Liezel POV
"Liz gising na, pinapatawag ka ng nanay mo."
"Oo na Colleen tatayo na ako, itigil mo lang yang kaka-alog mo."
Salamat at tumigil din siya ang sakit kaya sa ulo.
"O bakit parang puyat ka yata?"
"Tulog pa ba yung dalawa?"
"Oo alam mo naman si Precious tulog mantika. Bakit ba?"
"K-kasi s-sa totoo l-lang ..."
"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na habang tulog pa yung dalawa, utal-utal ka pa diyan."
Huminga ako ng malalim kasi ayokong mabulol o mautal ako sa sasabihin ko.
"Dali na, kanina pa tayo tinatawag sa baba at gigisingin ko na rin yung dalawa. Si Romeo nga ang aga dumating, marami din dalang prutas."
"Kasi hindi ako nakatulog kakaisip sa mga pinag-usapan kahapon."
"Yung tungkol ba sa tatay mo? Huwag ka mag-alala malalagpasan niyo din yan at isa pa hindi lang naman kayo yung may problema dun lahat kaya ng may pwesto doon tatamaan."
"Colleen hindi lang naman yun ang iniisip ko kaya hindi ako makatulog, tama ba yung sinabi ko sa kanya? Nasobrahan yata ako? Hindi naman ganoon ang ugali ko? Nakulitan lang siguro ako."
"Si Alex ba ang pinag-uusapan natin? Sabagay siya lang naman yung taong sumunod talaga sa iyo para lang sa project. Hahaha iba din yan kaklase mo magdahilan. Alam mo Liz matagal na tayong magkasama, kilala ko na ang ugali mo."
"Kasi naman naalala mo ba yung nakwento ko sa iyo nung magkausap tayo sa telepono? Siya yun, siya ang dahilan kung bakit inaaway at tinatarayan ako nung anak ng amo ko. Y-Yung Fir-First K-Kiss ko!"
"Pansin ko nga kasi hindi ka naman ganyan makitungo."
"Sinabi ko na nga ba eh! Mali ako. Kausapin ko kaya siya ulit."
"Liz oo kung ako sa iyo kausapin mo siya at wala naman masama kung manatili siya desisyon niya yun wala kang paki-alam, dagdag na lang siguro yung mapag-usapan niyo yung project na kailangan niyong gawin. Mukhang mabait naman yung tao, hindi natin alam baka may pinagdadaanan lang kaya pumunta dito para mag-relax hindi ba ganoon naman yung mga taga-maynila."
"Unang pumasok sa isipan ko nung makita ko siya ay yung mangyayari kapag nalaman ni Chelsea na nandito siya at kasama ko. Lubos na nga ang galit sa akin nung nangyari sa party noon tapos ito pa."
"Ikaw kung ano ba sa tingin mo ang tama. Sundin mo kung ano yang nararamdaman mo."
Tama naman si Colleen, kakausapin ko na lang si Alex tsak isasama siya ni Lola Fely sa simbahan. Nagulat kami ng biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko, si Kuya Miggy lang pala.
"Uy! Kanina pa kaya pinapababa, baka mahuli tayo sa 8:30 na misa. Gisingin mo na yang ibang mga kaibigan mo. Yung manliligaw mo ang aga dumating."
"Sige na kuya mauna ka na, susunod na kami. At pwede ba wala akong manliligaw."
Ginising na ni Colleen yung dalawa at nauna na akong gumayak sa kanila. Pagkatapos ko isa-isa na silang nag-ayos para kakain na lang kami sa baba at diretso na sa simbahan. Pagkalipas ng isang oras nakababa na kami at ayun nga nakapaghanda na si inay ng makakain. Si Romeo nauna na sa mesa kaya kami nagsi-upo na din.
"Tapos na ba kayong lahat? Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ni Itay
Sabay-sabay naman kaming sumang-ayon sa kanya kaya lumabas na kaming lahat mula sa bahay. Paglabas namin nauna na si Precious at parang tumigil pa yata sa may gate na tila may kausap.
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...