Prologue

18.9K 386 5
                                    


Sino nga ba ang mag-aakala,
Na ang tulad ko na ulila ay kakaiba.
Namuhay ng matagal na panahon ng mapayapa,
Pero bigla na lang mag-iiba.

Mga taong nakaitim bigla na lang magpapakita,
Pinatulog ako hanggang sa wala na akong madama.

Nagising sa lugar, na puno ng mga taong malungkot na umiiyak.
Napagtantong ako ay nakagapos pala.

Gumawa ng paraan makaalis lamang,
Mabuti't natanggal ang lubid kaya't ako'y nakalaya.

Paglabas ng silid na siyang aking ikinagulat,
Sasalubong saiyo kapaligirang dilim,
Na aakalain mong dito'y,
Gabi na na makulimlim.

Pinagpatuloy ang plano atsaka tumakas,
Linabanan ang takot,
Sa mga matang nakakita,
Tinakbo ang kakahuyan,
Hanggang sa makarating sa bukana,
At doon nasilayan,
Kapaligirang kayganda.

At dito magsisimula,
Ang pag-iiba ng buhay ko.
Mga sikretong nakatago,
Ay maglalabasan na.

At doon ko napagtantong,
Dito ako nabibilang,
Sa lugar kung saan,
Ako nagmula.

Ang lugar, na aking tahanan.





**************

Hello po readers!!! Pasensya na po kayo sa prologue.. Wala po kasi akong maisip eh kaya sana magustuhan niyo.

Sana po patuloy niyo pong suportahan ang storyang ito hanggang sa huli.. Salamat po.

Don't forget to vote and comment....

Elemental World: The Unexpected SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon