Chapter 35 - Ang Pagluwas

1.2K 47 0
                                    

Liezel POV

Mukhang patapos na itong orientation magsasalita na kasi si Ange for the closing remark.

One message received....

Anak kung pwede bang umuwi ka ng maaga ngayon kasi luluwas tayo ang tatay mo kasi tumawag nagkaproblema daw sa palengke. Ilang araw lang naman tayo mawawala babalik din tayo agad dahil may trabaho pa ako at ikaw naman ay may pasok pa sa eskwela.

Inay

Wala pong problema inay, patapos naman na po itong orientation. Kakausapin ko na lang po si Ange para makapag-paalam.

Sent

Ano kaya ang nangyari sa palengke sana ayos lang si itay, mabuti pa at puntahan ko na si Ange para masabi ko na.

"Liz kanina pa kita hinahanap tapos na yung orientation inutusan ko na iyong ibang members na mag-ayos babalikan na lang natin sila mamaya para itsek kung may nakalimutan pa, para maibalik na din natin yung susi ng auditorium."

"Ange  magpapaalam lang kasi sana ako kaya ako bumalik dito."

"O bakit san ka pupunta? May problema ba?"

"Nagtxt kasi sa akin si Inay sabi niya uuwi daw kami ng probinsya ngayon dahil may problema si Itay at kailangan niya kami. Magpapaalam sana ako kung pwede mauna na ako sa iyong umuwi."

"Sus! Yun lang pala eh! Walang kaso sa akin pwede ka na umuwi tapos naman na tayo sa mga activities natin. Pero teka paano si Alex?"

Nagtaka naman ako sa tanong ni Ange. Ano naman ang kinalaman ni Alex sa pag-uwi ko. Nasagot naman ang tanong sa isip ko nang magsalita si Ange.

"Di ba sabi niya pupuntahan ka daw niya sa org room at may pag-uusapan pa daw kayo."

"Sandali nga paano mo nalaman yan tsaka kaming dalawa lang naman ang tao kanina dun sa may bench ah!" pagtatakang tanong ko

"A-Ah E-Eh K-Kasi..."

"Angela Tan pinakikinggan mo ba ang pag-uusap namin kanina?" seryosong tanong ko

"A-Ah p-parang t-tinatawag y-yata ako. Hindi mo b-ba na-naririnig?"

"Hay! Ibang klase ka talaga, so napakinggan mo nga lahat ng pinag-uusapan namin?"

"Liz, hindi naman lahat nung mga huling parts lang, na-bore kasi ako kakaantay sa inyo, akala ko may nangyari na kasi ang tagal niyo din kaya nag-usap."

"Kaya naisipan mo na puntahan kami at maki-tsismis?"

"Hoy! Wala akong ginawang masama nagkataon lang pagkalapit ko sa inyo hindi pa pala kayo tapos mag-usap. Pero bago pa tayo malayo sa pinag-uusapan natin paano na yung meeting niyong dalawa?"

"Ganito, pakisabihan na lang siya na next week na namin pag-uusapan yung tungkol sa project. Yun lang din naman panigurado ang pag-uusapan namin."

"Kailan ba ang balik mo?"

"Wala pa akong exact date ng balik namin ni Inay pero baka sa martes makabalik kami dipende na din sa sitwasyon."

"Okay balitaan na lang kita, ingat kayo sa biyahe at sana walang masama nangyari sa pamilya mo."

Nang matapos akong magpaalam kay Ange pumunta muna ako sa org room dahil iniwan ko yung mga gamit ko doon buti na nga lang at meron tao sa loob kasi hindi ko nahiram kay Ange yung susi ng room. Palabas na rin ako ng room nang maalala ko si Alex just in case dumaan muna siya dito at hindi sila magkita ni Ange kaya liningon ko yung member na naiwan dito.

"Tricia kapag may naghanap sa akin dito pakisabi na lang umuwi na ako. Kung may sasabihin man tell her na next week na lang kami mag-uusap. Thanks."

"Sige Liezel ako na bahala, ingat ka."

Umalis na ako dahil aayusin ko pa yung mga gamit na dadalhin ko pauwi.

After 40 minutes........

"Anak kararating mo lang ba?"

"Opo nay, pasensya na  rin po medyo natraffic kaya ngayon lang ako nakauwi."

"Okay lang iyon anak basta safe ka nakabalik at isa pa may tinatapos pa naman ako sa kusina. Sige na Liezel pumasok ka na sa kwarto at maligo para ready na tayo kapag dunating na sina Mr. And Mrs. Sy."

"Opo nay, mag-aayos na rin po ako ng mga gamit na dadalhin ko."

"Huwag na anak at nai-ayos ko na ang mga dadalhin natin, inaantay na lang talaga natin sina maam at sir para makapag-paalam."

"Sige po papasok na ako sa kwarto para makaligo, pagkatapos po ay tutulungan ko kayo sa kusina."

Inawan ko na si Inay at nagtungo sa kwarto namin para makapag-refresh bago kami umalis. Siguro yung mga assignments ko at mga kailangan ko aralin dadalhin ko na rin para hindi sayang yung oras ko. Makaligo na nga muna.

"Liezel nak tapos ka na ba?"

"Palabas na po inay, nagdadamit lang po."

"Sige dalian mo diyan kasi ako naman ang maliligo, nandiyan na nga pala sina maam at sir pati na din si maam Chelsea."

Lumabas na ako ng cr at nakita ko si inay na nagre-ready na pumasok kaya pumunta na ako sa higaan.

"Pasok na ako sa loob at ikaw bumaba na para makatulong doon."

Pagkapasok ni Inay tsaka naman ako bumaba upang tulungan yung ibang katulong.

"May maitutulong po ba ako dito?"

"Naku iha wala naman na, natapos na namin ng inay mo kanina, pero pakilabas na lang yung mga ulam at kanin."

Sinunod ko naman yung isang katulong dito, sakto naman ang pagdating nila maam at sir kasunod din nila si Chelsea.

"Nakapag-ayos na ba kayong mag-ina?" agad namang tanong ni Sir Antonio nang makita ako

"Opo sir inaantay na lang po namin kayo upang makapag-paalam tapos diretso na po kami sa terminal ng bus."

"Saan naman pupunta yan Pa?" masungit na tanong ni Chelsea

Pero bago pa sumagot si Sir Anthony dumating na si Inay dala dala ang mga gamit namin.

"Sir, Maam, maam Chelsea magpapaalam po muna kami, babalik na lang po kami agad kapag wala na pong problema sa probinsya." sabi ni Inay habang papalapit sa akin

"Ayos lang yun Luz matagal ka na rin naman naninilbihan dito at isa pa pwede naman kahit na sino sa inyong mga kasambahay ang magbakasyon huwag lang sabay-sabay." sabi naman ni maam Beth

"Sige po alis na po kami ni Inay, maraming salamat po ulit."

"Ingat kayo." sabi naman ni Chelsea na ikinagulat ko

Umalis na kami ni Inay nakatawag na rin pala siya ng taxi na maghahatid sa amin sa Terminal, kamusta na kaya silang lahat matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita. Excited na din ako.

🤗

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- fifth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon