Chapter 1- Yes Dad

13.2K 198 3
                                    

Alex POV

;(

" Bakit ka umiiyak?..."

.
.
.
Sino ka?......
.
.
.
.
.

" Ako nga pala si Liz. Ikaw anong pangalan mo?..."
.
.
Ako si Alex, nasaan tayo? anong ginagawa mo dito?.....
.
.
.
.
.
.
" Bye Bye Alex sana magkita tayo ulit, huwag ka ng iiyak ah......"
.
.
.
.
Naglalakad na silang palayo ng biglang lumingon siya at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

:)

Teka sandali ........

*Bringgg! Bringgg! Bringgg!*

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm ko, kaya agad ko itong pinatay.

Palagi ko na lang napapanaginipan ang araw na iyon, hindi malinaw ang lahat ng mga nangyari pero simula noon hindi ko na nakita ang babaeng nag-ngangalang Liz.

Tumingin ako sa orasan at napansin kong kailangan ko na mag-ayos, dahil unang araw ng pasukan ngayon.

Pagkatapos kung mag-ready bumaba na ako para kumain kasama ng pamilya ko.

" ALEX! Bakit ngayon ka lang nagising? Please remember, last year mo na sa college ayokong ngayon ka pa mag-rerebelde, kung kailan ka nakatakdang pumunta sa ibang bansa para sa masters mo after you graduate here." pasigaw na sabi ni Dad

" Dad, pasensya na po, hindi na po mauulit."

" Dapat lang hindi na maulit at isa pa ikaw ang inaasahan kong hahawak ng Millenium Corporation, wala ako maasahan sa mga kapatid mo."

" Yes Dad."

:I

Tinawag niya si Manang Lita ang mayordoma at tinanong kung gising na ba ang kapatid kong si Andy.

" Naku sir ginising na po namin pero ayaw pong bumaba medyo late na po kasi nakauwi kagabi kaya ayun inaantok pa. " sabi ni Manang Lita

" Wala talagang matinong gagawin yang kapatid ninyo, hayaan mo na Manang at mag-uusap kami mamaya. AJ huwag na huwag kang gumaya sa kapatid mong rebelde kung ayaw mong pahirapan din kita. Kamusta ang papasukan mong eskwelahan?"

" Ayos lang po Dad kilala ang mga pre- med programs nila sa buong bansa at ang mga professors ay magagaling na doctor yung iba nga ay nagtratrabaho sa ospital natin."

"Good, ikaw ang pumili ng kursong iyan at ng eskwelahan kaya maging responsable ka sa bawat kilos at sasabihin mo. Lagi niyong tatandaan maraming tao ang gustong sumira sa kompanya natin, maraming kalaban at madali lang para sa kanila ang gumawa ng kwento, oo nasabi ko na sa inyo na tanggap ko kayo kahit ano pa ang kasarian ninyo pero habang nakatira kayo sa pamamahay ko at nabubuhay kayo gamit ng perang pinaghirapan ko matuto kayong sumunod sa lahat ng sinasabi ko. Naiintindihan niyo ba?"

Sabay kami ni AJ na sumagot "Yes Dad."

Nagpatuloy na kaming kumain at makalipas ang ilang minuto ay natapos na din kung kaya't tumayo na ako at nagpaalam kay Dad.

Pinuntahan ko si Manang at hiningi sa kanya ang susi ng sasakyan ko at agad naman niya itong iniabot.

Tumingin ako sa nakababatang kapatid ko at tinanong kung sasabay ba siya sa akin.

" Hindi na Ate, magdadala din kasi ako ng sasakyan late ako uuwi mamaya at isa pa magkalayo ang eskwelahan natin baka mahuli ka pa."

"Kung ganoon sige mauna na ako."

Nagpunta na ako sa garahe para kunin ang sasakyan kong Aston Martin Vanquish niregalo sa akin ito ni Mama at ito na rin ang huling regalo na natanggap ko sa kanya.

Bago ko makalimutan, ako nga pala si Alex ang bida sa storyang ito, fourth year kumukuha ng kursong Business Administration. Di na rin naman ako makakapili kasi tulad nga ng narinig ninyo kanina ako ang magpapatuloy ng business ng pamilya namin. Wala naman kasing anak na lalaki si Dad, kaya tanggap ko na simula ng bata pa ako ang kapalaran nag-aantay para sa akin.

Panganay ako sa tatlong magkakapatid, si Andy ang sumunod sa akin rebelde, pasaway at matigas ang ulo, si AJ ang bunso namin seryoso tulad ko pero mahiyain. Si Dad napakabait niyan dati at tanggap niya kaming magkakapatid kahit ano pa kami ngunit simula ng mamatay si Mom nagbago na ang buhay namin, mas naging strikto na siya at ang dating masayang pamilya ngayon ay magkakalayo na ang loob.

Habang nagmamaneho ako palabas ng estate namin biglang tumunog ang aking cellphone.

" Lex bakit ang tagal mo? Ansabi mo kahapon hindi na ako magdadala ng kotse kasi susunduin mo ako."

" Ito na po papunta na, alam mo naman kailangan kumpleto kami kapag nasa bahay si Dad kaya di ako makaalis agad. Antayin mo lang in 15 minutes nandyan na ako kaya huwag ka munang lalabas baka mainitan ka, lagot ako sa boyfriend mo."

" O siya sige may nakalimutan pa naman akong kunin sa kwarto kaya ayos lang take your time."

15 minutes later......

Nakarating na ako sa harap ng bahay ni Max binusinahan ko na para malaman niya na nandito na ako. Lumabas din naman siya agad at nakapasok na sa loob ng sasakyan ko, habang nagmamaneho  panay salita lang itong katabi ko pero sa totoo lang wala ako maintindihan sa mga sinasabi niya.

Si Maxene Ignacio or Max pala guys, bestfriend ko since grade school at ang nag-iisang babae sa grupo yes babae, straight po siya. Ang parents namin ay magkakaibigan nung sila ay nasa college pa lang kaya madalas kami magkita sa mga party simula pa lang nung maliliit kami. Yung isa naman naming kasama ay makikilala niyo na din maya-maya once na makarating na kami sa skul.

:I

"Lex ano ba nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko, parang kanina pa ako dada ng dada pero wala ka man lang imik diyan o reaksyon."

"Pasensya na Max marami lang kasi akong iniisip, last year na din natin sa college kailangan pagbutihan ko pa, ayoko magalit na naman si Dad."

"Hay! Naku! Yung Dad mo nanaman ang iniisip mo, huwag ka magalala siguro naman matutuwa si Tito sa iyo kasi you have been a consistent dean's lister at running ka for Summa cum laude."

"Dean's lister, Summa cum laude, siguro nga yan lang ang hinahanap niya, recognition, nakakapagod lang din minsan yung maging robot at sunod-sunuran sa mga gusto niya, pero wala na rin naman ako magagawa kasi nga di ko pwedeng iaasa sa mga kapatid ko, ayoko madanas nila itong mga ginagawa ni Dad sa akin, gusto kong magkaroon sila ng buhay na sa kanila lang."

"Aysus ang drama naman ng bestfriend ko. Bilisan mo na nga diyan at male-late na tayo."

Nagpatuloy lang ang paguusap namin ni Max tungkol naman sa mga activities this coming school year, President kasi ako ng Student Council at siya naman ang Vice President for Internal Affairs. Nang matapos ay binuksan na niya yung radyo ko sa sasakyan at nakinig na lang kami.

Sana maging maayos ang buong school year ko kasi ayoko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo ni Dad.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong first chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon