Zylix's POV
Monday.
May kekwento muna ako sainyo..
Hindi parin ako pinapansin ni Keith, at ginugulo naman ako ni Ethan..
Pumunta si Ethan sa bahay namin kahapon.
Teka.
*FLASHBACK*
Sunday.
Tumingin ako kay Daddy na pumasok sa kwarto ko at naka simangot.
"May tukmol sa labas." Sabi nya pa bago lumabas at iniwang naka bukas ang pinto.
Ngumiwi ako bago ako tumayo at naglakad pababa, naka salubong ko pa si Zyler na tutok na tutok sa cellphone nya habang nag lalakad.
"Hoy." Tawag ko sakanya tumigil sya sa pag lalakad bago tumingin sakin.. Hindi ako tumigil at nag lakad lang habang naka tingin sakanya.. Tinuro ko ung paanan nya kaya tumingin sya dun.
Napa takbo ako para makaiwas sa hampas nya sakin kase uto uto sya!
Hindi nya na ako hinabol nang maka labas ako ng front door. Tumatawa akong lumapitsa gate at binuksan yun----na sinarado ko din naman..
"Zylix!" Tawag sakin ng tao sa labas.
Hindi ako sumagot at nag lakad papasok ng bahay.
"Zylix!" Sigaw nya ulit.
Hindi ko pinansin dahil nasa loob na ako nang bahay.. Napa tigil ako nang makita si Zyler na hawak parin ang cellphone pero naka baba yun, naka kunot ang noo nya habang naka tingin sakin.
Nag balik balik ang tingin nya sakin at sa pinto, tumingin din ako sa pinto bago ako tumingin kay Zyler, nanlaki ang mata ko at napa takbo palabas nang bahay! Sinarado ko ang front door nang makalabas ako!
Baka sapakin nya si Ethan sa labas! Hardcore pa naman yung kapatid ko! Tsk! Bat kase ngayon nya pa naisipang pumunta dito? Hindi nya ba naisip na ayaw ko syang makita? Hindi ba nya naisip na pinag darasal ko na ngang bumalik sya sa US tapos mag papakita pa sya sakin?
"Ate." Tawag sakin ni--
Napa talon ako palayo sa bintana nang makitang naka upo dun si Zyler at naka tingin sakin.
"Wag kang lalabas! Dyan ka lang!" Sigaw ko at tinulak sya papasok ng bintana kaya bumagsak sya sa couch na pabilog.
Tumakbo ako papunta sa gate at binuksan yun.
"Ano bang ginagawa mo dito ha?!" Sigaw ko kay Ethan.
"Easy girl..." sabi nya. "Im here for my girlfriend."
Umirap ako. "Girlfriend mo ba yung nanay ko? Hindi pwede, sasapakin ka ni Daddy.. Girlfriend mo ba ako? Hindi pwede, sasapakin ka ni Keith, sasapakin ka ni Zyler, sasapakin ka ng mga pinsan kong lalake, sasapakin ka nila Nathan--- wag ka nang babalik dito!!" Sigaw ko at sinarado ang gate.
"HOY!"
natigil ako sa pag lalakad papasok ng bahay nang marinig ang sigaw ng pinsan ko sa labas.
Tumingin ako kay Zyler na naka silip sa bintana, tinaas nya ang cellphone nya bago nag kibit balikat..
Inis akong tumakbo palabas nang bahay.
"Adam!!" singhal ko kaya natigil sya sa pagtaas ng kamay. "Pumasok kayo sa loob!"
"oa naman ate? Kala mo sasapakin ko noh?" Tapos tumawa si Adam. "Nanunumpa ako!"
Tinignan ko lang sya.. "Baliw. Pasok na! Wag kayong lalabas!" Sigaw ko.
Nagulat sila sa sigaw ko na nag tulakan pa sila papasok ng gate kaso napa atras din sila nang makitang nay naka harang sa gate
Napa facepalm nalang ako nang makita si Zyler na naka taas ang isang kilay habang naka tingin kay Ethan.
"Paalisin nyo yan." Isang sabi ni Zyler ay nag sigawan ang mga siraulo.
"Alis na!!" Sigaw ni Nathan..
"Tumigil ka na sa kakahabol kay ate Zylix!!" Sigaw ni Kurt.
"Oo nga oo nga!!" Si Jade
"Layas!! Layas!!" Sigaw ni Javier
"Boo!! Boo!! Kay Keith na si ate! Layas na!!" Sigaw ni Adam.
Napa sampal nalang ako sa mukha ko... Hindi titigil tong mga to hanggat di umaalis si Ethan!
Kaso ang gago... Sumagot! "Ano ba! Si Zylix ang pinunta ko dito! Hindi kayo!" Sigaw nya pabalik.
"Aba! Aba!! Hindi ka aalis?!" Sigaw ni Kurt at sinimulang tanggalin ang sintas ng sapatos nya--- ibabato?
"Umalis ka na! Sapakin ka pa ni Keith pag naabutan ka nun!" Sigaw ni Zyler.
"Bahala kayo dyan." Sabi ko bago ako nag lakad papasok pero tumigil ako sa pag lalakad at bahagyang lumingon sakanila. "Walang sapakan, ako sasapak sainyo."
At pumasok na ako nang tuluyan kahit naririnig ko pa silang nag sisigawan.
*END OF FLASHBACK*
"yung boyfriend mo." Biglang bulong sakin ni Hazel at siniko pa talaga ako, kaya naman napa tingin ako sa nginuso nya.
Nakita ko si Keith na kasabay mag lakad si Trisha, may sinabi si Trisha at tumango lang si Keith bago nag salpak ng earphones sa tenga nya, napa iwas nalang ako ng tingin nang kumapit si Trisha sa braso ni Keith.
Mag sosorry ba ako?
--
Hehe.
Vote ha.
-Alexa
YOU ARE READING
The One Who Burns Brightly [Fire #2]
Teen FictionThe one Who Burns Brightly [Fire #2] "You're proof that anyone can walk through hell and can still be an angel." "Never apologize for burning to brightly, or collapsing into yourself everynight.. That is how galaxies are made." 🖇Completed Date Sta...