munang pumasok." Sabi ni Dadi na naka tayo sa labas ng kwarto ko at may hawak na tasa.


"Hindi pwede..." Sabi ko at sinubukang tumayo.

"Wag matigas ang ulo Zylix... Wag ka na munang pumasok." Sabi ni Mami.

"Ma... Hindi nga pwede... Hindi pa kami nag babati ni Keith, kailangan kong pumasok." Mahina kong sabi.

Napa buntong hininga sya. "Sige... Uminom ka ng gamot.." Sabi nya.

Ngumiti lang ako at pumasok na sa cr.

..

Pag dating ko sa school ay ang bagal ko mag lakad.. Naka hawak ako sa mag kabilang strap ng bag ko dahil ang bigat sa pakiramdam na naka laylay ang kamay ko.

Pag pasok ko sa Classroom ay halos gapangin ko na papunta sa upuan ko, nang maka upo naman ako ay agad akong nilapitan nila Hazel.

"Anyare sayo?" Tanong ni Addison.

May humawak sa noo ko. "Hot mo te." Si Davi pala. "may sakit..."

"Bat ka pa pumasok?" Singhal ni Hazel.

"Makikipag bati pa ako kay Keith." Mahina ko nanaman sabi na nag patigil sila.


"Don't tell me, totoo yung sinabi ni Jon kahapon na hinabol mo si Keith?" Tanong ni Addison.


"Hindi ko sasabihin sayo na totoo yan." Ang nasagot ko.. Nag katinginan sila.

"Siraulo ka talaga Zylix... Alam mong umuulan! Bat ka nag paulan?" Singhal ni Hazel.

"Kase si Keith yung hinahabol ko." Sagot ko.

Hindi agad sila naka pag salita.

"Kahit na! Alam mong mag kakasakit ka pag naulanan! Si Keith lang naman yu---" Si Davi.

"Si Keith yun... Kailangan habulin, kase nag away nga kami... Kailangan kong makipag bati..." Sabi ko. "Hindi ko na kayang hindi nya ako pinapansin."

Hindi na sila sumagot dahil pumasok na ang teacher.


halos tulog ako sa morning classes namin, na gising lang ako nung break time namin sa umaga.

"Lalabas ka pa?" Tanong ni Davi.

"Hindi yan lalabas. Dito lang yan." Nauna na sa pag sagot si Hazel.

hindi na ako sumagot dahil hindi ko na mataas ang ulo ko.

Umalis na ata sila.... Hindi ako gumalaw hanggang sa marinig ko ang sinabi ng isa kong kaklaseng babae.

"Nasa Feild daw si Keith! Nag lalaro ng soccer!"

"Omg! Kailangan nating manuod!"

"Shh nga! respeto kay Zylix!"

Napa tayo ako at nang hihinang nag lakad palabas ng room.

"Zylix! San ka pupunta? May lagnat ka!" Sigaw ng isa kong kaklase.

"Keith" lang... Pangalan nya lang ang nasagot ko.

Wala na akong narinig pang iba.


At nag lakad na ako papunta sa Feild.


--ADDISON'S POV--

"hindi pa ba tayo babalik sa room?" Tanong ni Davi.

"Teka. Nanunuod pa eh." Sabi ni Hazel habang naka sulyap sa krass nya.

Napa iling nalang ako... Imbes na mag madali kami ay natagalan pa kami dahil sa mga kaibigan ni Keith na naliligo sa pawis.

"Wait... Si Zyl ba yun?"si Samantha ang nag turo sa pamilyar na babae.


Napa singhap kami nang makitang naka hawak lang sya sa railing para sa suporta, maka punta lang sa pinto ng feild.


Nasa taas kami, sa 2nd floor at kita dito ang pwesto ni Zylix at ang feild dahil open yun..

Ngumiwi ako nang maka salubong ni Zylix si Ethan, napa tigil si Zylix sa pag lalakad bago nang hihinang tumingala kay Ethan.. napa tigil sa pag lalaro si Keith nang ituro ni Seb ang pwesto ni Zylix na malamang ay kita din sa pwesto nila, kase open nga!

Lumapit si Keith sa nilagyan nya ng bag nya, kinuha nya ang backpack nya at sinabit ang isang strap sa isa nyang braso bago naka pamulsang nag lakad papunta sa pwesto nila Zylix.

"Shet, ang cool." Sabi ni Davi na malapit nang maglaway dahil kay Keith.

Pinanood naming muntik nang matumba si Zylix, pero nasalo sya ni Ethan.. hindi muna gumalaw si Zylix bago nya tinulak si Ethan.

May sinabi sya kay Ethan bago nag lakad ulit palagpas kay Ethan.

Madami nang tao ang naka palibot sakanila... Sakto pang pag dating ni Zylix sa dulong hallway kung saan sya liliko papasok sa Feild ay ang pag liko naman ni Keith kaya ngayon ay mag kaharap sila.

Hindi tumingala si Zylix, hanggang sa sumandal ang noo nya sa braso ni Zylix na para bang hinimatay ito.. Hinawakan ni Keith bewang ni Zylix... Mukha pa syang nag dalawang isip pero binuhat nya din ng bridal style si Zylix, at nag walk out dun.

"Sana naman mag kabati na sila." Sabi ni Sam.

Tumango tango nalang kami.



--

Ops agahahahahahah

Votesss

Alexa-

The One Who Burns Brightly [Fire #2]Where stories live. Discover now